Novacaine

28 0 0
                                    

Presumably, nagkandaloko-loko na 'yung batchmates ko, syempre dahil GRADUATE NA KAMI! NO RULES YOWWW!!! 'Yung tipong makikita mo 'yung mga selfie nilang nakakagulat talaga. Tiyak, kung anu-anong sorpresa ang darating ngayong summer. Kunwari... blue na 'yung buhok ng dating class president, kalbo na ang kaliwang bahagi ng ulo ni vice president a la Sandara Park noong "I Love You" promotions ng 2NE1, may hikaw na sa ilong si class secretary, si treasurer naman may hikaw na sa nipples. And so forth.

Ako naman, eto. Mukhang emo na samurai. Chos. Unintentional 'yan, promise. Wala akong "outrageous transformation" kuno dahil... hindi pa tapos ang duty ko sa alma mater ko. Yep, kasama nga kasi ako sa yearbook committee. Ewan ko lang kung may reward 'to. Wala.

Ewan, masaya naman kahit paano. Naka-aircon kami dahil doon kami nagta-trabaho sa computer lab. May mga nakakausap naman ako roon -  'yung mga taong naging kaklase ko noon, tsaka 'yung ibang friendly na taong hindi ko naman naging kaklase.

Kanina, may nag-demo sa amin na mag-a-apply ata bilang teacher ke alma mater next school year. Leshe, sa amin pa talaga nag-demo. Nag-eexam daw kasi 'yung mga undergraduates kaya kaming mga *UBOalumni/alumnaeUBO* ang pinagdiskitahan ng subject coordinator.

Subject Coordinator: Hello, 4th year! May we take some of your time? Somebody will blah blah blah... magde-demonstrate... blah blah blah.

4th year: (inside voice) Yehey, intermission number. Thank goodness. Nalulusaw na ang mga mata namin kakatitig sa mga computer screen na 'to.

Unprettier: (inside voice) Oh, [insert expletive here]. May kailangan pa akong tapusin. Ayoko nang bumalik next week para tapusin lang 'tong yearbook na 'to.

Tapos, ayun. Nag-demo na si teacher-in-the-making. Naubos ang oras namin sa pagdarasal pero ayos naman 'yung turo niya. 'Yun nga lang, medyo nakaka-kilabot 'yung part na magtatawag siya ng estudyante para sumagot nung tanong. Puro taga-star [section] ang kasama ko. Paano kung hindi ko masagot 'yung tanong? Leshe, nakakahiya. Bwiset. Gusto ko na sanang maihi sa pantalon sa nerbyos (fortunately, hindi naman natuloy). So nagtanong si teacher kuno:

Teacher Kuno: May we hear the answer from this group - (turo sa group na nakaupo sa 1st row ng comp lab) - the IT experts!

Unprettier: (inside voice) Shet, IT experts daw kami oh.

Teacher Kuno: (naghahanap ng ma-bi-biktima)

Unprettier: (mukhang emo na samurai)

Teacher: (kinilabatutan kay Unprettier)

E 'di ayun. Hindi ako tinawag. Ewan ko kung dahil mukha akong psycho o dahil mukha akong tanga. Either way, nailigtas pa rin ako sa possible na kahihiyan. Ayos?

Sooooooooo... summer na. Hinihintay ko 'yung mga selfie na i-u-upload ng batchmates ko. Izz gonnah be sooo fun! Rakenrol.

===

Ngayong Miyerkules, ika-26 ng Marso, 2014... kami nung mga ka-service ko (na kasama rin sa yearbook committee) ay pumunta sa Jolibee. Pumasok kami sa Jolibee, naupo kami sa upuan sa Jolibee, at matapos ang ilang sandali, ako ay natapilok sa Jolibee.

Ang dulas naman kasi nung floor eh. Gara. Nilagay lang nila 'yung "wet floor" sign noong nadulas na 'ko.

Pumunta kami sa Jolibee para bumili nung peach mango pie. Ang sarap sarap. Ang liit liit.

Noong palabas na kami ng Jolibee, nagkatinginan kami ng isang batang babae. Tiningnan ko. Shit. Uniform namin 'yun ah. School mate ko pala. Hindi na ako magugulat kung may kakalat na balitang tulad ng "May nakita akong emong alumnang nadapa sa Jolibee!" sa school. Dude, lahat tayo nadadapa. 'Yung iba nga lang, wrong timing.

On a different note, hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa [yearbook committee] polo y servicios. Nag-e-enjoy pa rin ako. Kanina mayroong taga-committee na kumakanta ng "Born This Way" habang nagta-trabaho kami. Ni-record pa nila. Gumugulong kami sa katatawa.

Nakita ko nga pala si crush kanina. I'm not gonna lie, kino-complement namin ang isa't-isa in terms of clothing. As in, bagay. Mukhang mag-syota. Kyoot.

===

MARCH 27: Ang konti ng staff members (yearbook committee) na pumasok ngayon. Kalahati pa nung pumasok e late. Well, maybe not. Wala namang ibinigay na definite na oras sa amin. Kahit kailan ka lang pumasok. 9:00 AM? Why not.

Nagpapapirma ng clearance 'yung mga undergrads kaya for some reason, naghihigpit ang mga masungit na guard. Ewan ko sa kanila, parang araw-araw ding may menopause. Naka-embed na sa utak nila lahat ng natutunan nila sa CAT.

===

Ah, summer. The perfect time for eating thoughts instead of food.

You know how they say that most of your problems stem from overthinking? Now you have two more months to do exactly that - para ka na ring nanalo ng two bonus rounds sa spin the wheel. Happy yipee yehey. Gusto ko sanang punuin ang page na 'to ng "huhuhu wala akong patutunguhan sa buhay" na basura upang malinaw ang punto ko pero... wag na lang. I have secrets I won't share.

===

Kung mayroon mang tinoyong manood nung videong naka-embed sa sidebar in spite of that mukhang ewang preview/thumbnail, let me explain to you a thing. Hindi ko rin na-gets 'yang video na 'yan noong una kong pinanood. Bakit? Dahil, wtf is that supposed to be? I was befuddled. Grabe, 'di ko alam kung matatawa ako or something.

But, yeah, may plot pala 'yan.

Is it so bad, it's good? Jutti meri oye hoi hoi~

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now