one bero plus one bero equals tubero

80 0 0
                                    

05/03/13

Nakwento ko na sa isang chapter ng... kwentong ito 'yung essay ko sa english (may summer classes ako), kung saan 3 sentences lang 'yung content nung akin at 'yun namang sa mga kaklase ko... 3 paragraphs. Dumating na kanina 'yung mga essay namin, dahil na-check na ito ni sir. Medyo kinabahan ako, dahil, you know, tatlong beses mas mahaba kesa sa akin 'yung mga essay ng mga kaklase ko.

Professor sa UP 'yung nagsisilbing english teacher namin ngayon - at mas gusto ko ang english sa math - parehong nakakatuwa at masayang kasama 'yung english teacher at math teacher namin... 'yun nga lang, bobo ako sa math.

Ito 'yung comment nung english teacher sa essay kong 3 sentences. Nagulat ako.

"This essay is short and simple. It is also direct to the point. Be careful when you use 'would', because it sometimes lessens the force of your action.

See you in UP? =)

- Sir [name witheld]"

Masayang isipin na kahit simple lang (at minsan walang saysay) ang laman ng utak ko [halimbawa: ang content ng journal na ito] pero na-a-appreciate pa rin naman ng iba (salamat po).

And, speaking of summer class... hindi ko pa ginagawa ang assignment ko sa Math.

===

Nanonood nanaman kami ng Eat Bulaga with the whole family kanina, naabutan namin 'yung segment na That's My Boy.

Nakita ko 'yung crush ni Ryzza (<- 'yung batang chubby na nasa commercial ng mister donut para sa lahat ng hindi nanonood ng eat bulaga). Ang cute nung lalaking iyon, parang may potential na maging kamukha ni Jaejoong paglaki. Tapos, andun rin 'yung cute na mahaba ang buhok na kumanta ng Bee Gees song... grabe, idol ko na siya.

Pinipigil ko 'yung sarili kong magsabi ng "ayy, ang cute ng lalaking iyon" dahil alam ko na ang kasunod noon... sasabihin ng kapatid ko na "bakit, crush mo ba?" kaya, ayun.

Noong 3rd year naman ako, sinabi ko lang na ang cute nung grade 5 na little brother nung kaklase ko, tapos walang katapusan na sa kakakantiyaw 'yung seatmates ko.

Kahit na lunch break na.

SCENE: LUNCH, KASAMA KO SI BESTFRIEND. 3RD YEAR HIGH SCHOOL AKO NOON.

Bestfriend: Unprettier, sandali, kukunin ko 'yung pagkain natin.

Unprettier: Ok. (tunganga)

(nakita ko ang dalawang seatmates ko)

(sigurado akong aasarin nanaman nila ako tungkol dun sa sinabi ko about how cute my classmate's little brother is. For the sake of anonymity, tawagin natin siyang POTCHI)

Seatmate 1: Yiee. Potchi.

Seatmate 2: Pumapatol ka na pala sa bata ngayon ah.

Unprettier: Oi... anong pinagsasasabi nyo?! Sinabi lang na cute tapos crush na agad?

(parating na si bestfriend, pero isang plato lang ng lunch ang dala niya... nasaan 'yung isa? andun sa dati naming kaklaseng nag-immigrate mula sa america [dugong pinoy naman] at may pagka-hearthrob)

DatingKaklasengGalingSaAmerica: Ui, ito na daw 'yung pagkain ninyo. (binaba ang plato sa table)

Unprettier: Ay sige, thank you... (tinawag si bestfriend) Oi! Ba't mo pinadala kay DatingKaklasengGalingSaAmerica? Tinawag mo na lang sana ako, hahaha...

(hindi ako narinig ni bestfriend)

(tumingin sa akin 'yung dalawang seatmates ko)

Seatmate 1: Ayiee... si DatingKaklasengGalingSaAmerica na pala ah...

END

...

130507

Nagbabasa ako ng "The Perks of Being a Wallflower" (salamat sa pagpapahiram sa akin ng kopya ng librong ito, seatmate!!!) sa ilalim ng module/binder na ginagamit ko sa summer class dahil amboring nung... topic? (SORRY) na inaral namin sa science kahapon, pero ngayon e masayang magturo 'yung bagong teacher namin kaya nakinig ako sa discussion, at nung recess lang ako nakapagbasa. Natapos ko nang basahin ang libro at parang nagustuhan ko naman siya.

The main character, a naïve 16-year-old little boy, may seem like a young, shy and innocent child to you at the start of the book, but you're wrong! Thanks to his "nice friends", he learned to "socialize" and "grow up" by engaging in fun, family-friendly activites such as smoking weed with the popular kids and... stuff. Wow! Pwede mong basahin ang kwentong ito as a bedtime story sa mga magiging anak mo, para lumaki sila ng mabuti. Parang GMRC book lang! Dapat gawin itong required reading sa lahat ng kindergarten sa 'Pinas at sa States!... not.

...

Okay, seryoso na.

Hindi ko magawang mainis sa main character (Charlie. His name's Charlie.) dahil una sa lahat, si Logan Lerman ang gumanap sa kanya sa film adaptation (yihee. hindi ko pa napapanood 'yung sine) at dahil mabait naman talaga siya. Pero sobrang naïve talaga niya. Saying things at the wrong time. Kaya minsan, baka mainis 'yung ibang readers sa kanya.

ANYWAY I really loved the final chapter of the book. Ewan ko, hindi naman yata ito spoiler, pero may sinabi si Charlie na nakaka-touch talaga.

"I think that if I ever have kids, and they are upset, I won't tell them that people are starving in China or anything like that because it wouldn't change the fact that they were upset. And even if somebody else has it much worse, that doesn't really change the fact that you have what you have."

Bingo.

...

Sa ngayon, ang librong binabasa ko ay ang librong "Are You Smart Enough to Work at Google?" by William Poundstone. As of now, 20 questions na ang na-e-encounter ko sa libro. 5 lang yata ang nasagutan ko ng tama. Paano na ngayon? Goodbye, job at Google... hello, bankruptcy?

Saan ba ako magtratrabaho? Ano ba talaga kasi ang kukunin kong course sa college?

Uh...

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now