Yo he estado aquí muchas veces antes y regreso

35 0 0
                                    

Getting more and more emo as time goes by. Ano ba 'yan! Kung concert ang journal na 'to, nag-alisan na lahat ng nasa audience. :P Anyway, happy holidays nga pala.

--x--

Tiningnan ko 'yung Non-Fiction section ng Wattpad kanina in hopes of finding a legitimately interesting story. Puro "book cover shop" lang ang nakikita ko. So may ganyan pala. Hmm, alright. Taga-bundok ako at ngayon lang ako nakalabas ng kweba ko so this really is interesting to me.

===

'Di ko pa yata naikwento ito, pero last October something-something 2012, baka October 6, I can't be too sure... nagkaroon kami ng Fun Run sa school. Intramurals kasi noon.

Sabi sa amin ng P.E. teacher namin, kapag sumali raw kami sa fun run, hindi na kami mag-te-take ng Periodical Test, or Periodic Test, whatever it's called sa P.E. so ansabe shet, WOOHOO! Halos lahat ng mga kaklase ko nag-sign up na. Fun Run, it is! Halatang tamad mag-aral.

Halata ring uto-uto, kasi huli na nung nalaman naming wala naman pala talagang Periodical Test sa P.E. noong quarter na 'yun. Jusmio, trip na trip mang-uto ng mga teacher. Tulad na lang nung sinabi sa aming magkakaroon pa rin ng regular classes 2 days before the Acad. Sinabi lang pala sa amin para pumasok kami [for the practice]. Sayang. Dala-dala pa namin mga libro at notebook namin pero mag-pa-practice lang naman pala. Muntik ko nang ihagis lahat ng laman ng bag ko sa labas ng bintana.

Anyway, balik dun sa Fun Run. Pwedeng pumili ang mga High School students kung gaano kalayo ang tatakbuhin nila: 1.5 km, 3.15 km yata? 800 m para sa mga kiddies, ang daya! Bakit hindi pwedeng tumakbo ng 800 m ang mga High School students?!? We're people too, you know! :(

3.15 km ang pinili ng mga sumusunod: mga kaibigan ko, mga kaklase kong hindi ko kaibigan, pretty much everyone else in the high school department. Aw shucks. Peer pressure shet. Hindi ako nagpapa-apekto diyan pero PAANO KUNG WALA AKONG KASAMANG TUMAKBO?!?

So napa-register ako sa 3.15 km ng 'di oras. Awtsu papi.

On the day of the Fun Run itself, maaga kaming pinapunta sa school. 5:00 AM siguro 'yun? So maaga ring nanundo ang service, malamang. Ang chill nung atmosphere kapag bumibiyahe ka ng madaling araw, honestly. 'Yung mga pinapatugtog sa radyo parang pampatulog lang eh. "Vanilla Twilight" ang naalala kong pinatugtog sa radyo noon, nakalimutan ko na 'yung iba.

Pagdating sa school, hmm, 4:45 AM, syempre parang lilimang tao pa lang yata ang nasa grounds para sa assembly. Such sipag. Much wow. Malamang na-delay nanaman ang assembly. 5:00 ang sinabi, 5:30 na lang nangyari.

Nagdasal muna kaming participants sa Fun Run, tapos 'yung teacher na nag-a-announce sa LRC ('yung parang dambuhalang balcony sa 2nd floor kung saan tumatayo ang mga nagpapa-bayang magiliw kapag flag ceremony), ipina-warm up muna kami. Ipina-exercise kami to the tune of Moonlight Jagger... este Moves Like Jagger daw. Parang mas matagal pa 'yung warm-up kesa sa actual Fun Run.

5:45 AM siguro kami tumakbo. Dun dun dunnn... todo effort kami sa pagtakbo! Napagod na ako after 2 minutes. Mayroong mga stopover na water station kuno, ang astig! Nagpapamigay din sila ng libreng kendi at iced tea. Woohoo, so cool! Parang puro lakad na lang ang ginawa ko matapos nun kasi mahina resistensya ko. At oo, na-tempt akong tumawag ng tricycle.

Running mates - may kasama kami noong mga lalake galing sa kabilang section. Nauna sila sa amin ng kaunti, tapos nawala silang parang bula. Tinext ng kasama kong isa. Sabi nila, "wala, panalo na kami, 1st si friend #1, 2nd si friend #2, 3rd si friend #3". Tapos nalaman naming nag-stopover din pala sila. Sa bahay ng isa nilang kasama. Binigyan pa ata sila ng panghimagas nung nanay nung kasama nila. Wew! Saya ng buhay nila.

Naglakad na lang kami hanggang makabalik sa school na nagsilbing "finish line". 'Yung 3.15 km kasi na 'yun, parang inikot lang namin 'yung route papunta sa school? Sa school nag-umpisa, sa school din natapos. Dumaan pa kami sa highway. Tsaka sa isang remote village. Parang field trip at ikaw ang bus. Pero teka hindi naman naglalakad ang bus ah. Tumatakbo in a sense, but not with feet... forget it.

Pagbalik namin sa school, may mga nag-ae-aerobics na mga teacher at parents. Cool! May mga 4th year pang sumabay sa kanila. Nagpapamigay 'yung student council members ng tubig at pocari sweat (na lasang sweat nga pala talaga, 2/10 would not drink again).

Bumili ulit ako ng Korean Ice Cream pagkatapos noon. At marunong na akong mag-Korean ng kaunti ngayon kaya ALAM KO NA ANG PANGALAN NG ICE CREAM: Lotte (롯데) Pig Bar (돼지바)! At bago kayo masuka, hindi pork-flavored 'yun.

Little Korean lesson by your barok-barok teacher Unprettier:

롯데 돼지바 = LOTTE PIG BAR

"롯데" (Lotte) - kung babasahin niyo 'yan according to spelling, "Losde" ang lalabas, pero in Korea, kung ang "s" (ㅅ) ay nasa final position (as in last siya dun sa syllable whatchamacallit), "T" ang basa sa kanya. At doon naman sa "de", pwede rin siyang basahin as "te" dahil pareho lang ang basa sa D at T sa Korea (as far as I know). Therefore, Lotte. Ang "Lotte" na pinag-uusapan dito ay: Lotte Confectionery, isang South Korean company na gumagawa ng... confectionery? O_O Sa kanila rin kaya 'yung amusement park na Lotte World? Hahahahaha! But as Wikipedia states, kasama ang Lotte Confectionery sa "Lotte Group", hindi na ako mag-e-elaborate, mauubos oras natin.

"돼지" (dwaeji/doaeji) means "Pig". And "바" (ba) means... um... "Bar". No kidding. Koreanized lang 'yung English word na "bar", kasi you know, in Korean, nag-re-rely sila sa pronunciation rather than the actual spelling of the word, unlike in Russian wherein it works the other way around (as far as I know).

Balik sa ice cream: hindi ko lang alam kung bakit siya tinawag na "pig", pero shemay ANG SARAP!!! Popsicle siya, vanilla ice cream na CHOCOLATE-COOKIE COATED!!! At may strawberry jam sa loob! HUWAAAAW!!!

Nangyari 'yan noong Day 3 ng Intramurals 2012. Noong 2013, walang Fun Run pero marami ring nangyari. Kung curious kayo (oo na lang) kung anong nangyari noon, maaring basahin ang chapter na "mass hysteria".

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now