walang tabs kapag walang abs

48 1 0
                                    

Or, "super ikli at outdated chapter dahil tinatamad si Unprettier sa pag-ayos ng Academy Day special".

--x--

Nagkaroon kami ng CAT sa school grounds noong Friday. Exposed na exposed kami. Kung makatingin 'yung mga bata eh para kaming mga animal sa zoo. Pati ang mga teacher at mga madre nanood din. Wala sigurong magawa.

Simula ngayon, hindi na siguro ako magrereklamo tungkol sa pagtikwas ng buhok sa CAT... tanggap ko na!!! De-merit ako linggo-linggo!!! [audience: *nagpupunas ng luha*]

===

Haaay, ang buhay ng 4th year. Dahil malaki ang bintana sa room (to the point na mukha raw kaming nasa incubator), exposed na exposed kami sa mga tao sa labas.

Of course, minsan ito ang nagiging dahilan ng privacy invasion. Or whatever. At least makikita mo agad kung may parating na teacher.

...

(nagkakaparty-party sa classroom)

(mapapadaan ang high school department coordinator)

(kakaripas ng takbo ang mga estudyante, susubukang umayos... autobots, roll out!)

(magmimistulang "Trip to Jerusalem" na ang peg, kahit saan na lang maupo basta 'di masita)

...

Kwelang-kwela. Sana maibalik muli. 'Yun nga lang ngayon e may inilipat sa section namin na estudyante galing sa kabilang bakod (kabilang section) dahil nag-mi-misbehave raw yata? Oh, great. Well, kakilala ko siya noon. Ngayon hindi na masyado. Ang awkward. Parang first day of school pero iisa lang ang bagong estudyante.

===

Naglalaro lang ako Zombie Tsunami sa aking Android phone nung isang araw, biglang nag-reboot ang phone, pagbukas ko ulit ng Zombie Tsunami, na-reset na nga, nagka-glitch pa kaya walang lumalabas na mission. Goodbye, 238487340932 upgraded paraphernalia, goodbye, 40,000 coins... Medyo masaklap...

Noon, nagkaroon ng one-sided fist fight ESTE alitan sa classroom sanhi ng Zombie Tsunami. But that's a story for another time. And by "another time", I mean "never".

===

WEEKEND NA AT WALA AKONG KAILANGANG ASIKASUHIN!!!

YATA!!!

Ngayon na lang ulit siguro nangyari 'to. Kahapon (Biyernes) wala naman akong ginagawa kaya nag-drawing na lang ako. Ngayon (Sabado) naisipan kong dekwatin ng panandalian 'yung gitara ng kapatid ko na inaalikabok lang sa sulok. Ni-lock ko ang kwarto, napag-interesan kong aralin 'yung intro ng "God Called In Sick Today" ng AFI.

Tapos may kumatok. Parang batang nanonood ng porn, hinagis ko na lang sa ilalim ng kama 'yung gitara. Pahirapan ang pagbalik nun dahil ayaw umalis nung epal sa kwarto. Shet, pero nasiyahan ako sa ginawa ko.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now