Ang almusal ay sigawan, ang hapunan ay sigawan, ang tulugan ay sigawan...

77 1 0
                                    

Anu ulit 'yung joke kung saan sumulat 'yung nanay na OFW at nagpadala ng pera sa mga anak niya, tapos dumating 'yung masungit na ate at pinunit 'yung sulat, tapos 'yung bunsong anak sinubukan niyang ayusin 'yung sulat pero nagkagulo-gulo ang arrangement kaya parang ganito 'yung sulat...

Dear Chicken,

Naglagay ako dito ng tuition pambayad ng kapatid ninyo

Love, Nanay

NAKALIMUTAN KO NA 'YUNG JOKE!!! Gusto ko talaga malaman 'yun pero walang lumalabas sa Google e. Asar.

===

June 7. CAT orientation. (At oo nga pala, ang ibig sabihin ng CAT ay hindi "pusa" kundi... "Citizenship Advancement Training"?)

Naka-sit up straight ako, hindi ako gumalaw, at hindi ako nagsalita o tumawa kasi akala ko baka humanga 'yung si sir... general? Chief? Basta si sir na magtuturo sa amin para sa CAT at... brr... ayun. Baka bigyan ako ng additional 100 merits dahil hindi ako gumalaw at naka-sit up straight ako buong orientation (lagpas dalawang oras).

Pero joke lang 'yun. Ang hindi lang joke ay... sumakit ang leeg ko dahil naka sit-up straight ako ng dalawang oras at hindi ako nagpaypay yow.

Ano kaya iniisip nung mga katabi ko nun?

Katabi: (nakatingin kay Unprettier) Anak ng... ROBOT KA BA? Wag mong sabihing hindi ka rin kukurap! KURAP! *kiliti*

Pero hindi mangyayari 'yun. Dahil wapakels 'yung katabi ko. At by the way parang wala naman talaga akong makaka-close sa mga bago kong kaklase... pero ayos lang... dahil... sanay na ako. (unprettier ang emo mo shut up)

===

06/12/13. Nawalan kami ng internet ng apat na oras.

Mga 5pm siguro nag-umpisa. At ilang oras bago kami mawalan ng internet, nag-text 'yung batchmate kong dati kong kaklase (at kapitbahay ko nga pala) na wala raw silang internet. Akala ko sila lang ang wala. Tapos nawalan rin kami. Kaya in-assume ko na baka may nasirang poste kahapon or whatever dun sa area ng subdivision namin. Dahil nag-text 'yung batchmate/kapitbahay ko na wala raw silang internet. In-assume ko na pareho lang kami ng dahilan ng pagkawala ng internet (jusko, enough with the hasty generalizations pls).

Apat na oras akong naghintay, nabwisit, at muntik na tumawag sa PLDT at tadtarin sila ng mura. Kahit hindi naman talaga ako ganun kadalas magmura, at kung magmumura ako, hindi 'yung masaklap na mura. Hindi tulad nung kaklase ko nung 1st year na puro "I'm a child of God!" at bible verses ang laman ng Facebook account pero sa school e kasama siya dun sa clique ng maarte ghurlz tapos tuwing may malalaglag siyang gamit o tuwing magugulat siya ay sisigaw siya ng mura na hindi ko na ilalagay dito (okay clue: *maselang body part* ng *babaeng magulang*)!

Nung 4 hours na 'yun, sinubukan kong mag-print ng picture ko (na 3 years old na dahil mukha na akong #$%@ ngayon) - na pumalpak dahil palpak ang printer namin, at sinubukan ko ring mag-Photoshop (palpak din, yo).

Hindi ako naging productive.

Apat na oras ang lumipas bago ko ma-realize na hindi pala nakasaksak 'yung gray na wire na nag-co-connect sa line-in ng telepono. Punyemas, dear.

===

Nung 1st day of school, nagpa-talent portion 'yung adviser namin.

Teacher: Okay, what is your name?

Unprettier:  My name is Unprettier at birthday ko po bukas!!!!!!!!!

Teacher: Anong talent mo?

Unprettier: Kukunin ko po 'yung bag ko, lalabas ako ng classroom tapos hindi na ako papasok muli. (labas classroom sabay bagsak pinto)

***NOTE: However, kathang-isip lamang ang skit sa taas dahil babait akong estudyante, yow! Tsaka sayang 'yung reputasyon ko sa classroom na "nakakatakot 'yung babaeng 'yun kumakain yata siya ng bata tsaka bakit masyado siyang seryoso". Pero kasinungalingan lang 'yung huling sentence ng paragraph na ito.

'Yung babaeng nasa harap ko na kaibigan ng dati kong kaklase, inampon ako, dun na lang raw ako sa group nila ni [dating kaklase ko na kaklase ko ulit ngayon]. Naawa yata sa akin.

Tapos sabi niya 'yung talent daw namin e magsasalita kami ni [dating kaklase ko na kaklase ko ulit ngayon] ng Korean (marunong daw mag-basic Korean si [babaeng nakaupo sa harap ko na umampon sa 'kin] kaya ayun) tapos i-ta-translate raw ni [babaeng nakaupo sa harap ko na umampon sa 'kin] 'yung Korean na sinabi namin ni [dating kaklase ko na kaklase ko ulit ngayon].

Nung oras na namin ...para mag-perform e minali-mali ko 'yung pronunciation at nagsingit ako ng mga "ui anu ba basa dito" na tanong para kunwari hindi ako K-Pop dahil baka you know, baka hindi nila matanggap na seryoso akong tao at hindi... K-Pop.

Pero nabuking yata ako ni [babaeng nakaupo sa harap ko na umampon sa 'kin] nung sinabi kong gwapo si Nichkhun at paborito ko si Siwon sa SuJu... at kung nabuksan niya 'yung notebook kong puno ng hangul... malalaman niyang marunong pala akong mag-Korean, sinadya ko lang maliin ang pronunciation dun sa talent portion performance namin, at buking na buking na ako.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now