Ikaw ay nabubuhay sa mundo hindi para maging masama kundi para magpakabuti

272 3 3
                                    

Una sa lahat at hindi sa huli, aalis muna tayo sa humor genre ng kwentong ito para sa isang Public Service Announcement.

---

Bakit nga ba tuwing may babaeng hindi kikay, tatawagin siyang weird? At bakit naman kung may babaeng fashionista at super girly, tatawagin siyang maarte? Bakit hindi na lang natin tanggapin ang isa't-isa?

Ako, hindi ako gaanong girly, pero hindi rin ako masyadong boyish. Gulo, 'no? Baka 50% ganito at 50% ganyan. Or whatever. Mahilig akong magsuot ng cute na damit... pero t-shirt o blouse at pantalon lang ang kadalasan kong suot. Nag-pa-powder ako, nagsusuklay at minsan nagtatali ng buhok. At alam ko. ALAM KO na marami pang babae ang ganito rin. Pero hindi ako 'yung tipong pupunta na lang sa school, naka-lipgloss at blush-on pa. Hindi ako ganung ka-girly. Kung ganito man kayo, oks lang 'yun sa akin. Walang basagan ng trip. Hindi ako umiinom ng alak at naninigarilyo, pero hindi ko naman minamaliit ang mga taong umiinom at naninigarilyo dahil trip nila 'yun. Basta wala silang nasasaktan, ayus lang. Pero sana ganun rin ang pagtrato nila sa akin. Hindi 'yung tatawagin kang "duwag" o "KJ" o "weird" dahil ayaw mong makipag-inuman sa kanila o dahil hindi ka fashionista.

Mayroon ako noong narinig... "kung hindi ka naka-braid, hindi ka tunay na babae!". WTF? Dude, you have the right to have your own opinion, but your opinion is wrong. Hindi ako mahilig magpa-braid. So what? Lalake na ako kung ganun? Fak! Hello, masisira ang rebond ko... este... sana matuto silang tumanggap ng katotohanan na hindi lahat ng tao sa mundo ay kagaya nila.

Kung sinabi ko sa inyong gusto ko ng world peace, siguro pagtatawanan niyo ko. "ASA KA PA! Never mangyayari 'yan". Pero kung lahat tayo ay magkakaroon ng dangal at matinong pag-iisip, siguro magiging mas "maliwanag ang buhay" (hi Meralco, hindi ko kayo in-e-endorse).

Kung matututo tayong tumanggap ng isa't-isa, gaganda ang mga pamumuhay natin at pwede na nating kantahin 'yung kanta ni John Lennon: You, you may say I'm a dreamer/ but I'm not the only one/ I hope some day you'll join us/ And the world will be as one.

Peace out...?

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now