Ang pagmamahal ay parang fried chicken masarap pero nagpapadami ng pimples

101 0 0
                                    

Kanina nung kumakain kami ng dinner, napag-usapan namin 'yung Fontana, kasi ang init init dito at gusto na mag-swimming nung kapatid ko.

Brother: Nakakainis dun sa Fontana. Dapat naka-topless 'yung mga lalaki, pero pagpasok namin, may nakita kami dun na mga Indian na naka-wet suit!

Unprettier: Naka-topless dapat 'yung mga lalaki? E ...paano 'yung mga babae?

Brother: (facepalm) Ayy, nako, ATE NAMAN...

Unprettier: ANO... edi... dapat naka-bikini lang mga babae? Hindi rin sila pwedeng mag T-shirt at shorts? Ay nako! Anu ba naman!

...

Merong mga moment na napagkakamalan akong... inappropriate, dahil nga sa mga usapang tulad nung ^  andun sa taas. Meron pa akong isang example:

Flashback to... First Year HS, 2010...

Seatmate 1: Naka-shorts at T-Shirt lang ako sa loob ng bahay.

Seatmate 2: Ako hindi talaga sanay pag naka-shorts lang.

Unprettier: Ah, edi... wag ka mag-shorts...

Seatmates: EEEEEEW!

Unprettier: Teka, TEKA!!! Ano ba... kasi, e 'di mag JOGGING PANTS ka sa bahay ninyo! Sus naman!

===

So, naging model 'yung isa kong batang pinsan na babae sa isang magazine, at ngayon, sabi sa akin ng kapatid ko na ayaw na niyang tinatawag siya ('yung pinsan ko) gamit ang pangalan niya. Kailangan daw siyang i-address as "Miss Queen of Fashion" at kailangan daw halikan ang kamay niya*.

*Note: Sigurado akong nag-jo-joke lang naman ang kapatid ko. Wag po ninyo seryosohin.

===

I just slept for 14 hours straight. It's currently 3:30 PM. You do the math.

It's because I slept at 4:30 AM and woke up at 7:03 AM yesterday to watch Wrestlemania 29. It was worth it, and Punk v. Undertaker, of course, stole the show. And Mr. Ziggles cashed in his Money in the Bank briefcase during Monday Night Raw. Sorry if you aren't a wrestling mark, but this is worth mentioning in this chapter. It's... special.

===

ANOTHER VIDEO FEATURE: KILLER KOREAN FOOD TEST! [IanH]

Video at sidebar (http:/youtu.be/QJfDgX3yWS0)

Smosh, a.k.a. Ian Hecox and Anthony Hearthrob Padilla taste tests food sent in by "that jerk from Korea". Everything went better than expected. Unprettier here tries not to get distracted by translating the hanggul on the food packaging. Anyways, smosh's Japanese associate AtomicMari from smosh weekly isn't here. Maybe it's because she isn't actually Korean.

===

Kanina, nanood ako ng TV (surprise). Ang tagal ko nang hindi nakakahawak ng remote. Ha ha ha. Anyway, nagbabalak akong manuod ulit ng Wrestlemania 29 sa studio 23, pero naalala kong naka-censor ang karamihan ng palabas na 'yun dahil sa MTRCB kaya nilipat ko na lang sa Channel 104, M Asia.

Pinanood ko 'yung dramang The 3rd Hospital. Drama tungkol sa... duh, hospital.

Anyway, habang patapos na 'yung episode, parang nagtaka ako, kasi dalawang beses nagkaroon ng time skip dun sa palabas na 'yun. Sa isang araw lang. Tsaka pumasok sa isip ko...

"Hoy engot, HULING EPISODE na 'yang pinapanood mo."

Eh???

Himala, naintindihan ko pa rin naman 'yung story. Even though I only watched the last episode, it was a very good drama nonetheless... Kahit tinatakpan ko 'yung mata ko every time na may close-up nung mga inooperahan nila.

===

Kapag may dumadaang sasakyang nagpapatugtog ng campaign music sa harap ng bahay namin, sinisigawan ko sila ng "SHHH!!!".

Pero kanina, may dumaang sasakyang nagpapatugtog ng campaign music. 'Yung tono nung kanta: Jingle Bell Rock. On April 10.

Natawa na lang ako.

===

Noong Grade 6 ako, biglang dumating 'yung kapatid ko sa bahay na may dalang pekeng cellphone. 'Yung parang de-flip 'yung cover. 50 pesos daw 'yun, nabili niya sa tindahan malapit sa school.

Syempre ako, nainggit, kasi ang cellphone ko noon e 'yung Nokia 6610, 2002 model. Anong taon binigay sa akin? 2009.

Gumagawa ako noon ng cellphone gawa sa cardboard. Ang ganda nun pero nawala ko, kaya nagpabili na rin ako ng pekeng cellphone sa kapatid ko. Kulay pink. Parang LG Cyon Lollipop ang dating. Syempre, tuwa ako. Ahihihi. Ang ganda. Tapos ang "wallpaper" niya ay picture ni James Bond. Uhh...

Isang araw, may nangyari.

Nakita nung nanay ko 'yung pekeng cellphone ng kapatid ko. Sabi sa kanya, "DITO MO LANG GINAGASTOS ANG ALLOWANCE MO?" tapos sabi naman ng kapatid ko,

"MAY GANYAN DIN PO SI ATE"

Boom.

Confiscated.

Naibalik sa amin ng nanay ko iyon, ngayong 2013 lang. And guess what: NAIWALA KO NANAMAN.

===

Noong unang araw ko sa review center (a.k.a. summer classes), may pina-assignment 'yung "proctor" namin: ACET essay. Noong araw na iyon, ako'y tinatamad, inaantok, at nag-iisip na "sana hindi na lang ako nag-sign up para dito".

Kaya 'yung ginawa kong essay, 3 sentences. Leave one space pa. Pagdating ko sa classroom the next day, nakita ko 'yung mga essay ng kaklase ko...

3 paragraphs. 3 paragraphs 'yung kanila. Samantalang 'yung sa akin, 3 sentences lang.

Ewan ko kung matatawa ako, mahihiya, o matatakot sa proctor namin dahil alam ko nang masesermunan ako pagtapos niyang basahin 'yung essay ko.

As of now, hindi pa niya na-che-check 'yung mga essay namin. At sana, huwag nang bigyan ng pansin 'yung mga essay na 'yun dahil masisira 'yung reputation ko sa room...

Tsaka kamukha ni sir math teacher 'yung ex-crush ko tuwing ngumingiti.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon