And on the 8th day, God created Yakisoba...

71 0 0
                                    

Nung kumakain kami ng hapunan kanina, naisipan ng kapatid ko na mag-experiment.

Kapatid: Ate [kasambahay. tawagin nating "Ate K"], anong mangyayari kapag nnilagay ko 'yung chocnut sa oven toaster?

Unprettier: (pabulong) Sasabog 'yung oven toaster.

Ate K: Edi malulusaw.

Kapatid: Sige subukan ko nga...

Inilagay nung kapatid ko 'yung chocnut sa taas ng Hansel™ crackers. At inilagay niya sa oven.

Nagsimula nang umusok 'yung Hansel™ crackers, and you know the rest.

Nagsimula na akong mag-toothbrush nung natapos 'yung kababuyang ginawa ng kapatid ko sa oven toaster.

Kapatid: (nakalagay sa spatula ang Hansel™ crackers na may chocnut sa taas) Ate o! NASUNOGGG!!!

(Suddenly... ambilis ng pangyayari. Nalaglag ang Hansel™ crackers at chocnut sa floor)

Kapatid: *tumili* AYYYYYYYYY!!!!!!!!!

Silence.

Tinanong ko 'yung kapatid ko kung anong lasa nung masterpiece niya. Sabi niya, lasang uling daw. At oo nga pala - two years from now, mag-aaral ang kapatid ko ng Culinary Arts sa college.

===

Ang sarap mag-aral. You've heard (este read) that right. Ang sarap mag-aral. Mmm. Sana hindi mawala itong vigor ko pagdating sa studies, lalo na kapag nasa college na ako.

Minsan iniisip ko na ang sarap mag-aral at minsan naiisip ko na sana alam ko na malaman ko ang lahat ng bagay sa mundo. Parang gusto ko na sana padagdag lang nang padagdag 'yung nasa utak ko. Pero NO, hindi naman talaga ganoon kabuti ang ideya na 'yun.

Naniniwala ako na matatalo ng masipag ang matalino. Naniniwala rin ako na oo, minsan natatalo ng madaya ang masipag at unfair ang buhay. At... naniniwala akong sayang ang talino kung hindi ito ma-a-apply sa totoong buhay.

Maganda ang karamihan sa mga pinag-aaralan namin ngayon. 'Yung tipong may ginagawa kang kung ano tapos bigla kang mapapasabi ng "wow, napag-aralan namin kung paano gawin ito".

Tulad ng Physics. I'm not talking about mathematical equations. Ang ibig sabihin ko ay common knowledge na ang tidbit na ito:

Kapag inilaglag mo ang Mentos sa Diet Coke, sasabog 'yun. (applause)

Joking aside. Minsan siguro pwede rin naman nating gamitin ang "math" sa totoong buhay. Na-a-apply rin ito most of the time sa mga bagay tulad ng speed limit (e.g. speed/acceleration) at pagluluto (e.g. boiling/freezing point).

Pero hindi naman ibig sabihin na lahat ng related sa math ay vital elements ng human life.

"CE28 students, after a long discussion on 2nd-order PDEs and application of Fourier series to its solution, always ask: 'Sir para saan ba 'to?'. Then I would answer something like 'to challenge your brilliant minds'." - sir Eric T.

Nabasa ko 'yan doon sa Overheard (FB group comprised of UP students). Maraming salamat, credits to you! Kung may kilala kayo na dapat kong i-credit dito, message me or mag-comment na lang. I'd gladly oblige.

Back on topic - bale ayun. Wala na akong ibang ma-say. That's life.

===

"The Philippines is a free country, at pwede kang suminga ng malakas kung gusto mo. Basta i-timing mo kapag maingay ang klase para hindi masyadong rinig"

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon