I'm mad at you pero ang hot mo pa rin

162 0 0
                                    

Fallacy du jour: Potatoes have skin, I have skin, therefore, I am a potato

===

Alam mo 'yung feeling na sa tingin mo umokey ang buhay mo noong wala ka nang lovelife? Walang crush, walang obsession, walang chuvachuchu na inaatupag aside from friends, family, school, and other chubaekek na walang konek sa love life.

Tapos nung akala mo ok ka na, biglang mag-pa-pop out sa facebook news feed mo ang isang post ni crush.

Mapapatingin ka sa profile picture nya, at ika'y mapapa-NGANGA...

"Oh shiyeeeet, ang GWAPO na pala niya ngayon!!!"

Which means, back to stage 1 for you. Sort of. Crush mo nanaman siya? I wish you the best of luck in your future endeavors.

===

Ako 'yung tipo ng tao na laging online sa facebook pero magbabasa lang ako ng laman ng news feed in the wee hours of the morning, kung kelan ang tumal-tumal na ng updates. Parang trip ko lang i-share 'to, kasi may gusto rin akong i-share na experience ko.

Kung 'yung crush mo, online pa rin kahit madaling araw na, na-experience mo na bang magparamdam sa kanya? As in 'yung mag-la-like ka ng 394892 photos at mag-co-comment sa 23847 posts, baka mag-status update ka pa, para lang mapansin ka ng crush mo?

Ikaw: HELLO, CRUSH, GISING PA AKO, I-CHAT MO NAMAN AKO.

===

UNPRETTIER GOES TO THE SALON

So, nagparebond ako kahapon. Pagkatapos nun, bigla akong napanganga. Syet, dapat nagpagupit muna ko bago magparebond. Paano na ang pangarap kong magmukhang babaeng CM Punk ('yung medium long hair niya nung 2006, ang ganda nun) kung mas mukha akong Pilipinang Rapunzel?! Well, nakalimutan ko kasi na pag nagpagupit ka after the rebond, magiging sabog-sabog na ang buhok mo. Anyway, nakalimutan ko rin 'yun dahil masyado akong busy sa paggitgit ng ngipin sa hapdi ng paghila sa buhok ko habang pinaplantsa. It's like getting your hair stuck sa paper shredder. Kulang na lang makalbo ako sa lakas ng hatak nung nag-aayos. And speaking of kalbo: muntik na ako makalbo nung 1st year HS ako. Why? Kasi nung gumagawa kami ng props, malapit ang ulo ko sa kandila (tanga) at biglang nasunog 'yung buhok ko. Hey, at least nawala agad 'yung apoy, at hindi lang gaanong magkapantay ang left and right sides ng buhok ko. At least hindi sagad ang pagkasunog, baka magmuka pa akong Sandara Park. You know... 'yung hairstyle nya ngayon. Half-kalbo. Whatchamacallit.

Also, handa na akong makatanggap ng... ehem... "constructive criticism" in regards to my hair pagdating ko sa school bukas.

Unprettier: (naglalakad)

Girl 1: Hi, Unprettier, bagay sa 'yo buhok mo.

Unprettier: Salamat, bukas na autograph at pa-picture.

Girl 1: Yeah, bagay talaga sa 'yo ang rebond. Na-e-emphasize ang katabaan mo.

Girl 2: Unprettier, bukod sa buhok mo, ano pa ba ang naprito sa salon kahapon? Baka brain cells mo, naprito rin. That is, kung meron kang brain cells.

To be honest, pagkatapos kong makita ang sarili ko sa salamin, parang pinagsisisihan ko na ang pagpaparebond. Parang gusto ko 'yung dati kong buhok. Sabog-sabog, mukha akong rakker.

Bakit hindi sila mag-imbento ng "insta-rebond" o "insta-sabogbuhok" na hair conditioner or something? Para makapag-palit-palit ako ng hairstyle. Just apply the hair conditioner to your hair, and, voila, instant makeover... anyplace, anywhere, anytime.

===

Trending na trending ang "Facundo Meme" o kung ano man ang tawag nila dun. 'Yun nga lang, more fans=more original content, at more original content=more corny jokes.

Nag-umpisa iyon sa isang picture ni Donya Angelica Santibañez (basta sa Marimar 'yun) mula sa astig na FB page na Anyare? (facebook.com/anyarenews) na may caption na:

FACUNDO, NILALAMIG AKO

MAGSUNOG KA NG MGA ALIPIN

Kaya nung naging trending 'yun, marami-rami na ring mga tao ang gumawa ng kung anu-anong memes tungkol dun. At kadalasan... corny. TULAD NITO:

1.) FACUNDO, TINATAMAD AKO... UTUSAN MO SI PNOY

2.) FACUNDO, WALANG BIGAS... PENGE DYAMANTE ISASAING KO

Well, wow. Comedy at its finest. Just saying LOL.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now