Time goes by too fast.

87 0 0
                                    

Sabi nila, mabagal ang unang 18 taon ng buhay mo, pero pagtapos nun, bigla na lang bibilis ang lahat at hindi mo mararamdaman na matanda ka na pala. Hindi ako naniniwala doon, dahil 14 pa lang ako pero nararamdaman ko na ang pagtanda ko.

Next year, 2014, college na ako. Sa totoo lang, ayoko pa. Masyadong masakit sa ulo isipin. Ang daming tanong.

Anong susuotin ko araw-araw kung walang uniform? Paano kung maubos na ang damit ko? Bawal ba umulit ng damit? Halos lahat daw ng estudyante sa college ay naglalasing at sumusubok ng droga, totoo ba 'yun? KAILANGAN ko bang maglasing at sumubok ng droga para magkaroon ng social life sa college? Pwede bang magpa-dropout na lang ako? Kailangan pa ba talagang mag-aral sa kolehiyo para magkatrabaho? Ba't si Steve Jobs at Mark Zuckerberg, hindi naman sila nagtapos ng college, pero succesful naman sila? Bakit kailangang husgahan ang mga taong hindi nag-college? Porke't hindi nakapag-college e bobo na?

Andaming tanong. Ang sakit sa ulong isipin. Parang gusto ko na lang na mag-stay sa nakaraan. Forever.

5... 4... 3... 2... 1...

===

'YUNG KAISA-ISANG MEDYO MATINONG SEATING ARRANGEMENT NUNG 3RD YEAR AKO

One of the best parts of the past school year is the January 2013 seating arrangement in our classroom. Parang hulog ng langit ang adviser namin dahil ginawa niya ang seating arrangement na ito, at nung nalaman kong ito ang seating arrangement namin, para naman akong nanalo sa lotto dahil sa saya ko (I'm 99% happy with this seating arrangement).

--------------------[BLACKBOARD]-------------------- 

[1] [2] [3] [4]       [teacher's table]       [x] [x] [x] [x]    

[5] [6] [7] [8]                                           [x] [x] [x] [x] 

[1] ako, isang estudyanteng masyadong malabo ang mata

[2] Wattpad-er (haha) na minsan ay nadadamay pag maingay ako (sorry)

[3] kaklaseng overenthusiastic pagdating sa recitation

[4] kaklaseng rakker at laging absent 

[5] upuang laging nililipatan ng kung-sinu-sino

[6] cool dude na friendly sa girls but not in a flirty way

[7] kaklase na akala ng iba ay maarte but in fact mas nakakatawa siya sa akin

[8] upuang walang laman dahil lumilipat sa ibang upuan ang nakaupo dito

[x] mauubos ang oras ko kung i-de-describe ko pa lahat ng kaklase ko

Sa totoo lang, nasa left side ng classroom (at nasa left side KO) 'yung bintana (jalousie), at laging nakasara 'yun kasi 1.) giniginaw ako, 2.) nasisilaw ako sa araw, o 3.) because on the other side, there's a garden, may mga insekto doon, at takot ako sa insekto.

May mga panahon na may lalapit doon na butterfly, at isasara ko 'yung bintana (at titili deep inside). According to the seat plan above, laging empty ang seat # [5], at ang laging lumilipat doon ay ang kaibigan ng  nakaupo sa seat # [6] at seat # [7]. At lagi niya akong sasabihan na buksan ang bintana.

At dahil nasa front row ako, lagi ring sa amin ni seatmate lumilipad ang chalkdust tuwing i-e-erase ang nakasulat sa blackboard. *ubo, ubo, ubo* Sasabihan namin 'yung nag-e-erase na downward strokes na lang ang gawin pag nag-e-erase para dun na lang sa platform [sa ibaba ng blackboard] mapunta ang chalkdust dahil nagmimistulang snow sa mga ulo namin 'yung chalkdust na iyon. At kung ikaw, dear reader, ay kaklase ko in real life at ikaw ang naglilinis ng platform sa room, humihingi ako ng tawad.

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon