Good morning sa iyo.

649 7 0
                                    

OPENING QUOTE

"I really haven't had that exciting of a life. There are a lot of things I wish I would have done, instead of just sitting around and complaining about having a boring life. So I pretty much like to make it up. I'd rather tell a story about somebody else." - Kurt Cobain.

Hindi, joke lang. 99.9% ng nakasulat dito ay totoo. Unless stated.

--x--

Alam ko namang hindi masyadong mahilig ang mga taong gumising ng maaga during weekdays. Hindi believable ang interpretation ng mga TVC (TV Commercials) sa paggising sa umaga. Wala pa akong kilalang taong ngumingiti sa alarm clock pagkagising at mag-a-aerobics muna bago lumabas ng kwarto, maghilamos at ngumiti sa salamin sa banyo.

Ito ang aking daily routine, at mukhang kabaliktaran ata ito ng mga kadalasang ipinapakita sa mga TV Commercials:

5:00 AM = Magigising dahil sa alarm clock ngunit matutulog ulit

5:07 AM = Magigising na talaga, tatayo at kunwari mag-aayos ng gamit baka kasi malaman ni mommy na natulog ulit ako

5:08 AM = Maliligo at for some reason makakatulog nanaman sa banyo

5:15 AM = Makikita na liliwanag na at magmamadali sa pagtapos ng ligo

5:38 AM = Magbibihis, at... shiyeeet, makakatulog nanaman?!

5:50 AM = Bababa na para kumain dahil sinisigawan na ni mommy

6:00 AM = Magsisipilyo pagkakain

6:03 AM = Hahanap ng magazine na pakalat-kalat sa bahay at magbabasa hanggang dumating na ang service

6:20 AM = Sasakay sa service at... you guessed it... makakatulog ulit. Paano nga ba ako nakakatulog sa loob ng banyo sa umaga habang naliligo? Ako kasi, naliligo muna bago kumain. Which means half-asleep pa ako habang naliligo. Well, minsan, habang naliligo, mapipikit ako, magdidilim ang paningin, at mababagok sa pader (at malamang, magigising).

===

Dun pala sa commercial ni Solenn Heusaff sa radyo, nag-a-advertise sya ng Antonov Vodka which is from Russia... haha, cool, kase I'm studying the Russian language right now. Sparingly. Hintayin nyo 'yung ad niya sa Tambayan 101.9, wherein Solenn speaks in a Russian accent, I guess... eeyet eeyes hard teh speeyek in zat accent, да? "This is Solenn Heusaff, and yu ar ander arrrrest." ПОШЕЛ

===

Amusing ang bagong commercial ng Great Taste White Coffee. Mala-game show pa 'yung background music. Kung gusto nyo malaman kung ano 'yung tono nung background music a.k.a. interlude, try nyo pindutin ang mga notes na ito sa piano: A, A, C2, D2. Ansabe?

Ang commercial:

"For lots of things, favorite ang black.

[interlude!]

Little. Black. Dress.

[interlude!]

Black leather jacket!

[interlude!]

Black-rimmed glasses!

[interlude!]

(seducing voice) Black... underwear."

Which reminds me of what happened in my old school. Grade 1 ako noon, at narinig ko lang sa mga tsismosa kong schoolmate na mayroong mga Grade 3 students na pinapunta sa Principal's Office dahil sinisilipan nila ang isa't-isa... dahil gusto nila malaman kung ano ang kulay ng mga underwear na suot nila. 

Ba't nga ba nila gusto malaman? Baka wala namang malisya 'yung ginawa nila? Siguro gusto lang nila malaman kung nakakapagpataas ng grades at nakakapag-paimprove ng study habits ang pagsuot ng black underwear? Paki-research, please. Para umunlad ang bansa.

===

Bakit tuwing makikinig kami ng radyo sa loob ng service, puro commercial lang ang naririnig ko? Ano ba ang iniisip ng mga taong in charge sa istasyon ng radyo - sa tingin ba nila nagbubukas kami ng radyo para lang makinig sa commercials? 

"Hay naku, ba't may kanta nanaman dito sa FM station na ito? Ang tagal naman ng commercial! Shiyeeeet!"


May narinig na rin ako noong mga reklamo na pinadala ng mga nakikinig sa "Tambayan"...

DJ #1: Anong oras na?

DJ #2: The time is... 6:21 AM endehmorneeeeng.

DJ #1: Mayroong tanong ang isa nating listener... "kelan po ba ninyo ipapatugtog 'yung kanta ni Daniel Padilla?!" Well, hintay-hintay lang, tambayerz!

16 minutes later...

DJ #1: Heto, may natanggap tayong mensahe galing kay Hugotera Mekekekwek from Pasig City... "anong oras nyo po ba ipapatugtog 'yung kanta ni Daniel Padilla na nirequest namin?!" Well, wag kayong mainip, tambayers, SAGLIT LANG!

--x--

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon