Hindi nga kasi ako mataba makapal lang talaga ang mga buto ko

132 1 1
                                    

Napansin ko lang ngayon na puro ingles-ingles 'yung ilang update sa story (journal?) na ito.

On a completely unrelated note, ito na 'yung huling draft ng story na ito na naka-save sa Wattpad account ko. Hindi ko alam kung paano o bakit wala na akong maisip na mailagay dito. Siguro kasi hindi keri ng mental capacity ko na pagsaba-sabayin lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko. Sabihin na nating hindi wala akong nakukuhang "material" para sa story (journal) na ito.

This chapter's content is... really old. Nung December ko pa yata isinulat 'yung ibang andito. Kaya, enjoy na lang siguro. Tsaka goodbye muna sa inyo. Hindi ko alam kung kailan ako babalik... o kung babalik pa ako (ang drama naman hahahahaha) pero gagawin ko ang lahat para maipagpatuloy ko ang pagsusulat.

Isa ako dun sa mga taong gustong maging  "jack of all trades", at kung hindi ako nagsusulat dito, ako'y nag-dra-drawing, sumusubok na tumugtog ng online piano (dahil wala akong pera at tapang para bumili ng piano, and anyway, 'di ako marunong bumasa ng sheet music), nagbabasa, kumakain, nag-e-emote, sinusubukang matuto ng 3 bagong languages, kumakain ulit, at tumutunganga.

Ang daldal ko noon. Hindi ko alam kung bakit biglang nawala 'yung vigor ko. Tsaka kung mapapansin ninyo, iba 'yung tono ng, uh, pananalita ko ngayon. Hindi na gaanong jokey-jokey, eh. Parang nawala 'yung taglay kong daldal at kakornihan. Kung iisipin, medyo malungkot, pero sabi ko nga, susubukan kong maibalik ang dati kong kakornihan para makapag-update pa ako.

Ito na 'yung last draft na i-pa-publish ko, enjoy.

===

Most of the boys in our school may be really funny, but some of the girls also have some great mic skills! Anyway, sabi sa akin nung friend ko, kahit na 75% mg mga babae sa room namin ay, ahem, "maarte", mayroon pa rin silang hidden talent: magaling sila sa... comedy! In my own honest and humble opinion, dalawa pa lang ang ladies na kino-consider ko na ultra mega funny. At kung hinandcuff ninyo kaming tatlo sa Dedication Booth nung Academy Day, para ka na ring witness sa live taping ng isang talk show... isang COMEDY talk show! No joke. 'Yun nga lang, baka magkaroon ng conflict, kasi dun sa school namin, may iilang lalake na siga na nga, corny pa, at kahit Catholic school kami, umiiral pa rin ang misogynism. So, hindi magiging critically acclaimed ang MC stunt namin.

===

'Yung isa sa mga BFF ng nanay ko, kaklase (at bff na) niya nung nasa college pa siya. Pero hindi sila magkaibigan nung High School sila, kasi binu-bully pala siya (nanay ko) nung future BFF niya. Isa lang ang ibig sabihin nito: "The only permanent thing in the world is change".

Iyang mga best friend mo ngayon, hindi mo pa alam kung 'till death do us part ang friendship niyo. Be open to changes. You'll never know, baka 'yung lalakeng asar ng asar sa 'yo, magiging kaibigan mo pala kasi pareho kayong mahilig kumain sa McDo. Or maybe that fashionista girl is also a fan of your favorite band! Hey, maybe she's just as funny (or lame) as you. Maybe that nerdy dude sitting at the back row is actually very funny and maybe he's the next Bitoy.

So, make the most out of your life! You'll never know who your future friends will be.

===

To be honest, my Christmas is not very ..."Christmas-y". Dahil inubos ko lang ang oras ko sa kakagawa ng caricature. Pag galit kasi ako sa isang tao, gagawa ako ng comic o drawing kung saan mukha silang #$*%@&. Kung ganito lang ang paraan ng anger management instead of being drunk, doing drugs, or punching each other in the face, the world would be a better place. You're welcome.

Anyway, back to topic. You see, my "brother" and my [currently drunk] stalker twin "cousins" are making my Christmas miserable AGAIN, so, instead of shouting at them or making them victims of double underhook facebusters, well, here I am, making terrible caricatures and adding captions in Comic Sans.

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now