kalabaw na naka-bestida habang nakasakay sa bicycle

48 0 0
                                    

'Yung title nung chapter, what the ****. Si author ba ay nag-sa-suffer dahil sa sleep deprivation, excessive medication, o nasobrahan lang ba siya ng hithit sa air freshener na dala-dala niya sa classroom dulot ng amoy ng tagumpay na ipinakakalat ng mga kaklaseng pawis (at minsan naka-topless)? You be the judge. Anyway, maikling update dahil nalulunod na ako sa gawain.

P.S. Nawawala ang english notebook ko. Pakihanap.

P.P.S. In regards doon sa part ng prologue na nag-mention ng mga kaklaseng naka-topless: I am speaking about The Boys. Exclusively The Boys. No girls, okay? Baka sakaling magkaroon pa ng scandalo itong chapter na 'to.

P.P.P.S. Punyatera, ano'ng nangyayari sa tags ng journal na ito? Get your shit together, Wattpad.

P.P.P.P.S. Ayan, ayos na 'yung tags.

--x--

Tuesday, 2013 Oct. 29

Kanina, nagkaroon ng culminating activity para sa rosary month sa school namin. Pagkatapos noon, nagkaroon naman ng sports tournament, bale hindi by section kundi... ano... kwan. 1st year & 2nd year vs. 3rd Year & 4th year... pero by section pa rin. Shemay ang hirap mag-explain.

Sa school kasi namin, ang naming system para sa lahat ng section in the high school level ay pare-pareho. Same goes for the elementary level. Kaya kunwari sabihin nating ang pangalan ng section mo ay "HAPPY" at 4th year ka ngayon, mayroon ding section na nagngangalang "HAPPY" sa 3rd, 2nd, at 1st year. I really hope you understand.

ANYWAY balik sa kwento. Marami-rami rin sa mga kaklase ko ang naging member ng varsity ...sooooooooo nanalo 'yung team namin (1st round pa lang daw 'yun, itutuloy ang tournament sa December). Basketball at volleyball lang 'yung laro sa tournament, eh.

For some reason, pumasok kanina 'yung kaklase ko na may dala-dalang megaphone. Hindi ko alam kung paano o kung saan niya nakuha iyon (baka ninenok 'yung sa level coordinator JOKJOKJOK) pero magdamag naming pinagtitripan 'yung megaphone na 'yun.

Simula nung culminating activity ng rosary month kung saan iikutin mo 'yung campus habang dinadasal lahat ng mystery (Glorious, Joyful etc. tapos 1-5 na mystery nun), naka-megaphone ang bawat "Hail Mary" at "Our Father" at "Glory Be" namin. Ansabe.

Pagbalik sa classroom, pinaglalaruan pa rin namin 'yung megaphone. Isa sa mga kaklase ko ang marunong gumaya ng mga cashier sa supermarket, 'yung tipong nag-a-announce ng "attention shoppers, please take care of your personal belongings""congratulations to our lucky shopper from line 5, paki-claim na 'yung libreng sharpener at tawas mo run sa customer service center", at "nasusunog na po ang mall natin, feel free to run like barbarians now". Tuwang-tuwa kami dahil siya lang 'yung nakakagawa nun sa section namin, kung kami nung iba kong mga kaklase ang gumagawa nun e waley talaga kaya tila mga batang pumapalakpak sa sea lion sa Ocean Adventure 'yung dating namin kasi nakakatuwa talaga, you know?

===

SEMBR--- (bitin eh)

Hindi ko alam kung counted as a sembreak 'yung, uh, "sembreak" namin kasi technically dalawang day-off lang (excluding November 1) ang ibinigay sa amin. Pumasok pa kami noong October 29! Pakdatsyet! Pero worth it naman dahil nagkaroon lang ng culminating activity para sa rosary month noon tapos nagkaroon ng sports tournament. Hindi nga pala ako nakapanood kasi tinulungan ko 'yung kaklase ko sa paggawa niya ng project sa TLE. Wow, baet!

"Sembreak", pero may naiwan pang gawain. THESIS PROPOSAL. Shemay. Kailan gagawin 'yun, you ask? Magsulat ka ng thesis habang nakiki-undas ka sa probinsya. Woohoo! Speaking of undas, mayroong sementeryo (o bilihan ng kabaong? not sure) malapit sa amin na nag-o-offer ng photo-op sa loob ng kabaong. Seryoso? Yep.

Kung tinatanong ninyo kung ano ang ginagawa ni Unprettier ngayong sembreak, ang sagot ay "bedridden"...ing? Happy yipee yehey. Mayroon siyang hindi maipaliwanag na migraine. Heat stroke? Flu? Fever? (gasp) DENGUE?!?*

*sabi ng nanay ko lagnat lang naman daw ito. Hi readers, buhay pa ako.

At ano ang magandang gawain kapag bedridden ka? Ang sagot diyan ay... ANGRY BIRDS!!! Thesis? Who cares! Last week, tinanong ako noon nung ka-group ko kung ilang pages na ang review of related literature namin at ang sagot ko sa kanya ay "malay ko". Needless to say, mga tatlong araw ko siyang pinagtaguan. (dear readers, ginawa ko ang part ko sa thesis a day after nangyari iyon kaya huwag niyo akong batuhin ng kamatis)

Noong summer, nag-umpisa rin akong maglaro ng Angry Birds late at night, at kuhaan ng report card the following day*. At kung tinatanong ninyo kung ilang oras ang tulog ko noon, ang sagot ay "zero". Na-excite kasi ako noon dahil akala ko makikita ko si crush sa school pero ang nakita ko talaga ay 'yung baklang unggoy na baboy na kinaiinisan ko, so there you go.

* Nagsulat ako tungkol dito. Andun sa chapter na nagngangalang "Sige umalis ka na para mapag-usapan ka namin".

Anyway, nakakatawa talaga ang Angry Birds. Hindi ko kineri 'yung sa Piglantis (Angry Birds Seasons 2012) kung saan mayroong kakantang parang babaeng Josh Groban sa background pagkatapos mong ibato 'yung ibon. After that, tutugtog naman ang Hawaiian hula music. I recommend this game sa lahat ng gustong magpuyat. Ciao!

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon