Polluted phrases are the kill of the season

35 0 0
                                    

Parang wala na yata akong ginawa ngayong Christmas vacation (kuno) kundi kumain at gumawa ng project. Wow. Such sipag. Much insomnia. So tired. Wow.

--x--

Nothing like a home-cooked family dinner consisting of... Lucky Me instant pancit canton. Corned beef. White rice. Tinapay na may sandwich spread. Palitaw. What am I doing with my life? Anak ng siopao.

Baka sumabog na lang 'yung tiyan ko bigla tapos may lalabas na monster. Kamukha nung nasa picture sa sidebar. At ako ang nag-drawing niyan kaya alam niyo na kung sino ang ipapa-assasinate niyo sa mga art critic. Sorry daw.

And in regards dun sa drawing - "Unprettier, there's no doubt that you're under the influence of illegal drugs!". Hahahahahah. Hindi ganyan ang mga matino kong drawing, peksman.

===

Christmas eve ... magsusulat pa ba ako... Wala naman gaanong highlights eh. Nung lunch namin, binigyan ako ng pera nung tito ko. Yehey.

Then comes the afternoon. Pagpunta naman namin doon sa kamag-anak namin from [medyo] far far away (hehe), edi ayun. Masaya? Maraming bumati ng "congrats sa pagpasa sa entrance exam ng [insert university here]". Tapos kumain na kami.

Anyway, merry christmas or whatever. Maraming salamat sa mga nagbigay sa akin ng pera. I'll be putting it to good use.

===

Hindi ako nagkaroon ng jejephase. Medyo malungkot dahil ...wLaH aCq0UhNg pAgSiiiSiiiSiiiHaN pFHoUsXz~ wLaH aCq0UhNg pAgTaTaWaNaNnNn~~ <3 ^_^

Pero honestly, bakit kaya? Siguro dahil hindi ako na-expose gaano sa internet noong bata ako. Yes, ako 'yung hikikomori-slash-homebody na sinasabunutan kapag hindi nagbabasa ng textbook. Yes, I was that grade-conscious child you were side-eyeing back in your elementary days. Yes, na-culture shock ako pagdating ng high school. At nagmistulang abnoy. But I got over it naman, at kasing siraulo na ako ng mga humihithit ng rugby na nakikita niyo sa kanto ngayon.

Naisip ko lang. 'Yung Facebook news feed ko kasi, puno ng mga lumang jejeposts na hinahalungkat ng mga magkakaklase sa star section. Ang discovery ng jejeposts ay tulad ng panonood ng suntukan sa kanto - nakakatuwang panuorin kapag hindi sa 'yo nangyayari.

Sa ngayon, I'm killing myself numerous times in my head. Hindi ko pa tapos ang pag-layout sa yearbook (NA DAPAT SANA HINDI KAMI ANG GUMAGAWA PERO AYAW HUMANAP NG PRINCIPAL NG LAYOUT ARTIST KASI KURIPOT) at paghanap ng ka-group sa research kuno sa CAT (OH MY GOD MAS GUSTO KO PANG PUMATAY NG MANOK O TUMALON MULA SA EROPLANO).

===

Anong meron dun sa mga selfie na pinapatungan ng ulo ng pusa ang mukha? Hmm, bagong fad nanaman? Hindi naman sa bago kasi nakikita ko na 'yun noon. Well, times change. At kung gusto mong magpatong ng garden sa ulo mo, tanggap ka na! Ano sunod, sumbrerong gawa sa gulong? Pagtrintas ng buhok sa kilikili?

Kidding aside, gumawa kami ng props noong 1st year ako, bale parang mga bulaklak na gawa sa crepe paper tapos naka-glue gun sa alambre. Para siyang flower crown pero hawak-hawak lang namin noong sumasayaw kami. Wala akong glue gun noon kaya kandila + glue stick lang ang ginamit ko. Eh noong gumagawa ako ng props, doon ako na-pwesto malapit sa electric fan. Mahangin tapos malapit na malapit sa akin 'yung kandila. At iyan, mga bata, ang dahilan kung bakit nasunog ko ang buhok ko noong 1st year. *palakpakan*

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon