Aanhin mo pa ang iyong kagandahan kung hinahabol ka na ng aso?

162 0 0
                                    

QUOTE OF THE DAY

Naniniwala ako sa kasabihang, "ang taong hindi mapakali, malamang nakakain ng panis na spaghetti". - isang contestant mula sa Super Sireyna. Ang title ng chapter na ito ay kinuha rin mula sa Super Sireyna dahil hobby ng pamilya naming manood ng Eat Bulaga.

--x--

Despicable you, despicable me, despicable everybody.

9 yata 'yung collectible minions na nasa Happy Meal sa McDo ngayon, at malamang, hindi magkakasama lahat 'yung siyam na minion sa isang box ng Happy Meal, bale isa-isa mong bibilhin, at kapag nabili mo na lahat, hindi lang minion ang makukuha mo. Makakakuha ka rin ng taba galing dun sa mismong Happy Meal.

Nakaka-dalawang minion na 'yung kaklase ko. Dala niya 'yung isa kanina. Na-confiscate ng TLE teacher namin 'yung minion niya.

At siya nga pala - pagpasok nung TLE teacher namin, may dala na siyang minion. Bale dalawa na ang nasa kanya, 'yung galing sa kabilang section at 'yung galing sa amin.

Sa kabilang classroom, andun naman ang Music teacher namin na mayroon ding dalawang minions na na-confiscate mula sa ibang estudyante.

Napadaan si miss TLE teacher sa section kung saan nagtuturo si sir Music teacher. Nakita ni miss TLE ang minions ni sir Music.

Miss TLE: (andun sa harap ng transparent glass na bintana, iwinagayway ang dalawang na-confiscate na minion para makita ni sir Music teacher)

Sir Music: Malapit nating makolekta lahat! (tingin sa mga estudyante) Saan ba nabibili 'to?

Nakakatuwa ang mga teacher namin.

===

"Because of the school's English campaign, my nose is bleeding. Literally." (ipinakita sa klase ang panyo niyang may dugo)

- Sir Music Teacher.

Nakakatuwa talaga ang mga teacher namin. PERO! May pahabol pa.

Classmate: (nakita ang duguang panyo ni sir) Sir ano'ng kulay nung dugo?

Sir Music Teacher: Blue.

Turns out na kaya dumugo 'yung ilong ni sir kasi ganun ang reaksyon ng katawan niya kapag sobrang init. So ayun guys, keep your room well-ventilated na lang. Ang init sa 'Pinas.

===

Ngayong araw na ito, kumain ako ng chicken burger. At kinain ko rin 'yung kasama sa burger na... drumroll please... GULAY!!! *palakpakan*

Anong gulay? Lettuce nga pala. 'Yung nasa burger. Tinatanggal ko 'yun parati, pero ngayon, oo, kinain ko. At hinding-hindi ko na ito gagawin pang muli magpakailanman. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi ako kumakain ng gulay.

===

Friday, 05 July 2013

Kanina ang 1st lecture, 2nd actual session, and 3rd session overall namin sa CAT.

Kaya naupo lang kami at nagsulat, at wala akong katabi dahil may isang absent na hindi ko katabi pero 'yung dapat kong katabi ay hindi tumabi sa akin, siguro dahil mukha akong terorista.

Nakaupo sa likod namin ang mga SCO. Sila 'yung mga nag-MOCC noong 3rd year, at sila rin 'yung mga nag-training nung summer. Kaya kahit mas madaldal pa 'yung iba sa kanila kesa sa amin (correction: kesa sa AKIN. madadaldal rin ang mga cadet a.k.a. ordinary students)

Pero nirerespeto ko talaga itong mga SCO dahil sinayang... este ginugol (?) nila ang summer vacation nila para sa training instead na mag-tulog-kain-computer lang.

At... entertaining ang mga pag-uusap nila sa likod ko. At sabi nung ka-service kong SCO, 3 times lang daw nag-inspection ng buhok nung MOCC at hindi raw kasama ang de-merits doon sa de-merits ngayon. Huh?! Hindi ako magaling mag-explain. Ganito: Kung na-de-merit ang mga SCO noong MOCC pa sila, disregarded na 'yun for this school year. Back to 100 merits lahat.

---

At ang mga SCO... mukhang masaya silang gawan ng sitcom.

SCO SITCOM TIME!!! [note: this is legit]

Commandant: ...Kaya bale pinadali na lang ang "military training" ninyo. Sa Singapore, pinapapasok talaga ang mga lalaki sa military training. At sa Korea - iyang mga ina-idolize ninyo, nag-military training din 'yan! Tapos kayo, mabilad lang sa araw ng sandali... bigla na kayong "haaaaay!" (ginaya ng commandant ang mga kunwaring nahihimatay).

SCO: Hahaha. Ang cute ni sir.

...

Cadet: (pinipindot-pindot ang bolpen.) [rumorhas it na cover nung clear book daw ang pinapatunog nitong si cadet at hindi bolpen.]

takatakatak.

SCO: (nabwibwisit) SINO BA KASI 'YUN?!?!

---

At habang nag-le-lecture kami... mayroong nagpapatugtog ng "GIMME GIMME GIMME" ('yung sikat na kanta ngaun 'di ko alam sino kumanta...) at mayroong nanghahampas ng bell. Sino 'yun? 'Di kami pwede mag-react.

Anyways, ibasura na ang tikwas-buhok de-merit law! Hindi lahat ng babae ay mayroong perpektong buhok. Kailangan ko ba itong i-clarify every chapter? Baka pwede ko itong ilagay sa author's note sa taas, o sa footer text sa baba. Baka lang.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon