May exam kami bukas

93 0 0
                                    

Kung 4th year high school na kayo ngayon o lagpas na kayo sa 4th year, alam niyo na siguro kung ano ang mangyayari ngayong weekend na 'to (uyy, inside joke).

Okay... may entrance exam ang mga nasa 4th year high school ngayon na gustong mag-aral sa UP next school year. Merong UPCAT. Andun ako sa isa sa mga test center (name witheld) sa weekend, libre lang ang pa-fansign pero tumatanggap din ako ng chocolate [audience: BOOOOOO!!!!!!!!!]. Anyway...

Nabasa ko nung isang araw 'yung article sa Inquirer na "Only a few days before the UPCAT - are you ready?" ni Kirstin Bernabe (mula sa Page F1, Learning Section. July 30, 2013 edition).

Listahan! Tips! Yehey! Naisipan ko ring gumawa ng sarili kong listahan.

AT BABALA: Some of these tips are from my classmates, not me. Kaya alam niyo na kung sino ang dapat sisihin...

MGA DAPAT GAWIN BAGO MAG-UPCAT by Unprettier... and classmates

1. Kumain ng almusal. Iwasan ang masyadong maraming carbohydrates at protein dahil nakakaantok ito, iwasan rin ang masyadong maraming asukal dahil nakaka-hyper. Not sure if that's a good thing.

Noong 3rd year ako, kumakain ako ng "trail mix" bago mag-exam. Bale ang laman niya ay blueberries, walnuts, raspberries, at white chocolate yogurt (wtf) chips. At kahit na lasang bleh, baka nakatulong naman siguro. Iba pang pamahiing sinusunod ko bago mag-exam:

- huwag gugupitin ang kuko bago matapos ang exam

- chewing gum!!!

- mag-aral ng mabuti.

Balik sa pagkain. Balita ko "brain food" (hindi literal) ang cereal or oatmeal na may prutas. Try mo baka gumana.

2. Pwedeng magdala ng pagkain, pero snacks lang naman. Huwag magdala ng isang buong lechon, iced tea fountain, o eat-all-you-can buffet... unless gusto mong maging suki sa CR.

3. NO CRAMMING!!! Mag-aral ilang oras bago matulog o bago mag-exam para fresh pa rin sa utak ang ni-review. AT!!! Siguraduhing hindi ka inaantok habang nag-re-review.

4. Believe in yourself. Depende raw kasi sa mindset mo 'yan. Stay positive, keri itech.

5. MAGDASAL. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

6. Double-check your things. Parang 'yung tipong naiwan mo pala 'yung bag mo sa kotse tapos pumunta ka sa test center tapos ang dala mo lang ay CELLPHONE?!?

7. GISING-GISING. Morning session ba ang iyong test? Sampalin ang sarili para magising. Joke lang. Pero stay alert.

Para sa mga afternoon session, don't be late. 'Yung tipong 30 minutes ka nang late dahil hindi pa tapos gawin 'yung Mocha Frappuccino mo. You don't do that to me.

Huwag kumain immediately before the test. Parang kunwari mga 30 minutes bago magsimula e mayroon ka pang tapsilog at kalat-kalat na ketchup sa mukha mo. Ayus lang ba 'yun? Hahaha ewan.

Kung kakayanin mo, mag-exercise ng konti sa bahay or sa whatever bago mag-exam para mag-circulate ang dugo mo ng mahusay. Para smooth ang pagtakbo (again: HINDI LITERAL) ng utak mo, mag-exercise. Kahit konting treadmill or cardio or 400kg bench press.

8. Magsuot ng relo. Para lagi mong ma-check kung gaano ka na lang katagal manghuhula ng sagot.

9. Huwag tularan ang listahang ito. At lalong huwag tularan si Unprettier dahil ginagawa niya ang listahang ito instead na mag-review. [A/N: Swear, mag-re-review na ako mamaya...]

--x--

Konting dagdag...

Biglang pumasok 'yung commandant namin sa CAT kanina sa classroom. At habang biglang nagtakbuhan ang mga kaklase ko pabalik sa upuan, nagbigay si SIR COMMANDANT ng tip sa amin. Ito lang ang sinabi niya...

Huwag ma-te-tense. Kung panay ang review ninyo pero tense kayo, hindi rin kayo makakapagsagot ng maayos. Relax!

Tapos umalis na si sir sa room.

--x--

At uulitin ko lang: GET A GOOD NIGHT'S SLEEP.

Huling araw na ng periodic test namin kanina, at isang subject lang 'yung tinake namin kanina. Physics (o "p6" sa mga pa-jeje kong kaklase).

Seryoso, tuwing bubuksan ko 'yung notebook ko, mahihikab ako. Sinubukan kong mag-review on the way to school. Lahat ng ka-service ko, nag-re-review; samantalang ako, tulog.

Pero nasagutan ko naman 'yung test kasi nakasingit ako ng konting aral bago mag-umpisa 'yung test.

Ayun lang... good luck sa lahat.

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon