Ang buhay parang leche flan minsan sweet minsan leche

166 1 0
                                    

PRELUDE

"I see myself as an intelligent, sensitive human, with the soul of a clown which forces me to blow it at the most important moments."

- Jim Morrison

===

Ang hirap siguro kung 'yung birthday mo malapit sa pasko. 'Yung tipong tinitipid ka ng mga tao kaya 'yung birthday gift mo e christmas gift na rin. "Hi inaanak, happy birthday and merry christmas, ito na ang regalo ko sa 'yo, isang picture frame, sorry medyo inaamag, napulot ko lang 'to sa bahay!"

===

I'm like so saya these days because my father found my, you know, old magazines from our old bahay. Conyo-ing aside, nahanap nga nung tatay ko 'yung mga lumang magazine ko na sa kabutihang palad e hindi naman inanay, 'di tulad nung bulok naming Webster's Dictionary. (R.I.P.)

The magazines: Total Girl... and W.I.T.C.H. Mag.

So, yeah, remember that? Not Total Girl, buhay pa 'yun. But wala na ang W.I.T.C.H. since 2008, and, awts, miss ko na 'yun. Meron pa ring W.I.T.C.H. sa Italy, and I have no idea why the PH version is gone, pero sa pagkakaalam ko wala na 'yung Art Angel na gumagawa ng crafts na minsan featured dun sa mag at nagsilipatan na ang staff ng W.I.T.C.H. para magtrabaho sa ibang Summit Media Magazines tulad ng K-Zone, Total Girl at Candy. Blah blah, pati ba naman 'yung website nila, tinanggal na rin nila.

Basta naalala ko na favorite ko dun si Cornelia because she's like so totally kikay and favorite couple ko... well... Cornelia-Caleb. Wala akong pake kung alien boy siya. Gwapo pa rin naman e. Hahahahaha.

===

Ikinuwento sa akin ng kapatid ko na may bagong commercial na ang Eden Cheese. Of course, pasko ang theme nila... di ko lang feel dahil parang lalo pang uminit dito sa 'Pinas pagsapit ng Nobyembre.

Ang commercial...

Mayroong isang Kano na sumakay sa taxi. Tinanong daw siya ng taxi driver, "ano ho ginagawa ninyo pag pasko?" at sabi naman ng Kano, "wala, parang mahal na araw lang". Hindi ko alam kung paano nakaintindi ng tagalog 'yung Kano, pero kung i-e-explain pa nila 'yun, hindi na kasya ang 1 minute na alloted time slot para sa commercial nila.

Naging good samaritan si manong taxi driver at sabi nya sa Kano, "sumama ka na lang sa amin, dun ka na maghapunan". Sumama si Kano sa kanila at doon na siya naghapunan. Kumuha si Kano ng ham at tinapay, at nung kakagat na siya dun sa sandwich niya, nakatingin sa kanya ang buong pamilya, sapagkat habang siya ay kakain na, ang pamilya ay nagdarasal pa.

Pero wala naman tayong karapatang mabwisit dun sa Kano kasi baka dun sa relihiyon nila, hindi naman nagdarasal bago kumain. Sa tingin ko, hindi naman siguro tayo kinaiinisan ng mga Mormon dahil hindi kasama sa relihiyon natin ang duty ng pagiging misyonero, et cetera. Kung kaya natin respetuhin ang isa't-isa, wala namang mawawala sa atin, eh? [here we go again...]

===

I am sooooooo loving my class right now... simula nung maging seatmate ko ang mga dati kong kaservice (hindi yata nila napansin), na-experience ko na mag-tally ng recitation (dahil absent ung isa sa kanila: si ms. president a.k.a. ms. taga-tally din ng recitation, mahirap maging class president, trust me, I've been there) at na-experience ko rin na ma-"SHH" ng teacher (dahil seatmates ko rin ang mga maingay na comedy boys, but no worries, dahil MAINGAY KAMI LAHAT).

---

Ito ang "napakasobrang gandang" tula na ginawa ng mga kaklase ko.

The Door.

[Bow.]

I touch the door;

I open the door.

I touch it again;

I close the door.

The Door.

[Bow.]

---

Ito naman ang "napakasobrang gandang" tongue twister na ginawa nila.

Silly sili see Lee silly.

Iyan nga ba ang spelling nun? I have no idea. Baka ganito:

Sili sili sili sili sili

Kung ganyan nga talaga ang spelling? Unsurprising, really.

===

Academy Day namin sa December 7, kaya gumagawa na kami ng props. And by props, I mean a necklace, na gawa sa 300 beads made from construction paper. Ya, I'd rather go shopping, pero look on the bright side, at least may pampalipas-oras ka na, may necklace ka pa!

Speaking of December... Christmas Party namin sa December 22. Baka mag-resume ang klase sa January 2 daw. Like, what?! Wala na ba kaming bakasyon? Ok, meron. Parang sembreak nga lang. Speaking of sembreaks, tatlong araw lang sembreak namin. Ha-ha-ha.

===

You don't have to be blood to be family, and you don't have to be magka-section to be family.

Makes sense? Baka hindi. xoxo

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now