Walang title dahil wala akong maisip

85 1 1
                                    

“I think rather than being over-friendly at first, having a cold first impression and slowly making them realize that I’m not that cold is better.” - 정 제시가

“Nag-practice akong ngumiti sa harap ng salamin noon. Hindi ko magawa.” - Unprettier

Pero kung makikilala talaga ninyo si Unprettier, malalaman ninyo na 1.) Si Unprettier ay social butterfly, magaling magluto, kikay fashionista, at beauty queen; at 2.) Si Unprettier ay sinungaling. At sarcastic. (yes, #1 was a complete lie)

--x--

Habang gumagawa ng homework sa trigonometry at kumakain ng oatmeal, na-realize ko that yes, I am old in spirit yet young in the mind... or maybe it's the other way around...

Hindi naman sa hipster ako and all that chubaekek... it's just that minsan mas gusto ko pang maupo sa adults' table tuwing mayroong celebration ang mga relatives namin. Ewan, hindi lang talaga ako nagkaka-interes sa mga pagka-ewan ng mga bulilit na nasa paligid ko.

But don't get me wrong.

Ako pa rin 'yung tipo ng taong tumatawa sa joke na "anong tawag sa isdang hindi basa?". Dahil naniniwala ako na kapag ikinulob mo ang sarili mo sa iyong personal bubble of discipline and seriousness... mamamatay ka sa konsumisyon - dahil sa sarili mo.

Ngayon, kakatapos ko lang mag-research para sa thesis "namin" - nilagay ko ang "namin" dahil group thesis ito... dahil naawa ang teacher at pinayagan kaming magkaroon ng groupings para sa thesis.

Kanina habang nag-re-research sa school library, nabasa ko 'yung article sa Time Magazine (March 2006 edition yata) kung saan sinabi nila na may mga batang sobra-sobra ang pag-aaral sa ilang bahagi ng Asia.

Do they plan on turning the children of today into the "modern-day renaissance men and women" of tomorrow? In other words - "jack of all trades". With minds that could surpass a computer's "brain". Ganyan na ba kahalaga ang sobrang katalinuhan ngayon? Dahil anak, who needs relaxation if you could devote 98% of your life to studying?

Does intelligence equal to success? Usually. But is it the only factor for success? No.

Hindi naman sa ipinapalabas ko na "hey kids, ako nga pala ang teacher ninyong si Unprettier, at gusto ko lang sabihin na huwag na tayong mag-aral dahil hindi natin gagamitin ang karamihan sa pinag-aaralan natin later in life, MA-KI-BA-KA!!!"  dahil OO gagamitin natin ang ilan sa mga tinuturo sa atin kapag matanda na tayo.

And you know that hindi mawawala 'yung bias ng employers mo pagdating sa quality of education. Kung magbabsa 'yung employer ng resumé nung applicant, madalas na pagtutuunan lang niya ng pansin 'yung applicant na galing sa well-known university. As in, kung sikat 'yung school mo, tanggap ka na. At paano ka makakapasok sa sikat na university? Kailangan mong maging matalino in several fields, kahit na hindi mo naman magagamit 'yung ibang pinag-aralan mo in the future. You just have to deal with it.

Balik sa topic na job applications: kahit na magaling ka, kung hindi sikat (or worse, may bad rep) 'yung school mo, kadalasan hindi ka na mabibigyan ng pagkakataong ipakita ang talent mo. Hindi mawawala ang bias, ganun talaga.

Some of the secrets to succes - being ambitious, staying humble, working hard. Huwag kang mawalan ng bilib sa sarili dahil lang may mga taong mas matalino sa 'yo dahil mahahanap mo rin 'yung field of expertise mo. At bago kayo bumanat ng "you should work at McDonald's instead"... ang masasabi ko lang ay mas mabuti nang magtrabaho sa McDo kesa mamatay sa konsumisyon. Mmm, burger...

Kidding aside. Medyo naka-improve ng disiplina ang dictatorial study enforcement method na na-experience namin nung mga pinsan ko noong bata kami, albeit it would really give you eyebags. I think that I'm fine with my "lookin' youthful albeit thinkin' like an ahjumma" life. And if by "youthful" you mean "mukha na akong panda sa laki ng eyebags ko"... yes, I am youthful.

[insert High Expectations Asian Father meme here]

===

Thesis. Dahil bulilits pa kami (and by "bulilits" I mean "senior high school students"), by group ang thesis. 'Yun nga lang... absent kanina 'yung leader namin, umabsent rin 'yung isa pa sanang pag-asa ng group, at wala kaming mahanap na libro para sa bibliography. Laban o bawi?

Er, siguro I'm being melodramatic right now... hindi dahil sa baka bumagsak ako (I don't give a shit) ngunit dahil magagalit sa akin ang leader ng group, ang members ng group, ang teacher ko, ang magulang ko... Nakaka-pressure. Shet.

===

ANYWAY... 08/29/13

Kaninang umaga pumasok na 'yung leader namin. Parang kami na lang yata ang hindi pa nagpapasa ng bibliography kaya umaga pa lang sinubukan na naming umpisahan.

Ngunit halos walang libro sa library namin na tumutugma sa topic namin. Kaya lumipat muli kami... at pumalpak. Lumipat ulit. Pumalpak.

Noong lunch break namin, pumunta muli kami sa library para mag-research at mabwisit sa aming mga sarili. Handa na kaming sumuko at sumigaw ng "screw this, I'm outta here" ngunit mayroong na-suggest na libro 'yung kaklase naming kapangalan ni crush (correction: ex-crush). At... tanananantanan! Saviour. Mukhang may pag-asa pa kami.

Noong last subject namin para sa araw na 'to (at ito ang subject na nag-require ng thesis), nag-che-check na ng titles at nagkakaroon na ng title defense, samantalang kami ay nganga.

Anak ng tortang talong.

Medyo na-reject 'yung explanation namin dun sa title namin kaya inayos namin nang inayos. At noong dismissal... pina-check namin.

At. Natanggap. Ang. Title.

On the first try.

WOOOOOOOOOOOOOOHOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!

Salamat sa magaling naming leader, sa isa pang member na nag-supply ng papel, sa isa pa ring member na umabsent, at sa kalabaw english pronunciation ko... natanggap na kami.

The exact words the teacher said to our group: "that should do" (referring to the thesis title). Dahil sa mga tenga ng desperadong estudyante, ang "sige, ok na lang 'yan" ay equivalent na ng "ermahgerd ok ayos 'to, approved!".

Celebrate! Kaya pag-uwi ko, bumili ako ng milk tea tapos nagpamigay ako ng lollipop sa mga pinsan ko.

===

Kanina sa classroom, nakikinig kami ng balita doon sa karaoke machine sa classroom namin. Pagkatapos naman noon, nagbalak ang mga kaklase kong mag-soundtrip. Ang tanging FM radio station na nasagap namin ay 'yung nagpapatugtog ng '50s music. That will do, anyway.

Mami-miss ko ang high school.

--x--

THINKING OUT LOUD!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن