[MINI_UPDATE] We learn, we train, we... complain?

69 0 0
                                    

Second CAT uh... session namin kanina.

Uh... cool.

Parang matututo ka talagang maging disiplinado, at kahit magkakaroon ka na ng stiff neck... at shoulder pains... at... marami pa, e... masaya naman talagang bahagya.

---

Edi nag-CAT kami kanina. Basic drills pa lang. DAW.

Pagbalik ko sa school service [van], nakausap ko 'yung ka-service ko na Corps XO nga pala sa platoon ko.

Sabi niya nagtatawanan daw 'yung mga iba kong ka-platoon, samantalang ako... poker face. MASYADO. To the point na pati officer ay natakot sa akin.

Tapos nagpaturo ako sa kanila, mga ka-service kong CAT officer, nung mga command na isinisigaw nung mga officers, tulad nung "TIKAS... NGA!" [translation: heels of feet together, 45° pagitan, hands on the side, closed fists] at "PULUTONG...'DA!" [translation: spread legs apart at 12", "slap" (translation pa: dapat parang hahampasin mo likod mo 'pag sinabi sa 'yo 'yan ni commander) hands on back, right over left].

Edi bale ginaya ko 'yung mga "command" na isinisigaw nila tuwing CAT time. Sa service syempre hindi habang CAT time. Tapos sabi nila sa akin, "ayus" <*ubo, ubo*> daw 'yung mga "command" ko at sana raw nag-MOCC (mga tine-train para maging CAT officers) ako nung 3rd year ako, you know, kasi bagay daw sakin maging officer. Looks ko pa lang, maiihi ka na sa shorts mo sa kilabot.

Pero hindi ko nagawa 'yun dahil... TAMAAAAAAAAAD AKOOOOOOOOO nung 3rd year ako. Kung ginawa ko sana 'yun e nadagdagan ang credibilidad ko.

Instead na "Unprettier, nakasira ng isang leg ng monobloc chair nung 1st year dahil nasobrahan ang paghampas sa sahig""Unprettier, tagabuhat ng platform sa classroom nung 1st year", at "Unprettier, nakasira ng trashbin nung 2nd year dahil natapakan" e sana ako na ngayon si "Unprettier, CAT officer, kapag ginalit n'yo ko patay kayo sa 'kin".

---

Now back to the actual CAT... ano...training? Session? Class? What?!

Edi kanina ayun nga. Hindi naman ako nagkakamali dun sa mga drills na pinapagawa nila (ok pero medyo palpak 'yung angle ng paa ko kapag naka-"TIKAS") tapos tuwing sisigaw ang commander ng "TIWALAG!" [translation: Naaawa ako sa mga pagmumukha ninyo sige pahinga] e 'yung mga ka-platoon ko e sumisigaw ng "GUSTO KO NA UMUWI" at "ANG SAKIT NG LEEG KO".

Samantalang ako, masyadong poker face. Kinilabatutan kaya sila?

---

Hmm... ilan sa mga commander namin sa CAT ay... adorable. Small but terrible but adorable.

Pinapanood (may de-merit na ako kung ginawa ko 'to next week kaya sinulit ko na ang pakikinood sa kabilang platoon habang wala pang de-merit) ko 'yung mga kabilang platoon, tapos pinapanood ko 'yung [note: small but terrible] commanders na sinusubukang abutin 'yung mga pinakamatangkad na member ng platoon nila.

Tapos nakakatuwa 'yung mga boses nila. Parang tweetums... Isipin mo na lang ganito: Kunwari ang "king of the jungle" ay hindi leon kundi... rabbit. Ganun ang dating.

Pero hanga ako, bad-ass pa rin sila, kahit na gusto mo nang pisilin ang mga pisngi nila. Ang galing talaga nilang mag-command. Crouching tigers, hidden dragons. Astigin talaga.

---

Kung makikita ninyo ako sa school tuwing CAT, mukha akong naligo sa wax and/or gel. Giving Goku a run for his money. Dalawang beses na kaming nag-CAT. Umulan on both sessions. So kapag babalik ako sa service, aakalain nilang naligo ako sa ulan dahil apakarami talagang wax and/org gel sa ulo ko.

Anyway, ayun medyo inggit ako sa mga nag-MOCC (centurion daw ang tawag sa kanila... again, that's bad-ass) kasi ang cool nila. May sariling Facebook group... at... nakalimutan ko na 'yung ibang dahilan pero ang cool nila.

...

Nung nag-refresher course kami para dun sa summer class namin nung June 8 and 9. 'Yung summer class na 'yun ang dahilan kung bakit sampung araw walang tulog ang mga summer classmates ko at ako.

Pero worth it 'yun dahil 1.) pampatalino ang summer class at tumatakbo na ang utak mo habang bakasyon pa rin ang utak ng ibang kaklase mo, 2.) hello, ANG GWAPO NUNG TEACHER NAMIN, at 3.) Dahil andun 'yung CAT officers.

Nakita nung mga kaklase kong malapit sa bintana at pinto 'yung mga CAT officers. Habang kumakain raw sila, may saging sa ulo. Kapag nalaglag ang saging sa ulo mo, malalaglag ka rin. Sa pagod. 10 push-ups. Hindi ba nakaka-kabag 'yun? And I can't do push-ups.

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now