Huling Harurot

40 1 0
                                    

Acad special ba ang tawag mo rito? Bakit ang ikli? Ano ba nag-acad ka ba talaga?

Naubos na ang oras kong kakasakay ng rides ilang araw bago mag-acad. Tsaka nung mismong acad eh tambay lang ako sa booth. Sooooo, huwag mag-expect. Hahah.

--x--

Mayroong event sa school namin na tinatawag na "Academy Day" (kahit na TATLONG ARAW naman talaga siya kahaba). Mas kilala ito bilang "Acad".

Mayroong isang booth (social hour) kung saan nag-pe-perform ang mga amateur band na ang mgaa member ay pupils/students currently studying at our school. Minsan may mga alumni rin. Minsan hindi ko talaga kilala 'yung mga nagpe-perform. Doon inamin ng crush ko na crush niya ang isang babaeng hindi ako, doon ko rin inubos ang tissue ng best friend ko.

Ngayong taon, ipinagbawal ang mga "hardcore" na kanta. 'Yung mga screamo, heavy metal, and the like. Kung magagalit ang mga tao dahil sa discrimination na ito... hep hep... Catholic school ang pinag-uusapan natin dito.

Nag-perform 'yung isang banda ng mga batchmate ko (may members sila na kaklase ko ngayon). At noong huling kanta na, biglang kinuha nung isa 'yung mic, sabay sabing "Ang susunod na kanta namin ay medyo maingay. Pagbigyan niyo na kami, huling taon na namin ito".

Maingay nga. Tapos may nag-growl! Puro growl!!! Tang ina! [A/N: pumalakpak nang todo nga pala si Unprettier nung nagsimulang mag-growl 'yung singer]

Edi syempre, patay kang bata ka! Nagtatakip na ng tenga 'yung mga bata. 'Yung kuyang in-charge sa social hour (sa mga maikli ang attention span, "social hour" 'yung pangalan ng booth), inaagaw na 'yung microphone. Tangenah, hindi maagaw!!! Kumuha si kuyang in-charge ng isa pang microphone. Ibinigay kay kuyang nag-ga-growl. Tapos... 'yung bagong microphone na ginagamit ni kuyang nag-ga-growl ay SIRA!!! Bale hindi siya marinig. Kaya hiniram niya 'yung microphone nung bandmate niya at nag-growl ulit. Pero natapos na 'yung kanta.

Shet, ang astig nung moment na 'yun. Parang Montreal Screwjob lang. O 'di kaya noong ipina-"cut off" ni Vince McMahon 'yung microphone ni CM Punk when the latter was complaining his heart out on-air. 'Yun nga lang, hindi scripted toh!!! Real life writes the plot. At sobrang astig.

Turns out na pinayagan naman pala nung mga teacher na mag-growl sila kuyang singer, hindi lang alam nung kuyang in-charge sa booth.

...

Noong 3rd day mayroong nag-perform na bandang "pop punk" o kung ano man 'yun. Ang astig. Na-appreciate ko 'yung music, hindi lang talaga ako 'yung tipo ng tao na tumatalon at nakikipagbungguan at sumisigaw kapag may nagpe-perform. Alam ko, boring ako. Pero may mga taong trip ang pag-mosh. Kaya sila na ang bahala sa charisma. Tagapalakpak lang ako. To each his own. Emsosorry.

===

So, 'yung booth naman namin noong Academy Day (DAYS!!!) ay ang Dedication Booth.

Nakakatawa. Kwelang-kwela 'yung mga kaklase ko. Marami kaming binasang message, iba't-iba ang topic: love confessions, crush confessions, sumpa sa crush, nagmamakaawang itakas sa jail booth, nagbibilin kung sino ang huhulihin ng jailers sa jail booth; mga hello, goodbye, happy birthday; paging ng nawawalang wallet, ID, panyo, bimpo.

At syempre nagpapatugtog kami. Talamak ang song requests. Kung bibigyan ako ng piso tuwing may mag-re-request ng K-Pop, mayaman na ako. Not that I'm complaining though, at least "kumikita" kami! And by "kumikita", I mean "sa school lang napupunta lahat ng perang ito".

Nakapagsalita ako ng tatlong beses. 'Yung isa ay inside joke. 'Yung isa naman, kailangan mong marinig para ma-appreciate. Walang kwenta kung isusulat dito. At 'yung isa ay ITO:

Unprettier: Utang na loob, huwag dekwatin ang mga bolpen ng dedication booth.

May tatlo kaming HBW sa booth. HBW? Wow. Such high class. Much expensive. At paalala ko lang, sadya ang grammatical error na ito. I-google mo ang "doge".

Tatlo 'yung HBW namin sa booth nung nag-umpisa. Noong natapos ang Acad, isa na lang. Wow.

===

At syempre hindi mawawala 'yung usapan tungkol sa pagkain.

Syempre wala nanamang Korean Ice Cream. Haaaay.

Noong Day 2 pumunta ako sa canteen para makahanap ng makakainan., tapos, doon sa isang canteen-stall-turned-booth kung saan ako bumibili ng pagkain minsan, andun ang... adviser ko at dalawang kaklase ko?!? Turns out na amin din pala 'yung booth na 'yun. Wew. Shocker! Dagdag "kita" kuno nanaman.

Nakain ko noong Acad... hmm... cotton candy, ice cream, nachos, cupcake, kwek-kwek. 'Yun lang yata. Never akong gumastos sa drinks dahil nagdala ako ng bote ng tubig tapos refill lang nang refill. Kuripot.

--x--

P.S. Ay, at oo nga pala. Apat na beses akong nagsalita sa dedication booth. 'Yung ikaapat? "Bye"! Kami nung kaklase ko ang huling nagsalita sa dedication booth bago magsara 'yun. Yiehee!!!

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now