Thank you for the inconvenience

65 1 0
                                    

Walang signal ang mga TV dito sa lugar namin. Ang tahimik ng neighborhood dito. Ang ibig sabihin ba nito ay nag-re-revolve na lang ang buhay natin sa mga electronics tulad ng TV?

--x--

Wala nanamang signal ang TV ngayon dito sa amin, kaya wala nanamang magawa ang mga tao. Tinuturuan ng kapatid ko 'yung aso namin ng multiplication at natuto akong tumugtog ng "Twinkle, Twinkle, Little Star" gamit ang mug ng tsaa, basong walang laman, at basong may Sprite.

===

Sinubukan kong mag-midnight snack *yehey!* kagabi dahil nag-co-computer pa rin ako hanggang madaling araw... dahil walang pasok sa susunod na araw *yehey ulit!*

Unprettier: SNACK TIME!!!!!!!!!

(kumuha ng Yakult sa ref tapos bumalik na sa harap ng computer)

(hindi mabuksan ang Yakult)

(sa pagka-desperado, itinuhog na lang ang daliri sa aluminium foil lid ng Yakult para makainom)

(nasabugan ng Yakult sa mukha, sa keyboard, sa headphones)

===

Pagkatapos mong mag-effort sa isang bagay... mas pupurihin pa ng audience ang... not-as-well attempt ng isang taong mas gusto nila. Dahil aminin natin, hindi mawawala ang pagiging biased kahit kailan... you know, kunwari mas pipiliin mo pa 'yung sabog na singing voice ng taong hinahangaan mo kesa sa mala-anghel na singing voice ng isang taong kinamumuhian mo. Different strokes for different folks, yes... pero let's get real naman.

FOR EXAMPLE.

Tahimik na tao sa klase na hindi masyadong kinakausap: *isang mahaba at meaningful na status tungkol sa world peace* = Walang likes, one comment: "Anu assignment"

Sikat na kaklase: *nagstatus ng "jwu"* = 100 likes, at sandamakmak na comments: "good morning", "ang ganda niyo", "pa-fansign po", "kakagising ko lang rin po", "add me pls", et cetera, et cetera...

(At dahil wala naman siguro akong kaklaseng makakabasa nito: nag-e-emote lang ako dahil mas maraming likes 'yung ginawang math magazine cover project ng kaklase ko kesa sa akin, pucha pasensiya na, it was a jab to the ego idk)

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now