Chocolate Starfish and the Hot Dog Flavored Water

29 1 2
                                    

Dahil ga-graduate na ako, talagang hinayaan ko na ang sarili kong magpakamangmang nung finals. Alam mo naman ang bukambibig ng karamihan sa mga ga-graduate na estudyante - "ANG HIRAP NG EXAM PERO IDUNCURR KUNG BABAGSAK AKETCH HASHTAG YOLO"; sasabihing chicken 'yung exam tapos pagdating ng test results... itlog.

Honestly, akala ko hindi na i-re-recheck sa classroom 'yung finals. Akala ko teachers na lang ang mag-re-recheck nun. Kaya nung pumasok 'yung physics teacher ko sa room namin na may dala-dalang test papers, hindi na talaga maipinta ang mukha ko. Oh shit son.

--x--

Kapag nahanap mo 'yung taong mas tanga pa sa 'yo sa paglaro ng flappy bird, soulmate mo 'yun.

Joke lang. I don't really believe in soulmates. Sabi nung kaklase ko, may scientific evidence raw 'yung soulmate crap na 'yan. What the heck? Maniniwala ako kung maririnig ko 'yung evidence kuno sa taong trusted. Hindi 'yung taong pa-copypaste-copypaste lang ng proof kuno sa comments section.

===

Even the most mundane crap (like going up the stage during graduation practice) can be triggers for anxiety attacks para sa mga taong tulad ko. Hello, hindi masayang experience 'yung aakyat ka sa stage pagtawag sa pangalan mo, tas mag-ba-bow ka sa harap ng 300-something people and you hate at least a hundred of them, tas... blah blah blah. Kahit na iilang segundo lang ang duration nun, it still feels like 10 minutes of anguish for people like me.

May gusto akong quote eh. 'Yung "a tiger doesn't lose sleep over the opinion of sheep". Nakakatuwang pakinggan, mahirap i-digest. Easier said than done. Hindi ako tiger. I feel like a black sheep.

Bakit nga naman tayo magpapa-apekto sa opinyon ng mga walang kwentang unggoy na nakapaligid sa atin kung alam naman natin sa sarili natin na mas magaling tayo sa kanila? Ang sagot: dahil insecure tayo. Aww, let me play you a sad song on the world's smallest violin.

Ngayon ito ang tanong ko - besides poverty, insanity, gang orders and other shit, ano pa ba ang dahilan kung bakit may mga taong gumagawa ng krimen at nananakit? Nasaktan din siguro sila dati. Boohoo. Readers, perhaps you can't stand all these red herring. Even I get irked by how asinine it sounds. But hear me out - may mga tipo ng taong naghahangad na makaganti sa mga nanakit sa kanila. At kung hindi nila nagawa 'yun... mananakit na lang sila ng iba. And an endless cycle of hate is born.

¡Qué horror!

===

Hindi naman puro negative crap ang naibigay sa akin ng grad practice.

By height 'yung seating arrangement pero hiwalay 'yung boys at girls. Pinuwesto 'yung boys sa harap... oh wow, how smart of them. Kantiyawan to the max tuloy. Magkakabarkada yata halos lahat ng lalaki sa batch. Kahit na ipaghiwalay mo sila sa isa't-isa, makakahanap pa rin ng paraan para gumawa ng DISORDER!

Anyway.

Siguro 'di ko pa na-me-mention 'to sa journal, pero matangkad ako. Nasa 2nd to the last row ako doon sa seating arrangement. And who knew that ang saya palang kasama nung mga kapwa kong matangkad [na babae]? Gahd, there's never a dull moment in our area. Ang sarap kayang pakinggan 'yung mga sumbat nila tuwing may nangyayaring nakakabwisit sa practice. And no, hindi ako sarcastic, dahil kadalasan ako pa ang nauunang magbigay ng mga side comment.

Grad practice itself... practice nung mass songs, practice ng paglakad, karumal-dumal na pag-practice sa pag-akyat sa stage (ito ang nakaka-letche). Countless times of sitting down-standing up-sitting down-lather-rinse-repeat. News flash: hindi kami kindergarten students.

Ay, boring talaga ang grad practice. 'Yung mga seatmate ko, nagbabakbakan na lang ng mga upuan ng isa't-isa in exasperation. Tsaka sinabi ng mga teacher na bawal lukutin 'yung mga xerox copy ng mass songs kahit na BINAYARAN namin 'yun? Meh. Ginawa kong pamaypay (origami...) 'yung akin nung na-bore ako.

===

Nasa catholic school ako, mayroong hunghang na nagpapa-"mangha" sa mga schoolmate ko due to his pseudoscience shit. Fortune-teller in the making ata. Andun pa siya sa classroom namin kanina nung free time namin. Kasama niya ang kanyang newfound believers, as in, 'yung ilan sa mga kaklase kong nauto niya. So, what in the world were they doing there? Were they summoning the devil? But I've already been standing beside them all along! Joke joke joke.

So, dude. Using barnum statements does not automatically make you a psychic. Pero kung pati sarili mo nauto mo na, so be it. You have such a bright future ahead of you.

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon