hpfbtngrbgrlfrl

65 0 0
                                    

"AHAHAHAHAHAH!!!" - kaklase ko, pinagtawanan ang ID picture ko kasi ang angas daw nung mukha ko. Siya ang pinakamaangas na tao sa classroom namin.

===

Sinong mga sadista mula sa DepEd ba ang naka-isip na lalong matututo ang mga estudyante kapag tinambakan ng mga project ilang linggo o araw bago mag-exam?

DepEd: Hmm... marami tayong natanggap na reklamo mula sa mga tao dahil isinasabay natin ang mga project sa mga exam ng mga bata...

DepEd: Eureka! Huwag tayong magbigay ng isang project ilang araw bago mag-exam ang mga bata. Gawin nating TATLO!!! MWAHAHAHAHA!!!!!!!!! (tawang demonyo tapos may mga nasusunog sa background)

Isa pang tanong, DepEd ba ang may kasalanan?

Binigyan ng tambak na project ang mga estudyante. Bakit?

Teacher: Hindi ako ang may gustong magbigay ng maraming project. Itanong mo sa subject coordinator.

Subject Coordinator: Huwag ako ang tanungin mo. Hindi ako taga-DepEd.

DepEd: Bakit ako? Ang senado ang nagdesisyon.

Senado: SI P.NOY ANG TANUNGIN NINYO, HINDI KAMI!!!

At magtuturuan na lang ang lahat.

---

That's Not My Job!

This is a story about four people named Everybody,SomebodyAnybody and Nobody.

There was an important job to be done and Everybody was sure that Somebody would do it. Anybody could have done it, but Nobody did it. Somebody got angry about that, because it was Everybody's job. Everybody thought Anybody could do it, but Nobody realized that Everybody wouldn't do it.

It ended up that Everybody blamed Somebody when Nobody did what Anybody could have done.

Ang maikling kwentong ito ay kinuha mula sa CAT handbook ko, at oo, na-de-merit ulit ako dahil sa buhok. Ga-graduate pa kaya ako?

---

Ang daming gawain. Bakit nandito pa rin ako?

Nag-Facebook. Nakakita ng status mula sa brigade commander na naaasar dahil sa dami ng mga project na kailangan gawin. Pumunta sa Wattpad para magreklamo. Nakakita ng status update tungkol kay Zayn Malik mula sa fina-follow ko sa Wattpad, tiningnan 'yung video ni Zayn Malik na naka-crossdress ng pambabae.

Procrastination. Narito ako dahil sa procrastination.

Dahil masochista ako, ayos lang na antukin sa umaga, makapag-procrastinate lang.

Bakit lalo kang gaganahang tamarin kung marami kang dapat gawin? Hindi ko pa tapos ang 20-sentence reaction paper ko sa SONA kahit na wala akong pake. (Dear fanclub ng administrasyon, hindi ito personal attack. Hindi naman sa wala talaga akong pake. Tamad lang ako gumawa ng reaction paper.)

---

I’ve been intending to write this poem for a while

It’s been over a year, so I decided to give it a trial

The title I am pretty sure that I have plagiarized

Didn’t take time to check, so I can’t be surprised

A book of rhyming words I fully intended to buy

Kept delaying, so without it I’ll go ahead and try

But I find that, in writing, far too long I did delay

Now I have totally forgotten what I meant to say

- "Procrastination Is the Thief of Time" (Elton Camp)

===

Pwede nang mag-photo reply sa Facebook. Medyo matagal nang na-implement 'to pero ngayon lang ako magbibigay ng insight.

Minsan nakakatuwa tingnan 'yang mga photo reply na 'yan. Pero minsan inaabuso lang ng mga pasikat na gustong mang-hakot ng likes. Kahit na wala namang konek 'yung photo reply sa actual post. Nagbabasa-basa ako nung Facebook page ng isang sikat na YouTube celebrity dito sa 'Pinas. Medyo nakakaawa kasi hindi niya pwede suwayin 'yung mga tukmol niyang followers na kung anu-anong photo reply ang nire-reply sa posts niya. Bakit? Baka may sumugod na haters at mga taong madaling ma-offend. Oops.

'Yung tipong pati 'yung seryosong mga post naman e ni-re-replyan ng walang kwentang photo reply na namimilosopo. Sila 'yung tipong taong dapat ipakain sa mga crocodile.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon