Not all "smart" kids are smart, some are just good at kissing everyone's asses

341 5 2
                                    

Pagkapasok ko sa school, kakaladkarin ko ang bag kong masyadong mabigat hanggang makarating ako sa classroom naming saksakan ng layo. Pagkapasok ko sa classroom, mauupo ako at magrereklamo tungkol sa dami ng homeworks na hindi ko naman talaga ginagawa sa bahay. Sabi nga dati nung isang sikat na artista sa US: "I hate studying, it's so nakakatamad, but I love learning, learning is fun!". 'Yun lang.

===

Bakit nga ba kadalasang nasasakop ng "recitation" ang pinakamataas na percentage sa grading system? Well, paano na ang mga 1.) matatalinong estudyanteng hindi gaanong kilala ng teacher, 2.) matatalinong estudyanteng hindi makita ng teacher dahil nakaupo sa likuran at 3.) matatalinong estudyanteng tinatamad?

So, magaling ang ibang estudyanteng magtaas ng kamay at basahin ang nakasulat sa blackboard. Congratulations, marunong kang magbasa! Pero sa tingin ko dapat mas mataas ang percentage ng written exams, you know, kasi sa written exams nalalaman kung natuto talaga ang estudyante. O baka nangongopya lang sa katabi. Awts! Wait - never mind. Forget what I just said. That's even more horrendous.

===

Noon, mayroong akong ka-service na nakatira malapit sa memorial park. 'Yung daan papunta sa bahay nila... parang roller coaster. Every Monday lang sumasabay sa service 'yung ka-service ko na 'yun.

Ang saya talaga bumiyahe papunta sa bahay nila, tapos ang bilis pa mag-drive nung driver. Parang Disneyland... 'yun nga lang, instead na theme park, eh... memorial park.

Nalungkot ako nung nalaman kong lilipat na ng bahay 'yung ka-service ko. Lilipat na daw sa village namin. Kaya inisip ko, susulitin ko na lang 'yung huling Monday naming kasama siya, bago siya lumipat.

Nung papunta na kami sa roller coaster village nila, sabi nung isa ko pang ka-service na may naiwan siya, kaya bumalik kami sa bahay nila. Hindi kami nakapasok sa roller coaster village. Feeling ko matagal akong magkikimkim ng sama ng loob dahil dito.

===

Ngayong school year na ito, wala kaming sembreak. At may Saturday classes pa kami minsan. At 2 araw lang kaming nag-practice ng whole day para sa Intramurals. Bakit? Kasi, bago principal namin. First time yata nya mamahala... halata naman.

Baka gusto na rin nilang mag-Sunday classes?

===

Kahit na mayroong silang pinapanigang mga teacher's pest minsan, gusto ko pa rin naman ang mga teacher ko. Mabait sila, may sense of humor, pero strict pa rin. At hindi ko sila masisisi kapag nagagalit sila kasi worst section daw talaga kami (no offense?), hindi naman sa mabait ang kalahati ng klase at *toot* ang isa pang kalahati ng klase, pasaway lang talaga 'yung iba. Ah, kids will be kids.

===

Bakit nga ba ang sungit ng ibang guard sa school entrance? Pati cake, bawal ipasok sa campus. Bakit, ano ba masama sa cake? Sacrilegous ba ang cake? Siguro ginagawa nila 'to dahil nagbabalak silang magbenta ng cake na sobrang taas ng patong sa presyo. Ayos din, 'no.

--x--


THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon