Para kang fishball kase hindi ka nagmamahal

92 1 0
                                    

"Nagpapasalamat nga pala ako sa mga magulang ko..."

*kaway pang-Miss Universe*

- Unprettier, nagkaroon na ng tamang sagot sa calculus sa wakas

--x--

Bonus Features para sa "thesis story" ko sa Chapter 57

Pagkauwi ng nanay ko galing sa trabaho, may dala siyang chicken galing sa Max's. At 'yung mga cute na bite-sized lumpiang shanghai na galing rin sa Max's. At... cake!!!

Bale busog ako ngayon at masaya dahil sa pak na pak na "APPROVED" signature ng teacher sa thesis timetable namin.

...

Pagdating ng Lunes, title defense na. Punyemas na kalabaw! Buti na lang sa library kami nag-defense, hindi sa harap ng classroom.

Habang hinihintay ang pagkakataong mag-defense, naupo ako at ang aking mga ka-group (isang super-duper talinong kaklase, at... platoon leader ko sa CAT).

Habang nakaupo kami, bale alam nyo 'yung mga maliliit na sign na nilalagay sa mga table? 'Yung mga "silence please" at "ipapakain sa piranha ang mga batang hindi tatahimik". Mayroon doon sa table namin sa library - ang nakalagay:

yellow text: "Silent waters run deep", naka-overlay sa background na gubat na may waterfall

At alam mo kung ano ang kamukha nun?

Tama!

Mukha siyang videoke.

Kaya nagkantahan 'yung dalawa kong katabi tapos ako tawa lang ng tawa.

Tentenenententententen...ten...ten...tennnnnnnnn... SCORE: -1000. Maawa ka naman sa mga kapitbahay mo.

Anyway, 'yung mismong title defense nga pala... pak na pak 'yung topic namin, naka-relate 'yung teacher/supervisor. Para lang kaming nag-chi-chika doon. 'Yun eh!!! Tapos tinatapos namin ang mga sentence ng isa't-isa.

...

Nagbalak pa kaming manood ng cheering squad auditions kanina - 'yun nga lang eh pinaalis kami nung dalawang student council officers kaya pinanood na lang namin 'yung mga kuyang nag-lo-lawnmower dun sa grounds.

===

Okay, ako si Unprettier, at sa 15 taong pag-tambay ko dito sa daigdig ng mga mortal... marami na akong natutunan. At ngayong 4th year high school na ako, nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sa ilang mga bagay, tulad ng sumusunod:

May mga bagay na hindi mo gaanong magugustuhan pero kailangan mo pa rin namang gawin. Halimbawa: Mathematics, thesis, pag-aaral, CAT

Accept yourself. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong magustuhan ang isang bagay na hindi mo naman talaga gusto. Halimbawa: Pagkain ng gulay, CAT, 'yung "bago mong crush"

(to be continued?)

===

6:08 PM ngayon. Ang ganda ng sunset, tanaw dito sa bintana malapit sa kinalalagyan ko ngayon.

Ang buhay ko? Oks na oks sa ngayon. Ngunit lahat ng kasiyahan ay may wakas rin... unless matututo kang mag-focus sa mga bagay na nagpapasaya sa 'yo instead na nag-fo-focus ka sa negative.

"Life is not about waiting for the storm to pass, it is about learning to dance in the rain."

Tenderly I remain your antisocial queen...

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now