Pastillas de Leche ng Kalabaw

105 0 0
                                    

Usapang Whiteboard

Noong 2nd year high school ako, mayroon kaming whiteboard.

Kulay violet, at ang design... Disney Princesses. At isang beses lang yata namin ginamit 'yun dahil medyo tamad magsulat sa whiteboard ang karamihan sa amin at wala kaming whiteboard marker.

Isang araw, nagdala ng darts 'yung kaklase ko, idinikit nila 'yung dart board sa blackboard namin. Nagkabutas-butas 'yung blackboard. Nakita nung Biology teacher namin 'yung mga butas at itinanong sa amin kung sino may pakana nun. Sa totoo lang nakalimutan ko na ang sagot nung mga nag-da-darts pero isinisi yata nila 'yun sa anay. (ay teka, wala itong kinalaman sa whiteboard...)

---

Noong mga unang buwan ng pagiging 3rd year HS ko, meron naman kaming maliit na cute na whiteboard sa classroom. Minsan isinusulat doon ang mga homework namin. Minsan, nilalagyan ng mga drawing. At parating ginagamit ang whiteboard na iyon tuwing may debate. Sinusulatan ng "shame" or "hear" or "BOO" or "umuwi ka na".

Nakapatong 'yung whiteboard na 'yun sa may switch ng electric fan (parang box na puro switch at wire) na nakadikit sa pader, medyo mas mataas sa sitting height ng mga nakaupo sa armchair. At laging nalalaglag 'yung whiteboard sa estudyanteng nakaupo sa pinagpapatungan nito.

Masaya ang relasyon ng section ko kay whiteboard. Hanggang sa isang araw uminit 'yung ulo ng teacher namin sa AP, nainis dahil ginagamit namin 'yung whiteboard habang may debate, kaya na-confiscate ang whiteboard namin at hindi na namin ito nakita pang muli. The end.

--x--

Kung nanonood kayo ng Naruto, siguro napanood niyo na 'yung unang part ng Chuunin exam.

Mahirap 'yung mga tanong, tapos may bonus question na parang i-re-recite 'yung sagot. Pwedeng mag-backout ang mga duwag.

Hindi nag-backout si Naruto. At pumasa siya. Bakit? Dahil nonexistent 'yung "huling question" - lahat ng hindi nag-backout ay pwede nang mag-advance sa 2nd part nung Chuunin exam. Bale test of courage lang.

Pumasa si Naruto kahit blangko 'yung papel niya.

Bakit ko ikinukwento sa inyo 'to? Dahil...

Isa sa mga requirements ng 3rd year Chemistry clearance ay 'yung notebook. Kapag wala kang notebook, hindi pipirmahan ang clearance mo.

Ipinasa ko 'yung notebook ko na walang laman. Ay, meron pala. Assignments at seatworks. Pero napirmahan pa rin 'yung clearance ko. Naruto lang ang peg.

===

UNPRETTIER GOES TO THE DERMA! AGAIN!

At kanina, last Sunday ng May (tinatamad akong tingnan 'yung date), bumalik ako sa derma! Yehey?

Buti na lang at walang ibang tao doon nung nagpa-derma ako, dahil ang ingay ko. Nagmistulang drama ang scenario, dahil maluha-luha na ako sa sakit. Nagmistulang comedy, dahil andami kong tanong at para akong makulit na nangingiyak-ngiyak na 5-year-old. Nagmistula ding horror, dahil napakalakas ng sigaw ko. At nagmistulang talk show, dahil kinailangan nanamang tiisin ng mga dermatologists 'yung mga walang katapusan kong mga tanong: "mas masakit po ba 'yung dati kesa dito", "tapos na po ba", at "ano po ba 'yung nilalagay niyo sa mukha ko, toothpaste?".

Buti na lang hindi nila tinuhog 'yung mukha ko sa inis. Buti hindi sila nainis. At buti na lang magaling 'yung mga nag-de-derma sa akin, kasi kung hindi, baka nagiba na 'yung clinic nila sa sobrang sipa ko sa pader dahil sa sakit.

At ngayon, nalaman ko na amoy sinunog na buhok ang nasusunog na laman ng tao. Huwag niyo nang alamin kung bakit. At ngayon, pinalagyan ng tatlong pirasong scotch tape ang mukha ko, at nagsimba ako habang may scotch tape sa mukha. Huwag niyo na rin alamin kung bakit.

===

Kuminsan may mga nakikilala tayong tao na kahit ilang araw (o oras, o minuto) pa lang kayo magkilala e parang ang tagal na ng pinagsamahan ninyo.

Parang 'yung teacher namin sa summer class. Siya 'yung teacher (proctor?) namin para sa Career Orientation at Non-Verbal...ewan whatever, at may laro kami nun. Human bingo. 'Yung may mga category na nakasulat dun sa 3x3 card at hahanap ka ng taong swak na swak sa category na 'yun. For example: kung ang category ay "foodie", humanap ka ng taong mahilig kumain; kung ang category naman ay "your royal highness", humanap ka ng mayaman; at kung ang category ay "nakalunok ng megaphone", hanapin mo ako.

So doon sa human bingo na 'yun, mayroon category na "future spouse", at dahil walanghiya ako kapag walang crushable na lalaki sa loob ng room, sinabi ko kay sir na "wala po dito future spouse ko, nasa █████ po!!!". At sabi naman ni sir, "akin na 'yang [human bingo card] mo, ipapakita ko sa future spouse mo" (pero hay salamat hindi ginawa 'yun ni sir).

Ang galing lang, 'yung parang isang araw niyo pa lang teacher (ay, actually, nag-demo[?] na pala siya sa room namin noong 3rd year ako) e parang antagal niyo na siyang, ano, antagal niyo na siyang teacher. Pati 'yung mga staff sa summer class namin... akala ko talaga dun sila nagtratrabaho sa school namin, kaya close-close kami. Hindi pala. Haha.

===

 ۰۪۫U۪۫۰۰۪۫N۪۫۰۰۪۫P۪۫۰۰۪۫R۪۫۰۰۪۫E۪۫۰۰۪۫T۪۫۰۰۪۫T۪۫۰۰۪۫I۪۫۰۰۪۫E۪۫۰۰۪۫R۪۫۰ 

Sorry natuwa lang ako dun sa text generator na nahanap ko sa internet. At nawala ko 'yung link nung text generator kaya heto o emoticons.

♪\(*^▽^*)/\(^○^)人(^○^)/\(*^▽^*)/

===

Habang kumakain kami ng dinner...

(may kanta ni Owl City sa TV)

Ako: (sa kapatid) Hoy, ano ba 'yan, one direction?

Kapatid: Engot, hindi.

(lumabas naman ang one direction sa TV)

Kapatid: O, ayan na 'yung one direction, ate. Masaya ka na?

Ako: Hindi.

(lumabas naman ang isa sa mga paborito kong Korean songs sa TV)

Ako: (kunwari di kilala 'yung kumakanta sa TV) O bakit may nasamang Koreano DYANNN?

Kapatid: Engot, ibang kanta na 'yan.

Tapos natinik ako dun sa kinakain ko.

Kapatid: Ayan. Kaya hindi ako kumakain ng isda e.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon