Citrus Green Tea at Skyflakes para sa mga pusong sawi

66 0 0
                                    

May bagong seating arrangement muli sa klase. Unsurprisingly enough, nahawaan nanaman ako ng sipon. Sa nanghawa sa akin ng sipon: leche ka. Sa BF ni BFF: salamat sa tissue.

--x--

How's the weather? Hindi mo maiiwasang mabasa ng ulan KAHIT NAKAPAYONG KA.

Thesis update: So medyo sabog ang thesis group namin, which I would lovably nickname as "Boss and the Three Idiots" (hindi naman idiot sina Unprettier at groupmates pero nakakatuwa lang pakinggan). Hindi ako nakagawa ng RRL on time dahil late na talaga kami nakauwi mula sa school at marami pa akong inatupag na ibang gawain, kaya ngayon galit na galit si boss sa akin. Oops... Anyway, kahit na sinisipon at may sinat ako ngayon, the show must go on. Nakagawa na ako ng 4 pages para sa RRL ng thesis na 'to. Umm... yehey?

===

No-drowse.

Sa pagkakaalam ko, ito 'yung mga gamot na kapag ininom mo e hindi ka makakatulog. But look at me! Nakatulog naman ako ng mahimbing kagabi. For 12 hours. Dahil ako ang Chuck Norris ng pagtulog (that comparison makes no sense whatsoever, but still).

And to think na minsan e nakakatulog ako sa harap ng computer... tutukan natin ang isa sa mga talent ni Unprettier: pagtulog.

-

SCENE #1: Umaga bago mag-umpisa ang klase, 1st year (2010). Mga 5:45 pa lang nasa school na kami, kaya mga 4:00 pa lang e gising na ako.

Classmate #1: Hi Classmate #2.

Classmate #2: Hello.

C#1: Hi Unprettier.

Unprettier: Hello.

C#1: O, kamusta na ba kayo?

C#2: Ayos lang.

C#1: Ikaw, Unprettier?

Unprettier: zzzzzzzzz....

-

SCENE #2: Sa jeep. Buti na lang may mga kasama akong gumising sa akin at buti na lang hindi ako nanakawan. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako pwedeng mag-commute papunta sa school o pauwi.

-

SCENES #3 & #4: Dalawang buong period noong 1st year - sa Math at sa isang subject kung saan may terror teacher kami. Hindi ko pa rin alam kung paano akong hindi nahuli.

-

SCENE #5: Sa banyo... habang naliligo.

-

SCENE #6: Sa school grounds... kasama ang libu-libong schoolmates... habang piniprito kami ng buhay sa init ng araw... habang dumadagundong sa sound system ang boses ng mga teacher na nag-a-announce ng winners para sa intramurals.

-

At marami pang iba. Honestly, kung may Bachelor of Science in Sleeping lang sa college, I'll wholeheartedly take it, without the slightest hesitation.

===

Umm... lumaban ako sa contest kanina. Academic siya, pero hindi ko sasabihin ang category dahil mabubulgar ang identity ko huehue.

So, malamang bawal makipag-usap habang nag-co-contest so I've let my face do the talking. Promise, natuwa ako sa sarili ko nun kasi very expressive ng mukha ko hihi parang CM Punk lang? 

Grabe, 'yung momentum ko nung umpisa ng laban... PAPAPAK! 'Yung tipong ako lang 'yung nakakakuha ng tamang sagot. Sooo... anlakas ng cheer sa akin nung section ko (YEHEY!) kaya kumaway ako sa section ko tulad ng pagkaway ni Super Saiyaman [Gohan] sa mga kaibigan niya noong 25th Tenkaichi Budokai (number of nerdy references in this chapter: OVER 9000).

BUT THEN, biglang parang nagbara 'yung tenga ko (<- bwiset ka. bakit NGAYON PA?!?). At sa lahat ng nagtatanong kung naglilinis ako ng tenga, I probably clean my ears more than you do. Hehe.

Define stupid: Tangang ateng 4th year na may hearing deficiency, naupo sa right side ng hall instead na maupo sa left side (sa tabi ng quizmaster). *sabog confetti*

Anak ng tortang talong.

Natatawa na 'yung mga nag-ta-tally kasi 'yung sagot ko sa tanong e kung hindi malaking question mark, e... isang mahabang straight line. SORRY PO HINDI KO KASI MARINIG NG MAAYOS HAHA

'Yung tipong ako 'yung chini-cheer nung mga elementary pupils nung bandang una nung contest. Pagdating sa huli... natalo ako ni kuyang 3rd year. Ayos lang naman dahil 1.) matalino siya at 2.) umm... wala po ba talagang award ang 2nd place? huehue

P.S. Contrary to popular belief, hindi ako 'yung tipo ng taong shake-hands-sabay-suplex sa competitors ko. I'm a good sport, dattebayo. Pinalakpakan ko si kuyang champion. But honestly, kuya, kudos to you. Mas gusto ko nang matalo kesa ma-away ng mga ka-batch mo. Hihihi. (pakitapon na po ang torches and pitchforks ninyo)

===

Sabi nila, "kapag may nangyaring mabuti sa 'yo, may katumbas na masamang pangyayari 'yun and vice versa". I'm not one for superstitions and fallacious statements, but it is common knowledge that life does come with its ups and downs. You had the good, now you have to deal with the bad! Can you dig it, sucka???

Uh, anyway. So, halos nawawalan na talaga ng hearing 'yung right ear ko. Ewan ko kung dahil sa sipon, ewan ko kung paano matanggal (5 days and counting nang barado), ewan ko kung matatanggal pa...

Remember when CM Punk almost went deaf in the indies? This is life's way of telling me that "Unprettier, 'di ba idol mo si CM Punk? Ginusto mo 'to, enjoy the hearing loss". Kaso nga lang temporary lang 'yung hearing loss ni Punk. 'Yung akin... ewan ko. Huehue.

Holy kwek-kwek.

--x--

* This chapter is sponsored by the "upakan ang tenga ni Unprettier para bumalik ang pandinig niya" foundation.

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now