The Girl Who Destroyed The World

39 0 0
                                    

3rd Periodic Examination - dahil wala na akong maisulat na matino.

DAY 1 [2014-01-16]

May tanong dun sa test namin sa physics na "In a series circuit, a 1.0 A current flows through the wire. If the resistance in the first resistor is 24 Ω, how much current flows through the 2nd (6 Ω) resistor?". If I (current) is V (voltage) divided by R (resistance), paano mo ito ma-so-solve kung wala namang given na voltage? Para ka na ring sinabihan ng "kung mayroon akong limang pakwan sa kaliwang kamay at labinlimang mansanas sa kanang kamay anung apelyido ni sisa" o "pour salt in your vinegar to boil your coffee faster"... huh?!?

At naalala ko na trip nga pala nung teacher namin sa physics na mangtrip pagdating sa problem solving. At constant lang ang current sa series circuit, therefore, walang kailangang i-solve. Mga 10 minutes rin siguro akong nagmuni-muni at tumitig sa bintana bago ko ma-realize iyon.

[A/N: Pagkatapos kong i-type ito, tsaka ko naalalang pwede nga palang mahanap ang voltage sa pamamagitan ng paggamit ng Ohm's Law wherein it states that V=IR. Congratulations author, bangag ka na. Wow. Such knowledge. Much inspiration. Wow.]

---

DAY 2 [2014-01-17]

So nag-exam kami, yadda yadda yadda, walang nangyaring interesting.

Pagkatapos ng exam, sabi nung adviser [na math teacher din] namin na i-re-review daw niya kami ulit sa math. Yehey! So mga 9 siguro kami roon (ironically, kaming mga nasa Top 15 ng klase ang nagsumikap umattend sa review, gumala lang ata 'yung iba). Bale mga 11:30 na 'yun nag-umpisa tapos 12:00 darating 'yung service ko. Maya-maya, may mga dumating na others... este, mga taga-ibang section. Soon after, mayroon namang dumating at umattend galing sa star [section], ka-service ko 'yung isa sa kanila. Tapos habang nag-re-review kami, binigyan ako nung kaklase ko ng coupon ng McDonald's. Hindi ko alam bakit. Pero syet, "33 pesos off" sa 2-piece chicken meal. Woohoo!

Ang chill nung atmosphere nung nag-re-review kami. Siguro dahil wala 'yung mga @#$% kong kaklaseng maiingay (na ang ginagawa tuwing math ay ang pagsusugal gamit ang calculator OO POSSIBLE 'YUN). Sa sobrang chill nung review... hindi ko mamalayang 20 minutes na pala akong late sa service. Anak ng pastillas de leche.

Edi kami nung ka-service ko na kasama sa review, nagpaalam na kay miss tapos tumakbo na kami papunta sa labas... ng school. Mabilis pa namang tumakbo 'yung ka-service ko. Ako, hindi.

However... however! Pagdating namin sa service, hingal na hingal sila servicemates. Hinabol ba sila ng kalabaw? Well, tinanong ko kung ano ang nangyari sa kanila. Hinabol daw pala nila 'yung "pick-up truck ni Valerie Concepcion". So ganito ang nangyari: Bumibili sila ng donut tapos napansin na lang nila na biglang nawala si servicemate #1. Hinabol daw pala 'yung pick-up kung saan nakasakay si Valerie (pupunta raw siya sa Sports Complex para mag-bingo. At oo, seryoso ako). Hinabol... hinabol... nag-"hi" naman daw sa kanila si Valerie. Tapos umuwi na kami, at sira ang aircon sa service.

---

DAY 3 [2014-01-18]

Ang unang subject sa ikatlong araw ng pagsusulit... "basic math". DAW. Kung sino man ang nagsabing "basic" ito, $#*& ka. Joke, labyu. Pero ayun, 'yung mga kaklase kong nagmamagaling pero walang maisagot, nag-ingay at nagpapansin na lang. Tapos 'yung nasa likod ko, tayo ng tayo dahil tinitingnan 'yung mga sagot ng mga katabi ko (hindi niya ako makopyahan, baka gusto niyang hiwain ko 'yung mata niya gamit ang blade ko?) and it irks me. Inisip ko na lang na wala siyang patutunguhan sa buhay paglaki niya, iiwan siya ng mga mahal niya sa buhay, at masasagasaan siya ng 10-wheeler truck.

THINKING OUT LOUD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon