Buti pa ang gasolina nagmamahal pero 'yung iba dyan hindi

203 2 1
                                    

Una sa lahat, official announcement muna: wala akong lovelife. "So what?" sabi ng reader ko. E ganito kasi: mas ok na ako simula nung nawala ang aking admiration sa isang macho gwapitong hindi ko na papangalanan. Macho gwapito man siya, wala pa ring tatalo sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng mga mahal natin sa buhay, I guess...

Wala na akong iniisip habang lutang sa classroom.

Wala nang kilig vibes pag dumaan ang section nila sa harap ng classroom namin.

Wala nang inspiration para sa Iskul Tukmol. (ok inaamin ko 50% fiction lang 'yun!!!)

Wala nang macho gwapito na laging nasa isip ko tuwing naririnig ko ang salitang "love".

Hindi na ko nakaka-relate sa mga love-related GM na pinapadala sa 'kin ng mga friends ko.

Hindi na rin ako maka-relate dun sa mga pinapadala kong love-related GMs, kung meron man.

at higit sa lahat

Ag hirap makipag-agawan sa mga fangirls ng lalaking sinusubukan kong maging crush - for example, Daniel Padilla.

===

May tanong ako dun sa mga taong mahilig mag-promote ng story nila sa mga taong di nila kilala: Ba't nyo ginagawa 'yan? Ano 'to, popularity contest? Balak mo bang maging Ms. Universe ng wattpad? Okay sana kung isa ako (kami?) sa mga fans mo e, 'yun nga lang kung kani-kanino ka lang nag-po-post. Stop shoving your crap down our brains. Ganito kasi 'yun...

MESSAGE NI PAPANSIN_GIRL:

Ui, http://wattpad.com/666666666-ms-conyo-meets-mr-jejemon Story ko. Basahin mo kung may time ka, kung wala, de wag :P Edi sana basahin mo! Hihintayin kita dun :****

SA TINGIN NI PAPANSIN_GIRL, GANITO 'YUNG DATING NG  MESSAGE NYA:

Hello fans and soon-to-be fans, http://wattpad.com/666666666-ms-conyo-meets-mr-jejemon-best-story ever Story ko 'yan mwah mwah. Basahin mo kung may time ka, kung wala, wag na lang kasi alam kong nakakahiya naman sa 'yo :P Edi sana basahin mo! Hihintayin kita dun :**** :) ;)

SA TINGIN NAMIN, GANITO 'YUNG DATING NG  MESSAGE NI PAPANSIN_GIRL:

Hey beeyotch, http://wattpad.com/666666666-ms-conyo-meets-mr-jejemon-best-story-ever-daw-ito-sabi-ng-nanay-ko Story ko 'to. Basahin mo kung may time ka, kung wala, de wag, kasi alam kong na-i-insecure ka kasi kahit mas bata ako sa 'yo e mas magaling ako gumawa ng story :P Edi basahin mo na nga kasi! Hihintayin kita dun. PANSININ NYO KO PLEASE TSAKA FOLLOW MO NA RIN AKO SA TUMBLR (http://swa6-h0tti3-69-420.tumblr.com) AT SA TWITTER (@s3xy420_swaggie69) PLEASE PANSININ NYO KO, I'M LIKE TINKERBELL - I NEED FOLLOWERS TO LIVE! FOLLOW ME OMG t(^_^t)

Hi, sa tingin ko, ok lang mag-promote, basta siguraduhin mo lang na 'yung taong pinag-pro-promote-an mo e fan mo o di kaya kaibigan mo in real life, kasi kung hindi mo kilala 'yung iniistorbo mo, baka mabwisit sila, or worse, baka makasama ka pa dun sa story nila - as an antagonist.

===

Nagsimula ulit ako maglaro ng Sims Social sa Facebook, at bigla kong naalala kung bakit ako tumigil sa kalalaro nun noon. Una sa lahat, 99.9% yata ng Facebook games ay merong mga ganitong trip. 

"IT'S ALMOST CHRISTMAS! ASK 25 FRIENDS TO SEND YOU SNOWFLAKES"

"SANTA WON'T COME TO FARMVILLE UNLES YOU INVITE 26 FRIENDS TO PLAY CATCH SANTA ON FARMVILLE TODAY"

"YOU NEED 27 OXYGEN ATOMS TO BREATHE, ASK 27 FRIENDS FOR OXYGEN ATOMS"

"YOU NED 23894983274 FACEBOOK CREDITS TO FEED YOUR PET, BUY 23894983274 FACEBOOK CREDITS BEFORE YOUR PET DIES"

Tsaka bakit hindi pwede i-skip 'yung mga tutorial sa Facebook games? Minsan kasi nakakainis na e, haha el oh el. Ok lang 'yun kung mahirap talaga laruin 'yung game, pero pati ba naman pag-click sa "START" button kailangan pang gawan ng tutorial?

Kung naglalaro kayo ng Sims Social, siguro kilala niyo si Bella. Basta sya 'yung babaeng daldal ng daldal tas puro utos pa, 'yung "ask your friends to send you blah blah blah" etc. kaya marami sa mga players nila ang nainis at sumuko na. Tapos 'yung bahay niya, sandamakmak na borloloy at chechebureche, puro decorations, pasikat, nag-crash pa 'yung browser ko dahil hindi na keri ni Google Chrome na i-load 'yung bahay niya, pwe!

===

Nagpapasalamat ako sa mga gumawa ng memory card ng cellphone ko dahil kung walang depekto 'yang produkto niyo, hindi pa siguro nadelete ang mga messages sa phone ko na pinadala ko o natanggap ko noong 2010. Salamat, Nokia, at least wala na akong dahilan para mabwisit sa sarili ko! Wala nang mababasa sila mom and dad! Ay, teka, GM nga pala 'yun... so ibig sabihin, natanggap 'yun ng mga sinend-an ko... at baka nasa cellphone pa nila 'yun... at baka 'yun ang pinagtatawanan nila pag wala silang magawa... Nokia incorporated,  kaya nyo ba i-delete 'yung mga text ko sa mga kakilala ko? Kahit 'yung mga text from 2010-2011 lang.

===

Pagkatapos ng matagal na panahon, tiningnan ko na 'yung tumblr blog ko. Andami na rin palang nawalang followers. 'Yung mga taong pag nag-follow e gusto niya na i-follow back mo siya. Mga taong mayroong "special snowflake syndrome", mga feeling special. Tiningnan ko 'yung mga blog ng unfollowers ko, at ganito 'yung mga self-introduction nila.

"Seventeen Years Old | Sexy Hottie | Bieberconda | Follow Me Back ♥ | I Will Unfollow Peoples Who Wont Follow Me Back Beeyotch | Fashion | I Drink Alcohol & I Smoke But I Dont Do Drugs Ew | Im Not Weird Im Limited Edition | I Hate Fake Peoples"

Ganyan ang mga laman ng blogs nila. Nakakasuya kung tutuusin dahil sabi ko nga, HINDI ITO POPULARITY CONTEST, MGA UNGAS. Pati dun sa group ng school namin sa Facebook, tambak na doon ang posts na "Follow Me Back On Twitter Ipopost Ko Pic Ko Dito Sa Group Na Ito For No Apparent Reason", "Copy And Paste This If You Love Jesus Ignore If You Love Satan", "Silicon Implants For Sale" at 'yung spam account na puro arabic 'yung posts, 'di namin alam kung sinong bangag ang nag-add sa kanya dun sa group namin.

===

I was playing a game on DeviantArt (a "dessert maker" thingy) and because I'm a dumbass when it comes to baking (or cooking in general), I looked at the comments, hoping to find some sort of walkthrough. I saw a few "hints" (heh heh)... however, a certain message has caught my attention.

A hate message.

A hate message... on one of the cutest games I've ever played. Like, whoa, that's like... calling an adorable shih-tzu puppy an ugly piece of shit. Hell, you know what they say: you can't please everybody. But please, if the only reason you're gonna comment is because you think the game creator is an idiot because she doesn't use JavaScript, then, I shall quote the great Chris Jericho: "Will you please... shut the hell up!". Stop showing off if you can't back it up...

===

Napakagago nitong chapter na ito, ang pinakaunang topic ay love, hindi ko alam kung paano napunta sa mga spam accounts ang usapan pero whatever, ayoko rin naman ng bad vibes pero kung badtrip ka mas ok na dito mo na lang i-post instead of, you know, ranting. Sa harap ng ibang tao. In real life.

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now