oo na

71 0 0
                                    

Okay... happy birthday me. Yata.

Sa classroom, halata namang binati nila 'yung kaklase kong ka-birthday ko malamang dahil kilala nila siya at lilima lang yata ang nakakausap ko sa classroom.

Tapos sabi nung isa kong kaklase na birthday ko rin daw.

...

SCENE: Sa klase. Nagbabasa ako ng "little black book" ni Bob Ong sa back row. Tinanong ng kaklase ko kung ano 'yung binabasa ko tapos sabi ko "bible 'to. shortened version"

Teacher: Okay class! Let's sing HAPPY BIRTHDAY to [kaklase ni Unprettier na may birthday rin ngayon]!

Classmates: Happy birthday to you happy birthday to you happy birthday happy birthday happy birthday to you.

Teacher: Happy birthday, [kaklase ni Unprettier na may birthday rin ngayon]!

Classmate (na nilibre ko dahil naalala niyang birthday ko): Miss, si Unprettier din po ngayon ang birthday!

Teacher: (monotone) Tama na.

Tapos ayun may getting-to-know-you activity kami tapos amboring tapos umuwi na kami.

Tapos masaya sa service at hindi ko natapos basahin 'yung K-Pop magazine nung ka-service ko dahil baka may makahuli sa akin (na nagbabasa ng K-Pop) tapos umuwi na kami. Tapos kumain kami sa Hapchan at... at... at... birthday din nung bata dun sa kabilang table.

---

Edi nagpapasalamat ako sa mga sponsor kong bumati sa akin kanina, lalo na dun sa dalawang taong kinantahan ako ng "happy birthday" ng limang beses. Sunod-sunod. Tsaka dun sa ilan sa mga "the boys" na kaklase ko nung 3rd year at kaklase ko pa rin ngayon (pero hindi lahat). Tsaka dun sa nagbigay sa akin ng chocolate at Minnie Mouse na keychain. Tsaka ke bespren na nagbigay sakin nung papel na may sulat ni ex-crush tapos si boyfriend ni bespren na binati rin ako ng happy birthday. Tsaka sa mga ka-service ko at si kuya driver na bumati rin ng happy birthday. Tsaka 'yung mga katabi naming kumain sa Hapchan kanina na kumanta ng "happy birthday" at kahit hindi ako 'yung kinakantahan nila, natuwa pa rin ako - tsaka nga pala 'yung kasama nilang 2 years old na batang lalaki na muntik ko nang batuhin ng tsaa kanina dahil sumabog 'yung eardrums ko sa tinis at lakas ng mga tili niya. Babatuhin ko kayo ng limandaang scorpion.

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon