Wattpad Killed the Hardbound Star

86 1 0
                                    

"Get a KFC 1-pc Chicken Burger Steak Meal for FREE! Just load a total of P160 from Nov12-14 and expect a confirmation text to claim your reward at KFC branches nationwide. Share-A-Load not credited. This is a free advisory." - text mula sa Globe

Kung tutuusin, magandang campaign 'to para sa mga taong [1] madalas talagang gumamit ng load at [2] taong mahilig sa chicken. But mind you, kung nagpa-load (share-a-load=INVALID) ka ng P160 para LANG sa "1-pc Chicken Burger Steak Meal"... mas mabuti pang pumunta ka na lang sa KFC at bumili ng meal na 'yun dahil sa pagkakaalam ko e P50 lang 'yun. This is basic knowledge, kids!

P.S. Original ang title ng chapter na ito. [audience: ooh...] Natutuwa ako nang konti (<- ako nga pala 'yung tipong tao na natatawa sa sariling joke) dahil inabot ako ng 30 seconds sa pag-isip ng title, contrary to what I've been doing to the titles of the past few chapters. Bigyan ng jacket.

--x--

Ang kantang "What Does The Fox Say" ay naging subject na ng 9834912830 knock-knock jokes sa classroom namin kaya na-curious ako kung anu ba namang klaseng kanta 'yun. Balita ko na isinulat pa ang song title na 'yan sa papel na pinagpasa-pasahan nung mga CAT officers na nakaupo sa likuran namin noong Friday habang nag-di-discuss ang commandant.

Ngunit alam niyo naman, nakakalimutan kong i-google man lang. Until that fateful day...

Isang umaga, sinusubukan kong matulog sa service noong bigla kong narinig ang mga katagang "WHAT DOES THE FOX SAY?" sa radyo. So syempre na-curious ako, kasi at last! Malalaman ko na kung bakit nahuhumaling ang mga kiddies sa kantang ito.

Pagkatapos kong marinig 'yung kanta, hindi ko ma-explain 'yung experience. Tumawa na lang ako nang tumawa at hindi na nakatulog. And I tell you - the song is 10x funnier when you listen to it through the radio. No clue on why that's the case.

ISANG REALIZATION REGARDING THAT SONG

On the first listen, matatawa ka. On the second listen, ma-a-appreciate mo lalo. On the third listen, mararamdaman mo nang nag-de-deteriorate ang mga brain cells mo. On the fourth listen... wala nang fourth listen dahil aawayin mo na ang mga nagpapatugtog ng kantang 'yan.

===

Give a man a mask and he will show his true face.

Still haunted by the thought that dahil ako ay pina-apply ng magulang ko only to 3 out of the 4 most prestigious universities in the country, medyo disturbing lang dahil kung mas maraming tao ang makakasalamuha mo araw-araw on campus and whatnot, mas mataas ang chance na matsitsismis ka sa internet. Ikaw ang artista at sila ang paparazzi-slash-gossipmongers.

Ayoko na!!!

===

Nag-retreat kami. Masaya. Malungkot nga lang. Bipolar.

Nakasira kami ng dalawang top bunk ng double-deck; isa sa boys at isa sa girls. Sa boys nasira dahil may naghaharutan, sa girls naman... mas mahaba ang kwento - pero ito ang general thought:

Hindi mo makokontra ang laws of physics. Ang top bunk ng double-deck ay hindi para sa limang tao. Bakit pa umakyat? Impulse. Well, narinig ko na ginawa rin daw 'yun ng ibang section pero hindi nasira 'yung kama. Well, that's life.

Maari raw kaming ma-suspend dahil doon. Dahil na rin may mga nagdala ng gadgets. Ginawa rin ito (pagdala ng gadget na hindi sinurrender) ng ibang section pero kami lang daw ang paparusahan nila. Disproportionate retribution?

Sabi nila, huwag na raw ikalat ang kwento. So naturally pagpasok namin sa school the next week, kung anu-ano nang kumalat na kwento sa ibang section... sa ibang year level... sa ibang SCHOOL!!! Seriously! Huwag na kayong magulat kung makita niyo sa tabloids ang picture ng warak na double-deck kasama ang mga estudyante sa section ko na naka-"peace" sign sa camera. "SAMPUNG ESTUDYANTE MUNTIK NANG MA-DEDBOL SA DOUBLE DECK"

Memorable moments... hmm... nag-jogging ang mga kaklase ko kasama ang adviser namin noong Saturday, mga 5 AM. Ako naman... tulog. But hey, I wasn't alone.

---

Wednesday, 2013 November 20 noong binigyan ng adviser halos lahat ng estudyante ng... "call parent" slip. Nag-umpisa nga pala 'yung letter na nakalagay dun sa mga katagang "we are pleased to inform you", parang adding insult to injury ang dating. "We are pleased to inform you na suspended ang anak niyo! Congratulations!"

Hanga ako sa mga kaklase ko na kahit ang  "call parent" slip e nagagawang katatawanan. Laugh your sadness away, ika nga. Tawa pa. Haha. Sige, tawa pa. Hahaha. Mukha kang tanga.

Bale sabi ng mga kaklase ko na pag-uwi nila sa bahay, mag-se-selfie raw sila kasama 'yung call parent slip a la mugshot. Ang adviser ko (na naiintindihan ang sitwasyon namin, thank you very much) ay naki-joke rin: ilagay daw namin sa bulletin board sa classroom lahat ng call parent slip bilang decoration. Wow. Na-suggest pa ng isa kong kaklase na ipang-decorate na lang daw ang mga call parent slip sa lantern na ginagawa namin para sa lantern making contest.

Medyo na-delay ako sa pag-amin sa nanay ko dahil naduduwag ako. Ayokong masapak nang 'di oras, yo. Nung umamin ako, naintindihan naman niya. Pagkatapos ng pag-amin, ang biglang pumasok sa isip ko ay "Uh, wow. Hindi po ba ninyo ako sasapakin". Anyway, so ayun, mabuti na lang at hindi ako na-benga ni mudrakels. Charot.

===

Noong retreat... ang sarap ng pagkain, at halos every 3 hours or so, kumakain kami. Parang Hansel & Gretel ang dating, papatabain ka tapos ilalagay ka sa oven para lutuin nang buhay.

Anyway, speaking of food. Hindi ako naka-experience ng "horrible cafeteria food", to be honest. Parang na-spoil na talaga ako kasi araw-araw masarap ang pagkain at marami talagang pagpipilian.

Meron nga lang isang case kung saan maaring ituring na... peculiar ang ibinenta sa canteen - noon, naisipan kong bilhin 'yung beef steak na binansagan ng mga kaklase ko bilang "Ultimate Cornstarch" dahil pagkagat mo... parang cornstarch. Pero may kasama namang mashed potato at gravy kaya bearable pa rin kung tutuusin. Naubos ko eh. Haha. Hindi naman ako choosy unless gulay ang pinag-uusapan.

--x--

THINKING OUT LOUD!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin