jbdfg

84 1 3
                                    

A/N: Huwag basahin habang mayroong nanonood sa 'yong mag-computer. Huwag itong ipakita sa magulang sabay sabi ng "mama, nag-update si Unprettier, pakibasa nga ito sa akin bago ako matulog". You have been warned.

--x--

Bullying. Lahat naman siguro tayo naka-experience na niyan. Kung hindi... swerte mo. O baka ikaw 'yung bully.

DAHIL HINDI MAWAWALA ANG MGA BWISET SA MUNDO!!! Hindi totoo ang utopia. WALA!!! Hindi guaranteed ang safety. Public man o private, marami man o konti ang estudyante, sa Asia man o sa America, hindi mawawala ang bullying. Kahit nasa catholic school ka man o special science high school. Walang takas. Kahit sa internet, nauuso ang cyber-bullying.

Bullies. Maraming ganyan.

Kahit ako, isang milyong beses ko man subukang utuin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsabi ng "Unprettier, hindi 'yan pambu-bully dahil may kasalanan siya sa mundo at ikaw lang ang naghihiganti on behalf of people", wala ring mangyayari kung sasabihin ko 'to because it won't change the fact that oo, nambully rin ako noon. Hindi porke't may kasalanan siya sa mundo e may karapatan ka nang maghiganti. Hindi ka si Robin Hood, Unprettier. Asshole ka. Pero hindi literal.

Bakit ako nang... uh... b-b-bully... kasi... grade conscious ako. 'Yun lang! 'Yun lang ang pinaghuhugutan. Hindi ako natutuwa sa mga teacher's pet. Kumukulo ang dugo ko. Binubully ng mga kaklase ko ang teacher's pet dahil hindi siya mukhang beauty queen. At ako, nang-ano... bully? bully ba talaga? hindi naman ako 'yung tipong kakalabitin ka lang para mang-asar... tas... hindi kita pipintasan sa harap ng kaibigan mo o sa harap mo ganun... pero bullying pa rin 'yun e awtsu

So galit mga kaklase ko kay ano... teacher's pet dahil hindi siya beauty queen at naiirita raw sila sa ugali. Pero ako, galit lang dahil inuubos niya ang recitation points. Dahil grade-conscious si ako. MASYADONG GRADE CONSCIOUS. JUSKO.

Hindi ako 'yung tipo ng tao na mapanghusga pagdating sa looks. Noong elementary ako, sinabi sa akin ng nanay ko na "ampangit naman ng kaibigan mo, anak." Leche, kailangan bang i-base sa panlabas na anyo ang friendship? I digress.

---

Ba't nga daw ba nam-bu-bully ang mga... well... bully?

Isa sa mga dahilan ay dahil na-bully rin sila noon. Sabi nga ni Lloyd Cadena 'dun sa video niya (na naka-embed nga pala sa sidebar ng chapter na 'to), dahil daw siguro insecure sila, takot sa 'yo, crush ka (dear boys, utang na loob, hinay-hinay lang ang pang-aasar, dahil kung sumobra ka na at umiyak 'yung inaasar mo, congratulations, makakatanggap ka ng "apakalaki mong gago" award), or wala lang talagang magawa sa buhay. In regards to the last choice in the previous sentence, pinipigil ko na talaga ang sarili kong magsabi ng isang sentence na hindi ninyo magugustuhan.

Sabi nila, "if you can't say something nice, don't say nothin' at all" pero sabi naman nung iba, "may freedom of speech kami so sucks for u #swag #YOLO". Wala tayong magagawa. Human nature, eh. May mga isinusulong ang gobyerno na "anti-bullying act" pero kaya ba naman nilang bantayan ang mga tao 24/7 para lang masiguradong walang ma-bu-bully? Hindi.

---

Paano mo matitigil ang pam-bu-bully sa 'yo?

Sabi ni LC, kaibiganin mo raw o magpakabait ka sa kanya. 'Yun din ang advice ng kaklase ko sa akin. Huwag raw magpapakita na naapektuhan ka kasi iisipin daw nung nam-bu-bully sa 'yo na panalo sila. Huwag mapipikon dahil kapag inupakan mo 'yung bully e baka ikaw pa ang makatanggap ng jackpot prizes na "trip to principal's office" at "instant kick-out package".

At kung kaya mo, isumbong mo sa authorities. Sana may makakatulong sa 'yo. Sa magulang mo, sa teacher mo, kung kanino mang trusted adult. Dahil siguro, kung hindi mo kayang ayusin ang problema, makakatulong sila.

Pero...

Sapat na ba 'yan para matigil ang pam-bu-bully?

Baka hindi pa rin, in some cases.

Dahil may mga kilala akong ginawa na ang lahat ng nakasulat sa taas pero na-bu-bully pa rin.

...

Bully: Hoy Amboy, ampanget mo!

Amboy: Tama na. Madadaan natin ito sa matinong usapan. Alam kong may pinagdadaanan ka, pero huwag mo idaan sa pam-bu-bully ang paglabas ng hinanakit mo. Subukan mong humanap ng ibang paraan para ilabas ang galit mo. Huwag ka nang mandamay ng iba. Naiintindihan kong tao ka rin at may emosyon ka. Tao ka rin, napupuno, nagagalit. Lahat naman tayo ganyan e.

Bully: Andami mong sinabi bakla ka ba?

Amboy: AH, GANYANAN PALA WA? TANGINA MO! *sinuntok si bully*

[Nakatanggap si Amboy ng "3 days suspension" package mula sa kanyang homeroom teacher. Kaibigan ng teacher si Bully so the latter remained unscathed. And yes, this is based on a true story.]

...

May narinig akong kwento noon, kung saan mayroong dalawang lalaking nagsusuntukan.

Well, not really. Dahil nanununtok 'yung isa pero 'yung kalaban niya ay hindi gumaganti.

Bakit?

Dahil sabi nung sinusuntok, hindi daw siya ga-graduate kung gaganti siya. School rules and regulations: Huwag manuntok ng kalaban kahit puro ka na pasa at sugat-sugat ka na dahil pinapanood ka ni God at bibigyan ka niya ng reward kapag hindi ka gumanti. May plus points ka... sa langit! Pero magpasuntok ka muna.

At bakit sinuntok ni Suspect si Victim?

Mababaw na dahilan. Natapunan daw ni Victim si Suspect ng pagkain (inumin?) sa damit.

Bakit kailangan pang maging bayolente kung maliit lang naman ang kasalanan? Wala naman akong karapatang magsalita dahil hindi ko naman alam ang kwento ng mga buhay nina Suspect at Victim. At hindi ko alam kung inaway ba ni Victim si Suspect noon at gumanti lang si Suspect ngayon. Hindi ko talaga alam.

 ---

In some instances, one becomes upset at another's remark, and the latter states that "You're way too uptight, too sensitive. It was just a joke, grow some balls."

Sa tao, hindi mawawala ang pagiging sensitive, minsan exaggerated lang talaga 'yung nararamdaman natin, ginagawang malaking bagay ang isang near-insignificant fragment ng buhay... fleeting, temporary... pero para sa 'yo, malaking bagay 'yun at hindi ka titigil hangga't hindi mo nakakamit ang hustisya! RAWRRR!!!

On the contrary, mayroon namang mga taong nakiki-ride lang. Lagi. Kahit sobra-sobra na talaga 'yung pam-bu-bully sa kanya. Wew.

Mahirap na ring manghusga.

Kunwari inasar ni boy si girl, na-offend si girl kahit na "joke lang naman 'yun eh! Ang OA mo!!!" pero ang ibig sabihin ba nun e si GIRL pa ang mali dahil inasar siya at na-offend siya? Punyemas 'yang reasoning na 'yan.

From what I can observe in my school, teenagers lack empathy in general, you know... dagdag astig points kung bully ka, for some reason. Hindi lang sa school ko nangyayari 'yan malamang. Jusko, hindi naman maikakailang isa sa mga karaniwang paraan para magpatawa ng kaklase ay... making jokes at someone's expense.

---

...oks, tapos na. Peace out, yo?

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon