Ang pasko ay sumabit (year-ender* special)

42 2 0
                                    

* and by "year-ender", I'm referring to school, not 2013 itself.

To commemorate the start of [my] Christmas vacation: New book cover para sa journal na ito! Yehey! Kung hindi ako matutuwa baka ibalik ko na lang sa dati. Awww

And of course marami pa akong project na kailangang gawin, pero what the heck. Mental block ako. And there's always time for Wattpad. So, ayun nga.

Note 12/20: na-realize ko na na-delete ko na pala 'yung .psd file ng dating book cover ko. So we're stuck with this crap hangga't wala akong mahanap na kopya nung cover. Happy holidays.

EDIT 12/22: Nakahanap na ako ng kopya nung lumang cover. Yey. Sayonara na lang doon sa isang cover na dalawang araw lang siguro nagtagal. You will truly be missed. Not.

--x--

Hindi pa nag-umpisa 'yung simbang gabi noong may nangaroling sa aming mga timang (as in nangyari ito before December 16, late lang ang update). Okay lang sana kung matino 'yung pagkanta eh. Pero hindi.

Mga sampung beses na sigurong sumigaw ng "namamasko po" PONYETAH!!! Hindi namin pinansin dahil half-assed lang ang pagkanta. Mas appropriate siguro kung tatawagin nating "no-assed" ang pagkanta nila, if such a term exists. Tapos, hindi ka talaga nila titigilan hangga't hindi mo sila bibigyan ng pera o tututukan ng armalite. Well, I guess those idiots were effin' drunk... or high. Or both. Trippy. Actually tinawag pa nung nanay ko 'yung guard sa subdivision namin para lang palayasin ang mga nangangaroling mokong. Shit just got real, man. Kabagot, umakyat na lang ako, nagbukas ng laptop, at nakinig ng kanta ng SOAD na Chop Suey!

Kumakain kasi kami nung nag-umpisang "kumanta" 'yung mga timang. Nangangaroling sila tapos tumayo na ako mula sa upuan ko kasi tapos na akong kumain.

Unprettier: *tumayo*

Kapatid: HUWAGMONGSAPAKINHUWAGMONGSAPAKINHUWAGMONGSAPAKIN---

Ngunit contrary to popular belief, hindi ako ganung ka-bayolente. I'm peaceful na, yow! I guess. Kalimutan niyo na 'yung moment na chini-cheer ko 'yung mga nagsasabunutan malapit sa school namin. Hindi ko naman kasi kilala 'yung participants doon. Otherwise baka tumawag na lang ako ng authorities.

===

Usapang pagkain.

Most of the time, hindi ko hilig ang kumain. Limang kutsarang kanin, konting ulam, tapos isang basong tubig. Ayos na. Most of the time at school, hindi ako nagla-lunch o nagre-recess. Baka minsan bibili na lang ako ng citrus green tea. Tinanong ako nung kaklase ko dati kung hindi raw ba kumakalam ang sikmura ko dahil doon.  Sabi ko sa kanya, "wala akong sikmura". Hmm...

Minsan naman tinotopak ako, parang naglilihi. One time, ito ang naging lunch ko:

- 2 sticks of kwek-kwek

- 1 stick of pork BBQ

- 1 order of spaghetti w/ chicken & rice

- 1 order of nachos

- 1 bote ng summit

95 pesos ang nagastos ko. Susmaryosep. Hindi naman ako kinabag, oks lang. At hindi naman ako gaanong tumaba. Pero tuwing December 25, iba na ang usapan...

December 25, 12:00:00 AM

Unprettier: Jusko po, busog na ako.

December 25, 12:04:50 AM

Unprettier: May dessert ba?

December 25, 2:00:00 AM

Unprettier: Meron pa ba diyang tirang lechon?

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon