Good Riddance!

29 0 0
                                    

This was supposed to be a grad special. 'Yun nga lang, mukhang tungkol lang 'to sa pagkain at thesis. Tsaka tinatamad na akong mag-isip ng maidadagdag dito.

--x--

Na-mention ko na yata noon na gustong-gusto kong kumain sa canteen kahit na madalang akong magutom. Honestly, parang na-spoil na ako sa school ko kasi ang sarap ng pagkain sa canteen. Baka maging picky tuloy ako pagdating sa college.

Pagkalabas mo naman sa campus 'pag dismissal time na, pwede kang dumiretso sa mga bilihan ng pagkain. Mayroong parang booths lang ang peg, mayroon din namang mga mukhang... dunno... restaurant kuno? Basta may tables and chairs sa loob kaya pwedeng kumain doon.

So, withoud further ado...

TOP TEN: CAFETERIA FOOD + LAHAT NUNG NABIBILI SA MGA BILIHAN NG PAGKAIN MALAPIT SA SCHOOL

10. Milk Tea - Beverage siya kung tutuusin. Kung sasabihin mong "pagkain" naman 'yung mga black pearl whatchamacallit sa loob niya... naisahan mo 'ko, smartass. Good job.

9. Ultimate Cornstarch - Hindi ko na maalala kung ano ang original name niya. "Ultimate Burger Steak" yata... U.C. lang ang naging bansag ng mga estudyante kasi mala-cornstarch daw ang consistency niya. But hoy, kasama ako sa minority: Kahit na parang cornstarch burger talaga siya, gusto ko pa rin siya... at least until sumakit na ang ulo ko sa hilo at... umay? May kasama siyang mashed potato so that's great!

8. Funshots w/ Gravy - With java rice. Minsan may kasamang carbonara on the side, minsan naman dalawang kutsarang (!!!) mashed potato. 45 pesos ito. I say, tama lang 'yung presyo. Pang-langgam man 'yung serving size ng mashed potato, nakabawi naman sa sarap.

7. Chicken Fillet Steak Kuno - With java rice rin. Nabibili rin ang Chicken Fillet Steak Kuno sa bentahan ng Ultimate Cornstarch. Hindi ko ma-explain 'yung sauce niya - nung una akala ko barbecue sauce. But as time went by, nalasahan kong para siyang ANO... ketchup na may halong MANG TOMAS?!? Baka Worcestershire sauce ang inihalo. Or 11 herbs and spices.

6. Skyflakes + Citrus Green Tea - Para sa mga nag-da-diet kuno. Perfect kung [a] hindi ako gaanong gutom, [b] ayaw kong kumain dahil nag-e-emote ako, or [c] may meeting ang CAT platoon namin @ 12:30 PM on Tuesdays. Kung gusto mo ng side dish, bumili ka ng Ding Dong.

5. Cheeseburger - Pagkatapos kong bumili ng isa, magpapabili ulit ako sa kaklase ko para hindi halatang ako ulit 'yung bibili. It's that tasty kahit na tulad ng ibang mumurahing burger, tinapay lahat sa unang kagat. Masarap kainin kasama ang nachos with mystery "cheese" sauce.

4. Pizza - Kalasa talaga niya 'yung pizza na inilalako tuwing hapon sa village namin nung bata ako. They started selling this pizza at our canteen ngayong school year na ito, buti na lang naabutan ko pa. However, hindi ko makakalimutan 'yung time na ang ibinigay nung vendor sa akin na slice 'yung kalahati lang ng area ang may cheese. Madalas na inaasar 'yung isa kong kaklase dahil kamukha niya 'yung nagbebenta ng pizza.

3. Chicken Pops - I know, I know. It's bad for you. But it's just so good. How can you even resist it? Hindi ko alam kung anong lamang-loob ng chicken 'to, basta alam kong hindi 'to chicken meat. Masarap kainin kasama ng cheesedog waffle.

2. Takoyaki - Ang lagi kong binibili ay 'yung squid ang laman instead of octopus. Tapos may cheese. Ayos na 'yung takoyaki sauce+mayonnaise+aonori na kasama niya, pero kapag binuhusan mo ng sandamakmak na hot sauce... damn gurl. Nakakatulo-uhog sa sarap. Almost nothing can top the masochistic pleasure it gives you. This should be #1 in the list, if not for...

1. Yang Chow + Chicken Tenders combo - Nabibili outside the campus kapag dismissal time. Ermahgerd, ang sarap nito!!! Pwede ka pang magpadagdag ng fried egg. Ang bagay inumin kasama nito ay 'yung C2 Red Tea, Raspberry flavor. Huwaw. Yammee much. Noong last day of school, may nanay pang nakipag-away dahil dito. Biktima ako nung riot. Asungot 'yung nanay.

...

So in conclusion, tunay na langhap-sarap ang pagkaing nakasanayan namin, to the point that we've become waaaaaay spoiled. I will definitely miss this. Kung tutuusin, baka ito lang 'yung ma-miss ko sa alma mater ko. Joke lang.

Plus, healthier naman kahit paano ang mga pagkaing na-mention sa taas compared to fast food. So, do I need to learn to cook para hindi na ako umasa sa fast food? Mamamatay na lang ako sa gutom.

===

To my thesis-mates,

If you weren't my thesis-mates, I'm sure I wouldn't have become productive. To me, you guys are perfect for the job. We're d'Artagnan and the Three Musketeers, Boss and the Three Idiots (hindi naman kami idiots, kung idiots kami bakit kaya kami may tatlong line of 9 sa thesis? pero may tatlo rin kaming line of 7...), Powerpuff Girls (tapos ako si Bunny).

Conclusion: kailangan natin ng group name. Let's see... Super-duper ultra mega hyper power thesis squad... extended edition. Parang video game.

Alam kong may Wattpad kayong tatlo. BWAHAHAHAHAHAHA pero alam ko ring hindi niyo nababasa 'to. That's alright. In fact, this letter is better left unread. I'm way too cheesy. Manhid nga lang.

Nung pumasa tayo sa title defense on our first try, tapos line of 9 pa... shet, gusto ko na talagang makipag-"high-five" sa lahat ng makakasalubong ko sa corridor.

'Yun lang naman.

Ayoko nang mag-thesis sa college.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now