Wala bang course na "sleeping" sa college kasi dun lang ako magaling

129 2 1
                                    

3RD YEAR HIGH SCHOOL

Oo, ngayon pa lang kailangan mo nang mag-isip-isip kung anong daan ang tatahakin mo sa hinaharap. Sa kolehiyo. Course. Anak ng kabayo, course agad? Para ka na ring nilagay sa sudden death round ng isang game show. O ano, lalaban ka o babawi? Pera o bayong?

Anyway, isa na ako sa mga taong hindi talaga alam ang gusto sa buhay.

===

ME... AS A COMPUTER PROGRAMMER

Hindi Graphics Artist. Hindi rin Web Designer. Bakit? Inferiority complex.

Na-disassemble ko 'yung laptop ko dati. Nasira kasi eh. Nalaman ng magulang ko tapos ipinatingin sa tito ko. Napagalitan pa ako kasi masama raw 'yung binabaklas ang laptop kung hindi professional ang gumagawa.

"Aw, shucks..!"

---

ME... AS AN AUTHOR

Huwag na lang.


Ako, hindi ko alam ang genre ng writing ko. Depende sa paningin niyo. Pero kung ibenta ko man ang mga libro, ehem, "stories" ko, alam ko na kung saan nila ito ilalagay.

Hulaan mo.

Feeling ko mapupunta ito sa children's section.

Baka horror.

O sa basurahan.

===

May dalawang alagang isda 'yung section namin, si Georgie at Chupeta. Well, they were our pets for one day only. In other words, they're dead. Namatay daw kasi hindi daw sila pinapakain. Tsaka inilipat sila sa bote ng Summit (ang contaminated na mineral water brand) at inihagis-hagis nga ang nasasabing bote sa ere.

MORAL OF THE STORY:

Hindi ginagawang circus performer ang mga goldfish. Alagaan ninyo sila habang may oras pa.

===

Isa ako sa mga taong may stage fright.

Mukha mang malaki ang ego ko online, well, it's different in real life. Hey, when I had my valedictory address when I was in elementary, wagas ang panginginig ng binti ko, kulang na lang maging sanhi ang panginginig ko ng pagkakaroon ng magnitude 5 earthquake dun sa kinatatayuan ko.

Anyway, nung 12-12-12, hindi ako masyadong happy (nanaman) dahil mayroon kaming presentation the next day. Tsaka report.

At naiinis pa rin ako dun sa dalawang $#%^ na nang-trip sa akin nung araw na 'yun.

At naiyak ako (I CRY WHEN I'M ANGRY???) dahil dun sa dalawang $#%^. Habang nag-pa-practice kami ng presentation. At siguro nakita nila ako. Well, nakita ako nung isa sa mga kaibigan nilang medyo mabait naman, tinanong ako kung bakit ako umiiyak. Sabi ko, "nahihilo ako"...

At 'yun ang dahilan kung bakit ayokong pumasok.

Ginawa ko na 'yung PowerPoint presentation sa computer ng kapatid ko (sabog ang Microsoft Office sa laptop ko) at mukhang nasira nanaman ang PC niya (kakaayos lang ata nun 3 days ago, nasira 1 day after kong gamitin, pero siya naman talaga huling gumamit 'nun, tas ako may kasalanan?!).

At dahil tapos ko na gawin ang PowerPoint presentation na mas pinaghirapan pa ang layout/design kaysa sa content, in-okray ko ang mga tao sa bahay ("kung hindi ako makakapasok bukas, pakibigay na lang 'yung USB na may PowerPoint presentation sa mga ka-group ko") ngunit hindi gumana 'yun kaya pumasok ako.

Pagpasok ko, nakita ko 'yung dalawang kaibigan ko. Kinausap ko 'yung isa sa kanila na ka-group ko sa presentation kung saan gagawa kami ng jingle about math.

Unprettier: Ui, 'di ko alam 'yung tono nung kanta natin.

Friend: Lipsync ka na lang.

Unprettier: Paki-distract si sir [math teacher] para 'di ako mapansin. Mag-ballroom dancing kayo dun sa harap.

Tsaka nakasalubong ko 'yung kaklase kong kaibigan nung 2 $#%^, pero mabait naman ang isang 'to (at ka-group ko rin siya).

Classmate: Ui, "nahihilo" ka pa rin ba?

Unprettier: Hindi. (pabulong) Hindi naman talaga ako nahilo eh.

Classmate: E bakit ka umiyak? (wow concerned thnk u)

Unprettier: (pabulong nanaman) Secret.

Unprettier: Nga pala, paki-distract si sir [math teacher] mamaya. Hindi ko alam 'yung tono nung kanta natin eh. Baka masabihan ako ng "Hoy Unprettier, bakit hindi ka kumakanta? Mag-SOLO ka diyan sa harap!"

Classmate: Wag ka mag-alala, lalakasan namin boses namin.

Unprettier: Aww, thank you. (hindi ako sanay na mayroong tao from the "cool" crowd na mabait sa akin, but paranoia aside, um-okey ako, at nawala ng konti 'yung nerbyos ko... hay salamat!)

EH, ANYARE SA PRESENTATION NAMIN?

Una sa lahat, hindi napansin ni sir [math teacher] na nag li-lipsync lang ako, dahil masyado siyang busy sa pagtawa.

Balita ko sintunado daw kami lahat. LOL.

Tsaka sino ba naman hindi matatawa sa lyrics na ito?

Oh, oh, oh

Your math skills are terrible

It's really kind of pitiful

In chapter two of "New Generation Math" (A/N: title ng textbook namin 'yan) we study congruence of triangles, squares, and polygons

SSS, SAS, ASA, SAA, HyL, HyA, LL, LA, CPCTC

Baka hindi kayo maka-relate. Basta, about geometry 'yan. At mali-mali ang lyrics na pinost ko dito, dahil wala akong kopya nung lyrics na ginawa ng classmates ko.

In fact, dalawang kanta 'yung kinanta namin... *ehem* ... este, nila. At mas nakakatawa kung 'yung unang kanta ay ka-tono ng "What Makes You Beautiful", at "Up All Night" naman 'yung sa second song.

3 out of 4 groups used a One Direction song instrumental for the performance. At nagkaroon pa ng interpretative dance 'yung kabilang group.

===

Nung Academy Day namin, pinasayaw kami nung ethnic dance something something. Ang required costume ay black T-Shirt at black slacks (na kami ang bibili), at ang floral sarong na isusuot sa bewang at malong na parang sash. 'Yung sarong at malong, ibinigay... este ibinenta sa amin ng school as a set. 280 pesos. Parang mas ok kung ginupit ko na lang 'yung lumang kurtina namin sa bahay, mas makakatipid pa ako.

Nung sayawan time na... delubyo! Ipinatanggal sa amin ang mga suot naming rubber shoes... AT 'yung mga medyas namin! Sa iba, medyo ok lang 'yun, pero sa case namin, ipinaperform kami sa "grounds" - as in, isang malaking square na lote ng lupa at damo sa gitna ng dalawang campus building. Nagkasya yata ang buong batch namin, kung tama ang pagkakaalala ko. 330-something kami.

Natuwa siguro 'yung mga bulateng nakatira sa lupa ng grounds dahil nakahanap sila ng bagong tirahan... ang mga paa namin, mga 3rd year high school students.

--x--


THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon