Keep Calm and Shut The Hell Up

84 0 0
                                    

PRELUDE

"Hindi na rin uso 'yung mag-aaral ka dahil gusto mo matuto... ngayon, mag-aaral ka, kasi may exam! May test! May long quiz! May recitation! May oral recitation, may declamation and everything! Sa panahon kasi ngayon, i-me-memorize mo lang 'yung term, 'yung definition, 'yung buong libro: i-memorize mo lang 'yan, pasado ka na! Pero 'yung totoo, naintindihan ba? After ma-memorize, 'pag may exam na, nakalimutan na ulit!"

- Exam nanaman... KAPE! [LC-Learns # 35]

--x--

03/19/13

This week is Hell week in our school. Anak ng... ba't ba kasi sinasabay 'yung mga "performance task" at "completion of requirements" sa exam week? At bakit March 22 pa ang last day namin kahit naka, idk, TWELVE Saturday classes na kami ngayong school year na ito?

Isa sa mga plataporma nung tumatakbong president sa student council namin ang nagsabing babaguhin daw niya ang sistemang ito. Bilib ako sa kanya nung sinabi niyang na-clarify na niya sa school authorities na matutupad iyon bago niya gamitin iyon bilang plataporma niya.

Ang tanong: Tutuparin ba ng school authorities ang promise na iyon?

Nangako na ang school na magdadagdag sila ng electric fan sa mga classroom na nagmimistulang sauna, nangako sila ng ganito, ganyan, chuba ek ek... at karamihan sa mga pangako nila ay hindi naman natupad.

Eek.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now