Sa totoo lang walang meaning ang mga title ng mga chapter ng kwentong ito

173 1 4
                                    

2006

Sa reception ng golden wedding anniversary (hulaan ninyo kung anong kulay ng gown na sinuot ko) ng lolo at lola ko, merong batang kumanta ng kanta ni Sarah Geronimo.

Pero hindi ko alam kung sino siya!

Sabi ko sa sarili ko, "hoy, hindi naman namin kamag-anak 'to ah!" at dahil nainggit ako sa atensyon na nakuha niya (at dahil sadyang papansin ako back in the day), ako'y nag-tumbling sa red carpet na nakalatag malapit sa stage habang nakasuot ng... gown.

At syempre, alam niyo na ang sunod na nangyari.

Standing ovation?

Hindi.

Sermon.

===

RANDOM VIDEO FEATURE TIMECRAZY ASIAN FOOD TEST! [by IanH of smosh]

Video is at the side bar, or just type up http://youtu.be/V2WesPvMxOg

With treats straight outta your local Aji-Ichiban (there's one at the Powerplant Mall as far as I know), Ian Hecox and cool Japanese London Tipton look-alike AtomicMari review some of Asia's good (and not-so-good) food. Think "Lunchtime With Smosh", without Anthony Padilla and drive-thrus.

===

Sinulat ko ito habang ako'y nasa birthday ng tatay ng tita ko, na hindi ko lolo dahil ang asawa ng tita ko ang anak ng lolo ko (hah?!).

Kahit na 70% ng mga taong andun sa party ay hindi ko kakilala (kasama na 'yung may birthday), kailangan pa rin naming pumunta. Pero ayos naman, masarap 'yung pagkain.

Tumugtog 'yung mga tito ko. Musically-inclined kasi ang father's side of the family (a.k.a. sila) at academically-inclined ang mother's side of the family. Parang ako, hindi na nga musically-inclined, hindi pa medyo academically-inclined. Baka ampon ako. Pero hindi ako pwedeng maging ampon dahil kamukhang-kamukha ko 'yung kapatid ko.

Anyway, pinuntahan namin ng nanay ko 'yung aso nung may-ari. Tapos sinubuan ng nanay ko ng buko sherbet 'yung aso. Tapos, dumating 'yung CUUUUUUUUUTE na nephew ko. As in, mukhang foreigner ang batang 'yun. 3 years old. Tabachingching. Not to mention, CUUUUUUUUUTE.

Anyway, 'yun lang. Tapos umuwi na kami. The end.

===

Isang  kwento courtesy ng tatay ko:

'Yung dalawang ka-opisina niya ay nagkaroon ng business trip. Pumunta sila sa Amerika. Itago natin sila sa pangalang Boy at Manong.

First time ni Boy na pumuntang Amerika, at hangang-hanga siya sa mga sights doon. Pumunta sila sa isang prestigious fancy restaurant kung saan nila makakasalubong ang cliente (anak ng kabayo, ang hirap magtagalog).

Pagdating ng cliente, binigyan sila ng wine.

Boy(ininom ang wine)

ClienteHow did you find your wine, sir?

 BoyIt tastes like HORSE SHIT!!!

Pag-alis ng cliente...

 ManongTARANTADO KA, cliente natin 'yun!

===

Sinubukan kong magsulat ng konting Español doon sa portfolio ko ng Noli Me Tangere, para magkaroon ng, ahem, "authenticity" ang portfoliong iyon - I thought that I could pull it off, pero pinagtawanan ako nung isa kong ka-service dahil mali-mali 'yung spelling ko.

 SCENE: SA SERVICE NAMIN. You know, the... service van. Ang hirap mag-explain...

 Ka-service: (binabasa ang Noli Me Tangere portfolio ko) "No quere yo"? HAHAHAHAHA.

Unprettier: (nganga) [A/N: Ginoogle ko 'to ngayon-ngayon lang. No quiero yo pala 'yung tamang spelling. At napasa ko na 'yung portfolio sa teacher ko - well duh, matagal na 'yung deadline nun. Pero sana hindi niya mapansin na mas magaling pang mag-Español sa akin ang mga baby sa Spain.]

...

SCENE: SA CLASSROOM.

Classmate: (binabasa ang Noli Me Tangere portfolio ko) So marunong ka ng Spanish?

UnprettierUh, si?

Classmate: (reads my portfolio aloud) Muy estupida man ese senyorita...?

[A/N: Ginoogle ko rin 'to, and the correct sentence construction is esta señorita es muy estúpida - needless to say, palpak ang portfolio ko]

So kids, if you'd like to add some flair to your portfolios by using foreign languages you're not fluent in, double-check using Google Translator (or your parents). A public service announcement from your friendly neighborhood bugok.

===

May nangangampanya dito sa amin, at pinapatugtog niya 'yung campaign music niya. Mga 7 minutes na siya dito, at ewan ko lang kung umaandar 'yung sasakyan niya o pinarking niya sa harap ng bahay namin, kasi, anak ng kalabaw, 7 minutes ko nang naririnig 'yung campaign music niya. Mas ok sana kung nagpapatugtog siya ng mga, ahem, cool na music.

Iba-iba rin ang strategy ng mga taong nag-ca-campaign dito sa 'Pinas.

Naalala ko noon, may nakita akong nangangampanya na naghagis ng mga kendi sa mga taong nanonood sa kanya.

'Yung iba naman, nagdidikit ng mga poster kung saan-saan, at kadalasan, nagsisilbing painting canvas ng mga aspiring artists ang mga poster nila.

At 'yung iba, ayan nga, magpapadala ng jeep o kahit anong sasakyang may megaphone na nagpapatugtog ng campaign music nila.

At 'yung majority ng mga nangangampanya... all of the above. Lahat iyan ginagawa nila.

[A/N: Andito pa rin 'yung nangangampanyang nagpapatugtog. Gusto ko na siyang batuhin ng bakya - at tama ako, naka-parking nga ang walanghiyang jeep niya sa harap ng bahay namin.]

Merong mga nangangampanyang nananalo lang dahil sila ang natatanging HINDI nang-istorbo sa mga tao. Walang poster, walang jeep na nagpapatugtog ng campaign song to the tune of Pusong Bato, walang arte-arte. Sa totoo lang, kung mayroong ganun na kandidato, baka siya ang iboto ko. That is, kung pwede na akong bumoto.

[A/N: Umalis na 'yung nangangampanya, happy yipee yehey!]

--x--

Ok sa totoo lang andami kong nailagay sa chapter na ito, pero inilipat ko sa next chapter 'yung iba. Stay tuned...

P.S. Ang init sa Pilipinas.

--x--

P.P.S. Binasa ko 'yung mga naunang chapter ng kwentong ito. Pure tagalog ang karamihan nun. At mali-mali 'yung grammar. Ang hirap kasi mag-tagalog. Sorry everybody.

--x--

P.P.P.S. Bagong cover. Yehey. Kahapon ko 'yan ginawa.

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now