Hindi lang fireworks ang puputok mamayang gabi *wink, wink*

32 0 0
                                    

So, happy 2014. 2:07 PM na habang isinusulat ko ito, at may mga lasing na kumakanta ng mga awit ni Elvis Presley malapit sa amin. Hindi ko alam kung kahapon pa sila nag-umpisang kumanta. Ang alam ko lang, kumakanta rin sila kahapon. Just fill in the blanks here.

Pagkatapos kong isulat 'yung paragraph sa taas, Mamayukero na 'yung kinakanta nila. Tapos may mga babaeng tumatawang parang tiyanak sa background. Hindi lang 'yata alak ang natira ng mga ito, if you know what I mean.

As I am writing the third paragraph, it's 5:06 PM and it looks like they have no intention of stopping the videoke marathon. Dear neighbors, I admire your chops (or lack thereof). Lalo na 'yung isang kuyang frustrated singer na parang constipated lagi habang kumakanta. Your drunken renditions of Can't Take My Eyes Off You, Roar, Wrecking Ball, Mr. Brightside, Your Guardian Angel, Got to Believe in Magic, Buko, Huling Sayaw, Secrets, and I Don't Wanna Miss a Thing will make the deceased roll in their graves.

5:17 PM noong narinig ko ang intro ng kantang "Gentleman", akala ko kakantahin din ninyo with matching perfect Hangul pronunciation, iiyak na sana ako ng dugo pero hindi naman pala part ng videoke session ninyo 'yun. Pinatugtog niyo lang 'yung mismong kanta. Ewan ko kung naglalaro kayo ng Trip to Jerusalem diyan or something.

Ngayon, 8:14 PM na pero hindi pa rin kayo nagkakaroon ng tonsilitis. Props to you. Now go sing "My Way" so we can get this over with.

Your loving kapitbahay, Unprettier

--x--

Nagpa-rebond ako on the 3rd week of December 2013. Ngayon sa gaspang ng buhok ko, pwede nang ipang-hasa ng kutsilyo. Dang. Hehe. Sana naman hindi kumulot agad. Medyo tanga lang, considering na magkakaroon na ng CAT next Friday which means that kailangan kong mag-ponytail (and eventually mag-bun) for a long period of time.

Nagpa-rebond ako on the 3rd week of December 2013, pagkatapos nung huling CAT session or meeting or period whatever para sa taong 2013. Opcors, ya gotta love 'em loopholes. Mukha na kasi akong bruha, desperado na ang buhok kong magpakatino. Pero huhubels talaga, wala tayong magagawa.

===

First dream in the year 2014: Uunahan ko na kayo - it was weird. Way weird. If you can't handle the nerdiness, scroll down.

So ganito: nasa SM Supermarket ako nung umpisa. Pagbalik sa school, lahat ng 4th year students sa school namin ay nahati sa limang group: red team, blue team, green team, yellow team, white team. With matching shorts and shirt with their respective team colors. Katulad nung mga damit sa Disney Channel Games.

Magkakaroon daw kasi ng event later on... Royal Rumble. Wut. It is rumble season considering it's January but still, what the actual quack. Wala akong mahanap na aaruga sa aking team, nagpa-puppy eyes daw ako kay crush pero ayaw akong pansinin.

Gaganapin daw 'yung event sa parang malaking stadium (mukhang pang-baseball) tapos may malaking ring sa gitna. Pero nung nag-umpisa, sumugod daw lahat ng estudyante sa field ng sabay-sabay. Kung ganun, battle royal 'yun, hindi royal rumble. Maganda sana kung isa-isa silang pumapasok, nakasakay ang bawat isa sa mga ring cart (kahit na archaic 'yun plus pang-wrestlemania 'yun at hindi pang royal rumble) with matching entrance music.

Tapos ginising na ako ng kapatid ko kasi 1 PM na raw :(

Pati mga panaginip ko sobrang nerdy.

===

Sabi ko sa sarili ko bago magbakasyon:

Ngayong bakasyon, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral sa wikang Korean. Or hangul. Hindi ko alam ang tawag dun, baka awayin pa ako ng mga hardcore k-pop fans diyan.

Tapos tinamad ako kaya natulog na lang ako.

But honestly speaking, anak ng pastillas de leche, ang daming ipinagawang mga project sa amin. Tangina may personal life rin kaming mga estudyante, projects... ain't nobody got time for that! Or so they say.

Sinayang ko ang bakasyon ko sa paggawa ng mga project. Damnit, inumpisahan ko na ngang gawin 'yung mga project BAGO mag-bakasyon, pero hindi ko pa rin tapos! Technically hindi naman project ang hindi ko tapos kundi yearbook layouts, but still... Inggit ako sa mga estudyanteng tamad. Such wow. May oras pa kayo para magpapetiks-petiks. Ilang buwan na lang, college students na kayo. That is, if you're going to graduate. Hindi ko na kayo papakielaman on that matter.

===

Balik sa topic na nerdiness, parang ngayon lang nag-sink in na karamihan pala sa mga kaklase ko at sa mga naging kaklase ko ay may bahid ng pagka-nerd. Hehehe. 'Yung tipong kahit nagkakaroon lang ng joke session eh naka-stimulate pa rin ng intellect. Harhar.

Minsan nakukuha na nila 'yung punchline bago ka makatapos sa pag-deliver ng joke. See, it's fun to surround yourself with these smart people.

Nakakalula nga lang na isipin na pagtungtong ko sa college, baka isa na ako sa mga taong mukhang kinulang sa iodized salt. Oh man. Mami-miss ko ang pagiging witty kuno :(

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon