Y regreso aquí otra vez y comienzo

32 0 0
                                    

2:53 AM

Garapata? On my bed? ANAK NG PASTILLAS DE LECHE SAAN NANGGALING 'YAN? What the quack, umakyat 'yung garapata nung aso namin mula sa 1st floor papunta sa bedroom sa 2nd floor? Hindi man lang siya kumatok! I am appalled! How dare he. Kung lalake man siya. Whatever.

Minsan talaga matatanong mo na lang eh - "Mama, papa, bakit po ba ginawa ni God ang mga garapata?" - galing daw kasi 'yun kay satanas, hindi kay God. Pampa-belated Merry Christmas daw niya. Damn gurl.

--x--

"Due to the integration of the brand-new feature, 'Story-Wide Tags', the tags from each chapter became doubled. There is no way of deleting old, unwanted tags."

Nakita ko sa Wattpad Support. Nag-send kasi ako ng support ticket sa kanila nung isang araw. Akala ko nasagot na ang query ko, tsaka ko na-realize na ako pala nagsulat niyan. THAT is my support ticket.

Unprettier... you've come a long way, maybe. Hindi ko ma-fathom na ako pala nagsulat niyan. Dati-dati lang eh hindi ko pa alam na mali pala ang katagang "YOUR WELCOME" (at sa lahat ng ngayon lang nakaalam nito - you're welcome). You've surely come a long way - yet you've got a long way to go?

===

Mayroong ibinili sa akin 'yung nanay ko. De-USB na ilaw. Mukhang glow stick pero ilaw nga lang, may tangkay na mukhang straw... bakal nga lang. Useful siya kapag may gusto kang gawin sa harap ng laptop mo pero tinatamad ka magbukas ng ilaw. Kumain, gumawa ng assignment, maggupit ng kuko, magsulat ng poetry; name it - you can probably do it! Naks.

===

SEENZONED

Regarding this Facebook feature - does it do more harm than good? Kunwari mag-me-message kayo sa isang tao.

Friend: Natanggap ko na 'yung ipinadala mong pantanggal-ng-buhok-sa-ilong-inator3000. Salamat!

 Sa sitwasyon na ganito, useful ang "seen by" na feature. At least alam mong natanggap na ng kaibigan mo 'yung kahiya-hiyang gadget na ipinadala mo sa kanya. Isa pang sitwasyon:

Friend: Darating nga pala mamaya sa tambayan natin si Cucaracha Kukaburecha, nanay ng tita ng pinsan ng kapatid ng kapitbahay ng kabit ng tatay ng utol ko mula sa Quebec. Magluto ka nang maaga!

 Dito makikita nating "mabuti" ang kalalabasan ng pagka-seenzoned ni Friend. Malalaman niya kung nabasa na agad ni kumpadre 'yung message niya. Olrayt!

Friend: Ung group project natin hindi pa maumpisahan dahil wlang may initiative na mag-umpisa. I need your help. Kailangan na mag-brainstorm within this week, pls. reply asap if u see this

 Ngayon sabihin nating SEENZONED si friend ngunit hindi naman nag-reply 'yung mi-nessage niya. Dafuq? Eh leche, puro kasi Candy Crush at paggala ang inaatupag ng mga ka-group niya eh!

Sa Facebook groups, nagkakaroon din ng sitwasyon na ganito.

POST NI CLASSMATE SA FACEBOOK GROUP NG SECTION NINYO:

"Ano po assignment? Absent po ako kahapon eh, reply asap pls"

Tapos hindi ninyo papansinin. Pero mayroon nang "Seen by 42" doon sa lower right nung post after 3 minutes. Ano, ganyan tayo eh.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now