Sana birthday candle ka na lang para habang pinapatay kita nagpapalakpakan sila

81 0 0
                                    

A/N: Ladies and gentlemen, the anniversary chapter: nakalimutang i-publish edition. Shems!

--x--

HAPPY ANNIVERSARY SA KWENTONG ITO!!!

Sa totoo lang hindi ko alam kung kelan ko 'to inumpisahan e. Pero naalala ko pa rin na mga comment tungkol sa mga commercial lang 'yung nilagay ko sa earlier chapters nito. Tsaka pagtulog sa banyo bago pumasok sa school... pero hindi ko na 'yun ginagawa (...yata) ahh anak ng kalabaw HINDI KO NA MAALALA.

Anyway, gagawin ko ngayon ang hindi ko nagawa noong nag-umpisa ang kwentong ito. Self-introduction.

....

Ako si Unprettier ang bebe niyo, mahilig ako sa french fries at kwek-kwek at garlic bread. Sinubukan kong maging vegetarian noon pero huli na ang lahat noong maalala kong hindi nga pala ako kumakain ng gulay. Hindi ako fashionista, au contraire.

Nagsimula ang kwentong ito dahil gusto kong mag-share tungkol sa mga naririnig kong commercial sa radyo at dahil alam kong nabwibwisit na ang mga kakilala ko sa akin dahil apakadaldal ko kapag kasama ko sila so ayun lang.

--x--

COMMERCIAL!!! Sa ngayon e hindi pa kami makakinig sa radyo dahil hindi nagpapa-radyo ang service namin (bago na service namin, wala na 'yung luma huhubels) at dahil ang ingay-ingay namin (by namin I mean "ako"?...) sa service. Kaya 'yung mga adverts na lang sa TV ang pagtuunan natin ng pansin.

...

'Yung commercial ng McDo. 'Yung kumakantang wallet. Nabwibwisit dun 'yung kapatid ko. Oo alam kong luma na 'yun. Minsan ko lang napapanood 'tong ad na 'to dahil hindi naman ako gaanong nanonood ng TV. Basta kumakanta 'yung wallet ng "I've got nothing at all" yata. Walang kwenta akong narrator.

...

Tapos 'yung bumubulang halimaw ng Surf. Nakakatawa kasi ang cute nung halimaw na 'yun at kung gumawa ang Surf ng bumubulang halimaw na stuffed toy e bibilhin ko talaga pero lol wala akong pera.

...

Tapos 'yung commercial ng JOY dishwashing liquid. 'Yung "sebulok". Sa totoo lang mukhang mozzarella cheese 'yung mga sebo. O baka gutom lang talaga ako... walang kwenta akong narrator.

===

Brochure. Booklets. Hand-outs.

Maraming nakakalat na ganyan sa bahay at ako ang may pakana.

Sangkatutak na brochure, booklets at hand-outs galing sa... Nestlé Cream, Walter Mart Supermarket, SM Supermarket, Knorr Cubes, Baking Powder na nakalimutan ko na ang brand, mga laruan galing sa Singapore, Alaska Condensada, Corned Beef, Mama Sita, Taco Bell, Burger King, Yellow Cab Pizza, KFC, Jolibee, Starbucks, BBB Burgers, Matress na nakalimutan ko na ang brand, Mga Tourist Spots sa Manila, Mga Tourist Spots sa Singapore, at... marami pa. Pero karamihan diyan ay naitapon na dahil "basura" lang daw 'yun at kalat sa bahay. Ay awtsu.

===

Nakalimutan kong ikwento 'to rito noon. May 11, 2013 yata nangyari 'to, 'di ako sure.

Edi papunta kami nung mga ka-service ko sa summer class namin. Tapos, biglang may humarang na parada nung pulitikang kakagaling lang sa isang high-class na subdivision.

'Yung mga nangangampanya ay nagsimulang magbato ng kendi.

Sumigaw kami ng "DITO!!! DITO KAYO MAGBATO!!!" pero... 1.) Hindi kami maririnig nung mga nagbabato ng kendi dahil tatlong kotse at isang truck ang layo namin sa kanila at 2.) Nasa loob kami ng sasakyan. Mabibigyan ng kendi ang windshield, hindi kami. Hindi kumakain ng kendi ang windshield.

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon