Sadyang nakapagpapabagabag ba o sadyang nakakapagpabagabag? (the former)

55 2 0
                                    

4,000 reads. Um, salamat sa pagiging creepy, mga taong nagbabasa nito (or lack thereof). Salamat sa pagbasa ng first page ng kwentong ito; salamat sa pagpindot ng Alt+F4 or Ctrl+W or sa X button matapos mabwisit sa pinaka-unang sentence nung aforementioned page. Pero syempre joke lang 'yun - grateful ako notwithstanding my previous statements. I'm on sincerity mode, believe it. At para patunayan ang sincerity ko: smiley face!

:)

--x--

This segment was written on February [bago ma-takedown ang Flappy Bird] 2014

At dahil mukhang panahon nanaman upang sumikat ang mga larong may kinalaman sa bird, malamang kailangan ko ring makiuso. Para cool!

Case in point: Flappy Bird. No innuendo pero nakakatawa kasi 'yung pangalan nung app eh. Flappy Bird. Hahahahaha.

High score ko sa ngayon: 3 (w3w). 'Di bale, lalaruin ko na lang 'to hanggang masiraan ako ng bait. Ito lang ha, parang mas ma-a-appreciate ko 'yung laro kung bubulwak ang lamang-loob ni flappy bird tuwing malalaglag siya. Para cute.

Regarding the game itself, wala man lang matinong plot. Um, papaliparin mo 'yung... bird. And only a minimal amount of strategic planning is required. Pipindutin mo 'yung screen?

Pindot... Pindot... Pindutan every morning every night.

Goodbye, sweet prince. You were loved. I think.

===

February 8, 2014.

So, may activity kasi sa CAT. Ang moment of truth for the cadettes. Mga babaeng kadete pa lang dapat 'yan, although may mga nasama nang lalaki for some reason (next week pa dapat ang boys). Isinagawa nga ito noong February 8 na Saturday nga pala. Leche sila dahil sa pag-deprive sa amin ng tulog, pero naging masaya kami nonetheless.

Isang araw bago isagawa 'yung activity, na-orient na kami ng commandant. "PAPATAY KAYO NG MANOK! WALANG KUTSILYO! WALANG IIYAK! BAWAL MAIHI SA PANTY/BRIEF/DIAPER!" and to top things off, the killing spree's only one of the activities to be held on the following day. Anak ng kalabaw.

Survival Cookout. Land Navigation. OST - Observational Sensitivity test? Observing and Sensing Test? Hindi ko alam ang meaning nung acronym. Basta, tine-test... 'yung five senses mo. In other words, 'tis hell on earth! Or so we thought.

---

February 8, 2014. Sabado ng umaga. Hindi ako nakapag-almusal ng matino, uminom lang ako ng milo.

Pagpasok ko sa school, naroon na 'yung mga manok na papatayin. Natutulog yata sila. 'Yun nga lang, huling tulog na nila 'yun. To be honest, ang cute nilang matulog; baka ma-demanda kami ng animal rights activists sa gagawin namin pero may choice ba kami? To think na kami ay nasa catholic school... unacceptable!

Well, nung araw nga pala na 'yun, parang halos lahat yata ng kinakausap mo ay ano... undergoing menopause. That includes the men present. I understand na this is CAT at lahat ng tao ay nag-uusap na parang kailangan nila ng hearing aid, but, dude. Come on. Naaawa ako sa mga lalamunan niyo.

A few minutes bago umpisahan ang Survival Cookout, kinukuha na ng mga kadete ang kanilang mga manok (at least group activity ito...). 'Yung iba, kinakausap ang mga manok nila dahil malapit na ang moment of truth. Hindi ko alam kung malulungkot ako o tatawa.

Syempre medyo kaskasero rin ako; however, hurting and killing cute things (cute po ang manok, buhay man o prito) is another story. Ang cute nung manok namin, at ang laki niya pa... kasi naman, tandang pala 'yung nabili ni groupmate. Tahimik din si chicken (hindi man lang namin siya napangalanan...) kaya ayun, hindi siya tumili nung pinupugutan na siya ng ulo ng buhay, kaya napadali ang trabaho namin.

So doon naman sa Land Navigation. Ang instructions kasi ay ito: may, uhm, mini-squad (selected members from your squad), at iba't-iba ang courses/routes na tatahakin ng bawat squad or whatever. Sa first stop ng iyong route, mayroong papel kung saan may nakasulat na angle at number of steps (alam kong lumilipad na ang utak niyo but pay attention to the bolded terms) AT! May code. Mayroong binigay na cheat sheet kuno sa encoder/decoder, wherein mayroong symbol na nag-co-correspond sa isang letter sa alphabet. 'Yung cipher thingy. So kunwari 'yung angle na nakalagay ay 250°, gagamitin niyo 'yung compass na ibinigay sa inyo para i-measure 'yung 250°. Pagkatapos nun, mag-uumpisa na kayong maglakad. Kunwari "350 steps" ang nakalagay sa papel, edi 350 steps ang layo nung susunod na stop. Ang cool, para lang kaming secret agents sa Club Penguin.

Noong una, medyo naguluhan kami sa instructions kaya ilang minuto rin ang naubos namin sa pamamagitan ng pag-solve nung code NG KABILANG GROUP. Wow wow. Such genius. Tapos chinika pa namin 'yung adviser namin. Present siya dahil kuhaan ng card. Nakalimutan na naming inoorasan nga pala kami.

In the end, hindi rin namin gaanong maintindihan ang paggamit ng compass at pagbilang ng steps kaya naghula na lang kami at naghalungkat. Nabaliktad na yata namin buong campus (pero 1st floor lang) para mahanap 'yung stops. Medyo ginamit pa rin namin 'yung compass pero ewan, hinanap na lang namin 'yung stops gamit ang... instinct?

Second pa kaming natapos sa lagay na 'yun. Tsaka sa amin pala napunta 'yung pinakamahirap na route, 'yung "tumagos sa tatlong building na route" kuno. So achievement talaga 'to.

After that, binisita namin 'yung ibang members ng squad namin (gagawin nila 'yung Land Navigation pagtapos magluto) na busy sa pagsunog ESTE pagluto nung chicken. Dapat daw pala magluluto pa sila ng okra at pancit canton, pero chicken at itlog lang daw ang ulam namin. Ayos lang, hindi naman ako kumain dahil nine-nerbyos na ako dun sa susunod na activity: ang OST. Ahhh!!!

Recap: sa OST, i-te-test ang 5 senses namin, pero syempre nakakatakot isipin kung ano ang mangyayari sa taste test at, um, "touch test"? No innuendo.

So paranoia consumed us: "Paano kung ipahawak tayo ng ahas?", "Ipapakain ba tayo ng sobrang sagwa ng lasa?", "Kapag nasuka raw sa taste test, 10 squat thrusts!", and so forth. Long story short, inunahan lang kami ng takot dahil hindi naman ganun kasama 'yung OST. We passed with flying colors. Yata.

Pag-uwi ko, bumili ako ng sapatos para sa prom tapos kumain ako ng McSpicy Chicken (CHICKEN!!!) Burger. "Forgive me for I have sinned"

===

Frikkin calculus. Hindi ko talaga ma-solve 'yung ipina-assignment sa amin. Ma-ge-gets ko lang siya kapag na-discuss na siya nung teacher. Bukas na due 'yung homework, pero nagawa ko na yata lahat ng pwedeng magawa except 'yung assignment na 'yun. Nagbasa ng Facebook news feed na f-ed up na kasi hindi lumalabas 'yung mga update ng mga taong gusto kong basahan ng update, kumain ng ice cream, nagbasa ng e-mail (gasp!), naligo, tumanga...

Noong sinubukan ko na siyang gawin, may nangyaring bwiset. Nasira yata 'yung keyboard ko. And because logical fallacies are fun, here's one of the dumbest statements to ever grace this journal:

Gumagawa ako ng homework ko sa calculus a few moments before nagloko ang keyboard ko. Therefore, calculus is out to get me and it started its hidden agenda by messing up my keyboard. (palakpakan)

Turns out that resting my arm on the laptop's keyboard accidentally turned off FilterKeys. Ginoogle ko 'to sa pamamagitan ng paggamit ng On-Screen Keyboard (dahil nga ayaw gumana nung keyboard at that time), at dahil mabait ako, ipinapaubaya ko sa inyo ang knowledge nugget na ito: if, for some inexplicably outrageous reason, nasira ang keyboard niyo, maari niyong gamitin ang built-in "On-Screen Keyboard" ng Windows by going to Start > All Programs > Accesories > Ease of Access > On-Screen Keyboard. And in the words of Damien Sandow, you're welcome! Unless alam niyo na 'to.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon