Wala kang pera? Ba't 'di mo subukang ibenta 'yung mga kakilala mong plastic

97 1 0
                                    

PAUNANG SALITA... este TULA. Dahil malapit na ang birthday ko (ok mga 3 weeks pa pero malapit na 'yun). Happy birthday, me.

---

SA BIRTHDAY KO

Utang na loob pakilagyan na ng heater 'yung shower

Dahil tuwing naliligo ako ng 5 ng umaga, parang nagyeyelo ako at nagkaka-hypothermia

Dahil ang lamig sa umaga.

Pahingi na rin ng 1000000000 pesos

Para hindi na ako mag-college, bibili na lang ako ng diploma,

Bwahahahaha

Illegal 'yun.

--x--

May tatlo akong lip balm na namumulok sa kwarto ko dahil hindi ko ginagamit. Strawberry lip balm, Sprite lip balm (don't judge), at hindi ko alam kung ano 'yung isa pero amoy floorwax. De joke lang. Anyway, ano gagawin ko rito? Hahayaan kong mamulok hanggang sumikat ako, tapos kapag sumikat ako, ipa-pa-auction ko? No. Ayokong sumikat. Sensitive ako towards haters.

Pero marami na akong na-encounter na mga bagay ng celebrities na binebenta online. Tsaka celebrity auctions.

Ito ang mga pinaka-baduy na gamit ng mga artista na pina-auction sa eBay, courtesy of smosh.com:

Britney Spears’ Chewed Bubblegum, $14,000; Jennifer Lawrence’s Sports Bra, $3,175; Justin Bieber’s Hair, $40,668; Scarlett Johansson’s Snotty Tissue, $5,300; Niall Horan’s Half Eaten Vegemite Toast, (Almost Sold) $100,000; Michael Jackson’s Dirty Underwear, $1M; John Lennon’s Tooth, $31,200; Angelina Jolie and Brad Pitt’s Breath in a Mason Jar, $523; and Justin Timberlake’s Half-Eaten French Toast, $3,154.

 What?!

===

Hindi ko naman masasabing magaling ako sa video games, it just happens that I beat Marvel vs. Capcom I AND II on the arcade! And I got into the leaderboard! [audience: TSE!] Nakapaglaro na rin 'yata ako ng House of the Dead at Tekken kasama 'yung kapatid ko. Pero music games lang sa computer ang medyo madalas kong laruin. Lahat ng ibang laro... bokya. Kaya hindi ko ma-co-consider ang sarili ko bilang gamer girl.

===

130504

So, pinanood namin 'yung dance competition sa (hulaan ninyo)... Eat Bulaga.

#1: Team Black Beauties (Wally na naka-wig at spray tan, at dalawang sexbomb dancers yata)

Wala akong ma-say. Magaling sila, nakakatawa. At ang laki ng wig ni Wally.

#2: Team... basketball? (Allan K at mga gwapong macho na basketball players)

Dance contest ba 'to o basketball contest? Ang gwapo nung mga basketball players na bumuhat kay Allan K.

#3: Team Gym Hotties (Jose na may pekeng 6-pack, babaeng kapatid ni Daniel Matsunaga, gwapong lalakeng nagngangalang Lance?)

Wala na talaga akong ibang masabi kundi ang gwapo ni Lance.

 #4: Team Big and Small (Jimmy Santos, Ryzza, and... special guest?)

Magic show ang concept nila. Nagsayaw sina Jimmy at Ryzza, tapos ipinasok si Jimmy dun sa malaking chop-chop box ng magician. Ang akala ko lalabas 'yung katawan niyang naka-chop-chop katulad nung sa ibang magic shows, pero ang lumabas ay... si JACOB! CHARLES JACOB!!!!!!!!! 'Yung cute na crush ni Ryzza. Kamukha siguro ni Jaejoong 'yun paglaki ANG CUTE NIYA!!! Bakit 2nd runner-up lang siya?!?!

===

Dapat 3 araw mawawalan ng tubig 'yung village namin from 9 AM to 5 PM. Pero nung binuksan ko 'yung gripo kanina habang nag-too-toothbrush ako (kung walang tubig, edi wala, basta maka-toothbrush lang)... may tubig!!! Congratulations.

Ang galing nga e, kasi 'yung tubig na lumalabas dun sa gripo ay malinis. Hindi katulad nung "devil water" na nangingitim. Devil water ang lumalabas sa mga gripo at shower kahapon kaya ginamit ko 'yung tubig na inipon namin sa dambulahang timba para maligo. Unang araw pa lang ng pagkawala ng tubig e nangalahati na 'yung laman ng timbang pinaglagyan nung inipon naming tubig. Tsk tsk. Buti na lang may tubig ngayon. Kung wala, baka hindi na makaligo 'yung kapatid ko dahil inubos ko na 'yung naipon naming tubig.

===

Nakakabahala lang 'yung mga comment sa Youtube.

Kunwari sa mga cover songs o kung ano man tawag dun. Kunwari nag-cover ng kanta 'yung idol mo. Tapos mag-co-comment ka ng "2384783745 times mas magaling ang idol ko sa original na kumanta nito". Dahan-dahan ka, ungas, baka sugurin ka ng mga fans nung original na kumanta nun. Well, what do you expect, considering that 80% ng mga nag-co-comment sa YouTube ay 1.) Under 14 years of age, or 2.) May toyo, at 90% ng mga comments sa YouTube ay 1.) Mga away, o 2.) Mga comment na "GAAAAAAAY".

At kahit sa Facebook, ganito rin ang sitwasyon. Kunwari may seryosong issue na pinost ang isang admin sa isang fanpage. Maghintay lang kayo ng ilang minuto at lalabas na 'yung mga bangag na nag-co-comment na mahaba nga ang isinulat, wala namang sense.

"Satire is meant to target the powerful, not the vulnerable. And jokes are supposed to be funny."

Kani-kanina lang, nagbabasa ako ng mga comment sa Facebook, at parang nabawasan yata ako ng mga brain cell dahil sa mga ilang nabasa ko. Wagas maka-porma at pa-gwapo at ~*pa-sWaG*~ sa profile picture pero saksakan naman ng tanga. Binigyan ka ni papa Jesus ng utak, gamitin mo. Pinapaaral ka ng mga magulang mo, hindi lang halata.

Hindi naman sa may holier-than-thou God Complex ako, 'yun nga lang e kumakalat nanaman ngayon ang tanga virus at marami nang apektado. Ano na lang ang sasabihin ng mga taga-ibang bansa sa atin niyan?

Think before you click. At think before you comment, eka nga.

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now