technologic

77 0 0
                                    

Nawawala 'yung November 2013 issue ko ng Reader's Digest kahit na sa 2nd floor lang naman ng bahay namin kumalat-kalat 'yun. Argh. Hindi ko alam kung talagang lang pabaya lang ako sa gamit o mas masahol pa ang memory ko sa magulang ko, ngunit marami rin namang taong nagkakaroon ng ganitong mga dilemma. Case in point: Lee Taemin of SHINee.

"He once lost his phone and wasted a lot of time looking for it, and finally just ended up buying a new one. Only to find his old phone again. With the first phone. In the same spot."

Muy bien. Hindi nga lang ako sigurado kung legitimate example 'yan dahil nahanap ko lang ang tsismis na 'yan sa internet - and you know what, the internet is just as reliable as tabloids. I don't have to elaborate when it comes to a tabloid's trustworthiness since you probably already know what that's all about. Otherwise, masyado ka pang bata para magbasa ng journal na ito.

--x--

Karamihan sa mga taong na-e-encounter ko ay nalulula kay Nostradamus dahil daw sa accuracy ng mga prediction niya. Wow. Such accurate. Much amaze.* Pakisabi nga pala 'yan dun sa timang na nag-predict na magiging sanhi daw ng apocalypse ang "Gangnam Style".

* Sa lahat ng mga grammar nazi na gusto na akong ipa-chop-chop ng buhay dahil sa sentence na ito, let me explain... nakikisabay lang ako sa "doge" craze kahit wala namang kinalaman sa doge ang statement. Salamat sa pag-intindi.

Back on topic... Nostradamus had many hit predictions... but bear in mind that he also had many misses - but you'll seldom encounter anyone who'll talk about THAT. Kung mas marami ang predictions niya, mas mataas din ang probability na tumama o magkamali, kumbaga sa multiple choice e pwede mong bilugan lahat ng choices pero tama ka pa rin! Happy birthday to you!

===

Friday, 2013 November 22

So nung nagpapa-bun ako ng buhok para sa CAT, na-expose nanaman ang noo kong pwede nang lagyan ng classified ads sa lapad (and yes, I'm exaggerating, gusto ko lang talagang gamitin ang joke na 'yun). Kinantahan ako ng "Jai Ho" nung kaklase ko matapos niyang makita ang galit na galit na tigyawat ko sa noo. At noon akala ko exaggeration lang 'yung sinasabi ng mga chikabebes na "sana lamunin na sila ng lupa" kapag may malaking tigyawat sila... pero ngayon, alam ko na ang feeling.

Sa mismong CAT naman... tatlong beses akong nagkamali sa drills, actually, pero hindi ako naparusahan dahil hindi ako nakita. (Panginoon, patawarin mo kami...)

At may nangyaring nakakatawa - naka-tunton kanan (left arm sideward, hindi RIGHT!) ang platoon pero biglang may nahilo kaya dinala ni platoon leader sa clinic. Samantalang 'yung mga kadete, naka-tunton pa rin... and it went on, and on, and onnnnnnnnn... ang layo ng clinic ng sobra sa grounds kung saan idinaos ang CAT... hindi ko alam kung aksidente lang kaming naiwan o sinadya kaming iwanan nung platoon leader naming sadista. I bet it's the latter. No doubt.

(At oo, may tikwas ulit ang buhok ko nung CAT. Kino-consider ko nang magpakalbo at bumili na lang ng wig na naka-bun na para painless na ang Fridays ko)

===

So madalas ko nang gamitin 'yung Android phone na pinaghahatian namin ng kapatid ko. Ngayon-ngayon lang nag-umpisa 'yung "sapi" niya kung saan biglang may tutugtog na music kapag nakasaksak ang headphones.

Medyo nakakakilabot lang kasi ngayon lang talaga nangyari 'to at ayaw akong tantanan nung lecheng glitch na 'yan. Naglalaro ka ng Angry Birds, at hindi mo lang alam, bigla kang bubulabugin ng K-Pop sa tenga mo. Naglalaro ka ng Zombie Tsunami, and out of nowhere, sinisigawan ka na sa tenga ni Vic Fuentes! AAAAAARGH!!! *insert metal scream here*

Possessed na ang phone na 'to, simulan na natin ang pagsindi ng incense at pag-exorcise sa phone na ito... lorem ipsum dolor sit amet soh cah toa...

===

STEPS ON HOW TO PRINT A DOCUMENT (MS Word 2007 Edition)

1.) Press Ctrl+P on your keyboard.

2.) Wait for the pop-up box to appear.

3.) Click the "Ok" button.

4.) ...i-alay ang iyong kaluluwa.

Si Unprettier habang nag-co-computer in general ay mas... proficient kung ikukumpara sa iba. Si Unprettier naman habang sinusubukang mag-print ng document ay maihahalintulad sa isang technologically-impaired na matandang... tao.

Kung pwedeng maakipag-wrestling sa printer, gagawin ko na.

===

At dahil naglabasan ang mga meme tulad ng "doge" at "dolan" na nagpapaluha sa mga English teacher... sa tingin ko, you have to reach a certain level of expertise in the English language before you can use it in a way such that you'll be heavily berated. Na-e-enjoy ko pa rin ang mga memes na iyon, notwithstanding the atrocious grammar and spelling errors. Such wow.

--x--

THINKING OUT LOUD!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz