La Cucaracha

65 0 0
                                    

"I looked at the sky. The sky is beautiful. I looked at you. I looked at the sky na lang ulit." - nakalkal ko sa inbox ko, text na galing sa dati kong kaklase.

--x--

May braces na si Unprettier, yehey! At huli na kayo sa balita. Dalawang linggo na yata ang nakakalipas e. Unprettier... naka braces? Unprettier La Fea? Ui joke lang.

Mayroong konting wire na sumusundot sa pisngi ko. Kapag na-adjust na raw 'yung brace e matatanggal na 'yun. Pero sa ngayon, sariling sikap lang. Kutkutin mo palayo sa inner cheek gamit ang daliri mo. Kaderder ng konti lang naman.

Tulad nung Career Fair namin, naroon kami sa Audio-Visual Room. Wala naman sigurong nakakita sa aking kumukutkot ng bunganga para mag-adjust ng wire. Kasi ang tao dun... ako lang naman. Tsaka 'yung tatlong daang 4th year batchmates ko.

Unprettier: (kausap ang seatmates) Teka aayusin ko lang 'yung wire sa brace ko. Huwag ninyo akong tingnan. Hashtag medyo baboy. (tinakpan ng brochure ang mukha sabay kutkot sa wire sa bunganga)

===

Hi kids (audience: HI ATEHHH)!!! Ako ay masaya ngayon.

Medyo nabaliw nanaman ako kanina dahil sa pag-fill up ng mga application forms. Punyemas. Kakayanin ko ba ang college?

Pero ngayon sinubukan kong gumawa ng ibang bagay: mag-Wattpad, manood ng wrestling segments (pagsalita, hindi 'yung suntukan), at mga medyo lumang commercial sa YouTube.

Ngayong araw na ito, nalaman kong may mga maganda kang bagay na nagagawa if you immerse yourself in your sadness, pero huwag kang magtatagal diyan sa kalungkutan mo kasi maloloka ka. Instead, humanap ka ng bagay na makakapagpasaya sa 'yo.

===

BAKIT SINISIPON NANAMAN AKO?!?!?!?!?

===

'Yung kanta ni Will.i.am. na #thatPOWER: oo, may hashtag talaga 'yan. Bagong fad? At kasama rin niyang kumanta ang international teen singing sensation na si justin bieber?

Hindi ko lang talaga matanggal sa isip ko... kinopya ba nila 'yung kantang "Harder, Better, Faster, Stronger" ng Daft Punk? As a Daft Punk fan, hindi ko alam kung matutuwa ako sa Daft-esque na kanta na ito o ano.

Ngayon in regards to the song itself! Ang ganda nung intro.

===

Kanina nag-re-review ako sa math, pero sumuko ako kasi hindi ko maintindihan ang sarili kong sulat. Binaba ko 'yung math notebook tapos nagbasa na lang ako ng Dragonball Z.

Pagdating nung exam sa math... nasagutan ko lahat. Kung tama man ako o mali, ewan. PERO... naintindihan ko 'yung tinuro sa amin. Si Unprettier papasa sa MATH?!? Santissima! So, todo pasasalamat ko talaga sa adviser namin na math teacher din namin sa Trigonometry. Lalo na dahil nagkaroon pa siya ng initiative na i-review kami kahapon. Pati 'yung mga lalaking nambabastos ng teacher... na-set aside nung teacher namin 'yung mga hinanakit niya para lang matuto ang klase. Sana marami pang tao ang ganun kabait.

===

Ilang linggo na ang nakalipas matapos 'yung "feastday" namin. Hindi "feast" as in "kainan", pero "feast" as in "30 minutes ang naubos dahil nasermunan kami ng principal".

Nung oras na ng mga performances by section, naipasok 'yung section namin sa DEATH SLOT... bale kami ang pinakahuling magpe-perform, at 'yung 2nd to the last na nag-perform ay magaling dahil andun 'yung batchmate naming galing sa Amerika, mukhang Koreano, pero purong Pinoy. Daw. At matalino siya.

Maganda 'yung play namin kung na-ayos 'yung iba naming kaklase. Sabi kasi nung teacher namin sa Calculus, 'yung performance naming 'yun ang project namin sa subject niya. Wala naman siyang sinabi na "buong section ang mag-pe-perform" pero dedbols kami dahil pinilit nila *toot* ang buong klase na mag-perform. Dahil sabi nga nila, "We, the performers, won't fall alone. We would fall. TOGETHER. Unity!!!" kaya pinilit ang buong section pero nakatakas ako dahil pinaayos nila sa akin ang sound system. Ngunit kapag bwisit ang mundo, hindi titigil ang kamalasan ko, kaya minalas nga kami nung kasama kong taga-ayos kuno ng sound system.

SKIT kasi 'yung performance ng section namin pero may intermission number na "Gimme Gimme". At kahit na medyo pumalpak 'yung sound system sa umpisa dahil 1.) Kalat-kalat ang mga wire at wala doon 'yung tagaayos ng sound system, at 2.) 'Yung mga gagong taga ibang-section na instead na tulungan kami e tinawanan lang kami. Punyetang mga bagito. Oops... hindi nagmumura si Unprettier unless galit siya. Kaya pagpasensiyahan.

===

UNPRETTIER GOES TO UPCAT (kunwari nasagutan ng matino ang test)

Mahirap ang Science. PAK! Kahapon, hindi ako nakapag-review (nagalit nanay ko, "ano ka ba naman ngayon ka lang mag-re-review huwag kang mag-procrastinate") at ang naatupag ko lang ay

1. Pagbasa ng Naruto

2. Panonood ng video ni Lloyd Cadena

3. Facebook... Facebook... Facebook.

Back to UPCAT. Okay, ang gusto ko lang sabihin ay andami talagang nakakatawang nangyari sa akin ngayong araw na ito pero for the sake of my non-existent reputation eh hindi ko na ilalagay dito. Instead, ikwekwento ko na lang sa lahat ng kakilala ko sa school. (ok not really)

Brace yourselves?

P.S. Naingaya ata sa 'kin 'yung nagpa-test dahil inilagay nila ako sa bandang gitna nung seating arrangement.

P.P.S. Natuluan ng ice cream 'yung answer sheet ko.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon