Oh My G, You're So G-R-R

94 1 0
                                    

'Di bale nang mapagod basta may pera.

- Motto na isinulat ko sa student profile ko

--x--

Nagpabunot ako ng ngipin kanina.

Dahil magpapalagay ako ng braces na 21 days... at 8 months nang overdue.

Nagpabunot ako ng ngipin kanina... at hindi ako naluha. Hindi rin ako sumigaw! We're proud of you, Unprettier!!! .~*YeHeY*~.

Bakit? Dahil may mga tao sa labas. Hindi ko man makita ang mukha nila dahil malabo ang mata ko, meron pa rin akong kutob na baka kilala nila ako at bukas may makita na lang akong viral video (or viral AUDIO?!?) ng pagsigaw ko habang binubunutan ng ngipin.

Pagkatapos akong bunutan, sabi sa akin ng doktor na uminom daw ako ng gamot, maglagay ng ice pack sa tapat ng affected area, att kumain ng ice cream. Seryoso! Dahil ang katapat ng nabunot na ngipin ay prescribed medicine, ice pack, at... ice cream... na kasinlamig ng puso ko.

At oo nga pala - hindi ko na suot ang retainer ko, kaya hindi na magme-Meri Krismas 'yung laway ko tuwing dumadaldal ako. Anyway... ganun nga, pag-uwi ko, kumain ako ng ice cream na ang flavor ay chocolate chip... at dugo.

Limang oras na ang nakalipas pero dumudugo pa rin 'yung gums ko.

Bubunutan yata ulit ako ng ngipin next week.

===

"IPAPAKULONG KO NA ANG GUMAWA NG LIBRONG ITO!!!" - Unprettier nung grade 6, dahil walang maintindihan sa binabasang math book

"IPAPAKULONG KO NA TALAGA ANG AUTHOR NETO!!! @#$%!!!" - Unprettier nung 4th year HS, dahil napakahaba ng assignment sa libro ng Trigonometry

So sa basic math namin na Trigonometry (may elective math pa, Calculus), halos araw-araw kaming may assignment. Laging mahaba... pero ngayon 'yung pinakamasaklap.

Cinompute ko 'to. Ang total items ay... 90!!! ANAK NG KALABAW... 90?!?!?! ANG EXAM NIYO, ASSIGNMENT LANG NAMIN! #$%&!!!

Isang araw lang ang ibinigay sa amin para tapusin 'yung punyemas na assignment. 5:00 ang uwian, 6:30 ako nakakarating sa bahay. 5:00 ako gumigising sa umaga, at bagsak ako run sa assignment kasi nakalimutan kong i-rationalize 'yung isang set ng... ano... 'yung problem. soh cah toa chubaekek.

Hindi ako nakapakinig sa discussion kanina sa math kasi masyadong abala ang mga katabi ko sa pagsusugal (bato bato pik, pag natalo ka bayaran mong bente kalaban mo).

Medyo hanga ako dun sa mga tamad kong kaklaseng pa-petiks-petiks lang. Kahit wala silang sense of responsibility... chillax lang sila. Go with the flow. Hindi pine-pressure ang sarili. Mangongopya na lang ng assignment sa katabi. Minsan, mas mataas pa ang nakukuha ng mga nangopya lang ng assignment sa iba kesa sa taong apakatagal na ginawa 'yung assignment.

===

At oo nga pala sana ibasura na ang "kapag may tumikwas sa buhok mo de-merit ka" rule sa CAT.

===

Sinisipon ang mga kaklase ko, at ngayon-ngayon lang e hinawaan na rin nila ako. *palakpakan*

Nung mga 1st year HS kami (4th year nako yehey!), bandang September, nagkasakit ang sandamakmak na estudyante sa batch namin.

Ubo dun sa isang section, sa kabila ay sore eyes, sa isa pang section: sipon, at sa amin naman ay lagnat... at lahat nung ibang sakit na nabanggit. Totoo 'to! Tanungin n'yo man ang mga ka-batch ko. At oo nga pala, medyo pasimuno ako dun sa lagnat kasi nung nilagnat ako sa school, pinagkatuwaan ako nung iba kong kaklase at ginawa nila akong "heater". Kaya medyo kasalanan din nila.

===

1 week later (baka kasi maguluhan kayo)...

Nag-CAT ulit kami.

Paalala ko lang, when it comes to hair care during CAT time, try to avoid using wax. Gel na lang o mousse. Humingi ako ng wax (NAME WITHELD) sa kaklase ko kanina, at inilagay ko sa buhok ko. Kapag natutuyo 'yung wax na 'yun sa buhok mo, magmumukhang ba... laku... bbbbak... (audience: ang BABOY mo UNPRETTIER!)

Pero wala na talagang pag-asang umayos ng sobra ang buhok ko. E 'di ayun nga may de-merit ako dahil may tikwas 'yung buhok ko. Duhhh.

Doon kami sa grounds (malaking damuhan sa gitna ng 2 building sa campus). Bale ganito kasi 'yun...

Parentheses () = Grade School Building, Brackets [] = High School Building.

[]      []      []      ()      ()      ()

[]           ANDITO             ()

[]         GROUNDS         ()

[]      []      []      []      []       ()

At 'yung platoon namin ay nakapwesto sa upper right... kung saan NAKATUTOK LANG NAMAN SA AMIN 'YUNG ARAW!!!

(a/n: may gusto pa ako sanang ikwento pero bawal. pa. sa march ko na siguro sasabihin 'yun)

At pinagpipiyestahan na ng mga lamok (o kung anu mang insekto 'yung nasa damuhan nami) ang legs ko. Pero hindi pwedeng gumalaw. Bakit? De-merit daw.

Pagkatapos ng CAT, marami sa mga ka-platoon namin ay binisita namin... sa clinic. Dahil syempre, ang hirap kaya nung piniprito ka ng buhay doon sa damuhan. Kulang na lang apple, lechon ka na.

Pero masaya ang CAT, peksman. Keri natin 'to, guys.

TIWALAG!!! More power guys!

At oo nga pala pakibasura na ang "tikwas buhok = de-merit" rule sa CAT pls. Hindi talaga keri ng buhok ko.

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now