ang init dito

85 0 0
                                    

Dahil malapit na ang holy week para sa mga katoliko, aamin ako, may nagawa akong kasalanan.

Isang araw, pumunta kami sa simbahan. Sunday. Anyway, medyo lutang ako nung araw na 'yun. Humatak na lang ako ng kahit na anong damit galing sa cabinet ko, tapos 'yun ang sinuot ko.

Pagdating namin sa simbahan, medyo late na. Pero hindi iyon 'yung kasalanan ko. Dahil pagkatingin ko sa T-Shirt ko... nganga. Ang nakasulat:

"I'M THIS INTERESTED!" - tapos may picture ng humihikab na hippopotamus.

Ginawa ko ang lahat para takpan ang nakasulat sa T-Shirt ko. Lalo na nung communion.

--x--

Pag-uusap ng kapatid ko at ng kaklase niya:

Brother: Why did the chicken cross the road?

Classm8: Bakit?

Brother: Para pumunta 'dun sa bahay nung bakla.

Classm8: ...

Brother: Knock knock.

Classm8: Who's there?

Brother: 'Yung chicken. *ngisi*

Classm8: P^*@#& I#@ MO!

===

Naalala ko 'yung mga kaklase ko nung 2nd year. [S.Y. 2011-2012]

Tuwing lunch, bawal kami pumasok sa air-conditioned (pero mainit pa rin) na classroom namin.

Tuwing lunch, pagkatapos kumain ng mabilis, didiretso kaming mga magkakaklase sa classroom para magpalamig, at isang mabait naming kaklase ang magsisilbing lookout at uupo sa harap ng entrance door na may glass window, at titingnan niya kung sino 'yung mga dumadaan sa mga corridor na malapit sa amin.

Dahil kapag parating na ang adviser namin, sisigaw na si lookout ng "andyan na si miss!" at magtatago na kami. 'Yung iba, sa storage room. 'Yung iba, sa likod ng mga upuan.

At kung pumasok si miss sa entrance door at may nahuling estudyanteng nag-stay sa room, tatakas 'yung iba naming kaklase - doon sila dadaan sa second door.

Sneaky.

Pero labs pa rin namin 'yung adviser namin nung 2nd year. Nung 3rd year na kami, nagka-mini reunion kami para sa birthday niya. Ginawan namin siya ng poster (ako nagkulay nun yehey). Inilagay sa 1/2 cartolina 'yung poster.

Pero nakita namin 'yung dala ng advisory class niya noong school year na iyon (2012-2013). Ang dala nila... manila paper na may dedication... back to back!

===

I have an unhealthy obsession with perfumes.

As in, I spray it on myself, like, every 30 minutes back when I was in school, and due to my dysfunctional sense of smell, I didn't realize that the smell of my perfume was so abundant in our part of the classroom. Maririnig ko na lang 'yung mga katabi ko na nagrereklamo na "ubo, ubo, ANG LAKAS NG AMOY NG PERFUME MO".

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now