Hopia, Mani, Popcorn, Pirated na DVD

71 1 0
                                    

Maraming pagkakataon na ang nasayang ko sa buhay ko sa school. Maraming nasayang pagkakataon kapag recitation... sayang! Nagmukha sana akong matalino (HAHA JOKE) pero naduwag akong sumagot. Naduwag dahil sa paranoia. Naduwag dahil baka maalala ako ng mga kaklase ko bilang "babaeng recite nga ng recite, puro naman mali ang sagot"...

Natatalo raw ng talino ang diskarte. Sabi nung teacher ko nung summer class, you have to play dirty in order to SURVIVE!!! Katulad ng gimmick ni Eddie Guerrero (r.i.p.) na "Lie, Cheat, & Steal". 'Yun nga lang, masyado akong uptight para sa buhay na ganun.

...

Stupid is the relentless pursuit of a regret free life.

Smart may have the brains... but stupid has the balls.

The smart might recognize things for how they are.

The stupid see things for how they could be.

===

Kapatid: (may pinakitang kahon ng biscuit) Binili ko ito dahil akala ko "Ferrero" ang nakasulat. "Pepero" pala.

Ang Pepero ba ay ang Pocky ng mga K-Pop, o ang Pocky ba ang Pepero ng mga otaku? Sabihin na natin na it depends on your frame of reference. Walang kinalaman kung alin sa dalawa ang unang sumikat.

===

And speaking of Korean food... sabi sa akin ng nanay ko na meron nga daw na binebentang "KPOP Ice Cream" sa isang convenience store malapit sa amin. WTF?! Ngayon ko lang nalaman 'to pero sabi ng kapatid ko na matagal na raw may commercial 'yun sa TV. Hindi nga lang ako nanonood ng TV. (audience: HENYO KA, UNPRETTIER!)

Syempre mape-phase out din 'yun matapos ang ilang buwan dahil malalaos din siya siguro...

===

Noong grade 3 ako mayroong binebenta ang Close-Up na "Chocolate Toothpaste", at enjoy na enjoy ako noon at ginaganahan akong mag-toothbrush. Ang hilig sa pag-too-toothbrush ay nadala ko hanggang pagtanda ko - 'yun nga lang, kahit anong toothbrush ko, hindi pa rin magiging kasing puti at kintab ng kalbong ulo ni Mr. Clean ang ngipin ko.

Ngayon balik doon sa chocolate toothpaste... na-phase out siya matapos ang ilang buwan dahil hindi siya in-demand. Paano na ang mga nagluluksang puso ng mga batang naganahang mag-toothbrush for the first time? You made me feel special and then you disappeared...

So... "quantity demanded" = iyan ang number ng consumers na willing (at kayang) bumili ng isang uri ng product o goods. Kaya bale kung gusto mo man ang isang "limited edition" na bagay... kung wala nang ibang bibili nun kundi ikaw, mawawala rin siya sa mga supermarket aisle ng iyong local grocery.

A/NMayroon akong nagustuhang cologne noon na limited edition at dahil "limited edition" nga siya, bumili ako ng apat na bote. In demand pa rin ang cologne na ito hanggang ngayon at kung interesado kayong bumili... Lewis & Pearl 'yung brand. (shh)

...

Ngunit hindi lang sa cologne at limited edition items mai-aaply ito. Paano kunwari 'yung mga botohan sa senado... 'yung ano... uh, kapag gumagawa sila ng batas.

Magpasalamat tayo at hindi lahat ng nasa gobyerno natin e utak-eggnog (as far as I know) pero kunwari, i-a-approve ng Presidente 'yung isang batas dahil lang maraming may gustong matupad 'yun? Dedbols tayo.

Conclusion: Ibalik ang chocolate-flavored toothpaste sa supermarket aisles. Kahit isang buwan lang. Kahit na ako na lang ang uubos ng supply.

===

"Darklight Brigade"

Iyan ang pangalan nung Facebook group ng mga officers sa 1st brigade ng CAT. Bakit? Dahil kasama sa 1st brigade ang Dark company at Ivory company.

Ang cool. Paano kaya 'yung amin? Cool din kaya? Gold. Parang Magnum.

===

Bakit ang sarap dilaan nung toothpaste na natuyo sa kamay mo? #TMI #MedyoBaboy

===

Kanina sa club namin sa school (dalawang beses na nga pala akong lumipat ng club dahil nabuwag ang una kong club at nung may club na ako, kinuha ako nung computer teacher namin at inilagay sa club niya dahil kelangan daw nila ng layout designer), gumagawa kami ng mga sticker sa Photoshop dahil ibebenta namin 'yun pagdating ng Academy Day(s?) o baka sa darating na Intramurals.

Ang nakakatawa lang e sa lahat nga pala ng hindi nakakaalam, catholic school kami. Mayroon akong ka-club na gumawa ng kyut na kyut na chibi na nakasuot ng school uniform namin. Sabi naman nung club moderator namin, kailangan daw na naka 2"x3" 'yung buhok nung lalaking chibi. Bawal din daw ang "colored" contact lens. At! Kailangan daw naka-ID. Baka raw kasi magalit ang mga madre.

Nakatutuwa ang buhay sa catholic school, kahit paano. I wouldn't have it any other way. Kahit na hindi na mabilang sa daliri ng kamay ang mga bully dito, it's still relatively safe compared to other schools. Come on, most (if not all) of them adhere to a dogma. At least may takot pa rin sila kahit paano.

===

Ako si Unprettier, and as stated on the chapter "Going To Prom: Weh, 'Di Nga (another journal kuno) ", nagmumukha akong tao kapag nakamake-up.

Scene: Pumunta si Unprettier sa likod ng room kasama ang mga kikay na kaklase para mag-makeup...

boy 1: "oy Unprettier bakit ka andyan HAHAHA"

boy 2: "pare malamang babae 'yan"

kaibigan ko naman sina boy 1 at boy 2. Otherwise, nabato ko na sila ng armchair. Tatlong armchair.

===

SINONG WALANG DE-MERIT SA CAT KANINA?!? AKO!!! IN YOUR FACE MEHN!!! BWAHAHAHAHA!!!

(Wala kaming de-merit dahil sabi ni sir commandant, kung magkakaroon pa kami ng de-merit e bagsak na kami)

BUT STILL, A WIN'S A WIN!!! WOOHOO!!!

At medyo lutang ako sa CAT kanina. 'Yung tipong masyado akong masaya. Kapag CAT kasi, china-channel ko ang inner poker face bwiset ko para magdamag akong nakasimangot. Pero ngayon...

Platoon Leader: Oy, ibaba mo na 'yang kamay mo.

Unprettier: he he he...

Siguro 1/4 nung mga command e naipalpak ako. Pero hindi ako pinagalitan dahil lutang din 'yung mga nagbabantay. Yehey!!!

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now