Going To Singapore: A Travel Journal Kuno

94 1 0
                                    

So, I went to Singapore on December 27, 2012 and stayed there for four days. At ang unang-una kong ginawa para makapaghanda sa biyahe ko? Naghanap ng listahan ng Singaporean swear words. Para malaman ko kung minumura na ako ng mga taong makakasalubong ko. Very, very classy, ehhh

---

December 26, 2012 - Despedida? lol joke

Sabi sa amin ng nanay ko na 6:00 AM daw ang flight. Anong oras kami gigising? 1:00 AM. And then I was like "whaaaaat?" because, hey, that's usually the time when I go to SLEEP! Heck, how are you going to make me go to sleep early? What are they supposed to do, put me on sedatives?

...

12/26/12 - 8:06 PM

Hindi ako makatulog, kaya nagbasa muna ako ng konting libro ko, 'yung School Rumble. And by "konti", I mean 9 books which are 160 pages each.

...

12/26/12 - 9:27 PM

Hindi pa rin ako tulog.

...

12/27/12 - 1:09 AM

Bumulabog na sa akin ang kapatid ko na "gigising" sa akin. 'Di nya lang alam na hindi pala ako natulog. Pinamukha ko lang na tulog ako sa pamamagitan ng paghahagis ng mga unan at kumot sa floor dahil ganun ang eksena sa kwarto ko pag tulog ako.

...

12/27/12 - 2:03 AM

Dapat kasi naghahanda na ako sa pag-alis namin ngayon, pero heto ako, nag-wa-wattpad at nakikinig ng mga, ahem, German pop songs na hindi masyadong, uh, "mainstream". Pero mamaya aalis na kami.

...

12/27/12 - 2:40 yata 'yun AM

Ang haba ng pila sa airport. At ang korni. Wala akong magawa.

...

12/27/12 - 6:00 AM

Sumakay na kami sa eroplano. Ayoko na talagang magreklamo, pero ang sikip dun sa eroplano, eh. Nalibang ako sa pagbabasa nung instruction manual at safety precautions. Anything can appeal to you when you're f--king bored.

...

12/27/12-12/31/12: whatever, ipagsasama ko na lang lahat sa isang update dahil nakakatamad mag-update ng madalas

So, ayun, pumunta kami dun sa Universal Studios sa Sentosa. Wow, super ganda, especially 'yung parang soundstage ni Steven Spielberg. Tapos nag-shopping 'yung nanay ko. Blah blah blah.

...

12/31/12 - 9:45 AM

Tatlong beses akong nagbalik-balik sa Metal Detector nung airport dahil tatlong beses nag-alarm 'yung detector (linawin ko lang, hindi po ako kriminal). Nakita nung nag-i-inspect 'yung laptop bag ko at tinanong niya ako - "is that a laptop?". Gusto ko na sanang sagutin ng "hindi, refrigerator" pero nagpigil na lang ako. Meron daw palang screwdriver sa bag ng laptop ko. Nakalimutan ko pala tanggalin sa bag, ginamit ko kasi 'yun nung binaklas ko 'yung laptop ko nung nasira 'yung LCD screen.

...

12/31/12 - 2:00 PM

Pagkatapos ng isang nakakahilong flight, nasa 'Pinas na ulit kami. Na-spoil na ako dun sa airport ng Singapore kasi may entertainment dun, at dito... wala. Hindi kami sa NAIA pumunta btw kaya wala talagang entertainment dito lol.

---

There you have it, a travel journal by Yours Truly. Ang masasabi ko lang, ang ganda ng Singapore, a.k.a. the "FINE" city, if you know what I mean. At ang sarap ng Singaporean food. At maganda ang surroundings, bawal magkalat dahil may multa. At maganda raw ang New Year Countdown doon. At mataas pa ang araw kahit 6:30 PM na. At...

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now