broken glass scars (wala nanamang maisulat / outdated edition)

22 2 0
                                    

Ang sarap mag-procrastinate.

Hindi ko alam kung bakit ginaganahan akong tamarin ngayong tambak ang gawain. February 23. Exam na next week. Pasahan na rin ng requirements. So far, dalawa pa lang ang nagagawa ko. Hindi ko pa inaayos ang papeles ko. Tinatakam ko muna 'tong Strawberry Cookies n' Cream ng Selecta.

Sarap.

Projects be damned na lang.

--x--

"My favorite foods used to be granola bars and chicken, but then I became a vegetarian, so now it's just chicken." - Jade Puget

In other news, malapit na ang graduation. Yata. Parang kahapon lang nung iniirapan ko pa halos lahat ng tao sa room para matakot sila at hindi nila isiping engot na bangang ako. Suuure. This could have been (probably) the best school year evarrr, kung hindi lang lumuwag ang mga turnilyo sa ulo ko. Despite all the crappy happenings and the shitty people, masasabi ko namang mayroong nagpasaya sa akin ngayong taon na ito. As in, super. So, here goes: mahal na mahal kita, academics.

Suuure.

===

Walang JS special ngayong taon na 'to dahil walang exciting na nangyari. Pero in fairness, ang sarap nung pagkain. Mayroong karneng chuva na hindi ko alam kung embutido o meatloaf pero may butter sauce. Mayroong beef with broccoli (beef lang ang kinain ko). Mayroong fruit cocktail (and contrary to popular belief, kinain ko 'to, inubos pa!).

Hindi ulit ako sumayaw nung nagwawala na 'yung iba sa dance floor. Nag-Starbucks® kami pagtapos ng JS, pero nasira ng konti 'yung moment kasi kinukulit ako ng nanay at kapatid ko every now and then via phone calls and text messages. Tsaka, hindi talaga pinag-isipan ng mga kaklase ko kung anong oras kami uuwi, alam niyo naman, YOLO-minded 'tong mga batang 'to. 11:30 na yata kami nakauwi.

On the bright side, walang hunghang na sumama sa amin. Nagmukha nga lang kaming mga eng-eng sa Starbucks® dahil naka-dress ang girls at naka-suit ang boys (excluding my one classmate na naka-sando na lang). Pero SIGURO mas nagmukhang eng-eng 'yung mga kaklase naming kumain sa Burger King®.

And for once, I've got nothing else to say.

===

Pebrero, bibiyayaan nanaman kami ng mga punyetang project at mga punyetang requirements. Tapos 'yung mga project na ipinapagawa sa amin, wala namang kwenta. Mayroon espesyal na lugar sa impyerno para sa mga taong gumagawa ng lesson plan.

Sa isang subject, magpipintura kami ng bato at lalagyan ng bible verse. Nagpabili na lang ako sa papelmelroti. Ano naman kasi ang gagawin nila sa lecheng bato? Ibebenta sa mga estudyante next year? Itatapon? Gagawing dekorasyon sa registrar? Ayaw lang nilang bumili kaya ipinagawa na lang sa amin. At 'yung business plan na 20 pages long WHAT THE HECK?!?

At least wala yata kaming thesis defense. Ayokong humarap sa klase at magmukhang possessed, I've done that one too many times this school year.

===

Hirap talagang mag-computer dito sa bahay namin.

Kasi naman, lahat ng dadaan sa hagdanan, makikita ka. Nasa harap pa nung kwarto ng nanay ko 'yung desk kung saan ako nagla-laptop. Kaya gusto ko na lang mapa-putang ina kasi mga limang beses na dumaan 'yung nanay ko rito, tapos 'yung kapatid ko rin, 'yung kasambahay pa.

'Lam niyo naman 'yung kunwari magbubukas kayo ng bagong tab tuwing may dadaan kapag nag-co-computer kayo. Sarap i-lock ang sarili sa kwarto, 'no? Buti pa 'yung kapatid ko, kulob sa kwarto niyang amoy jabar.

Oh, darn. Alam ko, kids. Mahirap mag-twitter, mag-facebook, mag-wattpad, mag-tumblr, hindi manuod ng porn, at mag-computer in general kapag maraming sabat.

Tapos dumaan namaman 'yung nanay ko rito, for the 8th time in 5 minutes! #$%@!!! May bulate ba sa pwet lahat ng tao sa bahay maliban sa akin?!?

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon