mass hysteria

62 1 0
                                    

intramurals special

At oo nga pala: ang intramurals special last year ay nasa chapter # 4.

--x--

isang araw bago mag-intrams [10/03/13]

Intrams na bukas at syempre feel na feel na ng mga estudyante ang intrams na 'to. (magiging killjoy muna ako: ang mga 4th year students ay may tatapusin pang 1.) physics project, 2.) filipino project at 3.) thesis RRL na next week na ang deadline)

Explanation ng intramurals para sa mga taong walang intramurals sa school

Bale ganito: naka-group ang mga estudyante... 8 families. At sa lahat ng curious: by "family", I'm not referring to your actual biological family. Just in case kailangan niyo ng klaripikasyon.

Anyway. Random selection lang 'yung pagpili sa members ng bawat family. This year, however, kami ang pinapili ng sasalihan naming family kaya yehey! Kasama ko si bestfriend at ang kanyang *ubo*boyfriend*ubo* na kaklase ko nga pala ngayong taon na ito.

Dalawang araw ang intramurals. Family competitions (yelling at sports/games) ang ginagawa sa 1st day. Sa 2nd day naman ang pinakahihintay ng lahat: cheering competition! Kanina, nagsilbing pompom factory ang mga classroom ng 4th year students dahil busy sa paggawa ng props.

--x--

Inumpisahan na 'yung sports a few days before the intramurals. Mayroong mga 3rd year & 4th year students na nagsilbing sports officials, lahat nung iba may sari-sarili nang family. Nakapag-sub din ako as S.O. (sports official) doon sa isang laro kahit na may family ako kasi hindi namin mahanap 'yung kaibigan kong S.O. para sa laro na 'yun. 'Twas very fun! Naging tagapaypay ako ng mga player sa larong 'yun before the contest proper at nagkaroon pa ako ng additional poins sa PE.

===

ONE DAY BEFORE THE INTRAMS, FEEL NA FEEL NA NG MGA ESTUDYANTE ANG... INTRAMS.

Unprettier: (sa ladies' washroom) FAMILY SEVEN! SEVEN! SEVEN! SEVEN!

Classmate: FAMILY FOUR!!!

Platoon Leader ni Unprettier: FAMILY FIVE!!!

Classmate: FOUR!!!

Unprettier: SEVEN!!!

Platoon Leader: FIIIIVE!!!

SA SERVICE, FEEL PA RIN NAMIN.

Ka-service: (sa kapatid ko, in regards to the cheering competition) Hoy maghintay ka lang. Kaming seniors, may pasabog kami.

Unprettier: Literal.

AT KAHIT SA BAHAY, FEEL PA RIN ANG INTRAMS.

Unprettier: SENIORS! SENIORS!

Kapatid: JUNIORS!!!

Unprettier: S-E-N-I-O-R-S GO, LET'S GO SENIORS!!!

Kapatid: Alam mo kung ano kayo? (kumuha ng namumulok na saging at iniabot sa akin) BULOK!!! At kami naman, (pinalo ng fresh na ponkan ang ulo ko) FRESH KAMI.

Unprettier: Pwes MAGSAMA KAYO... NIYANG... SAGING MO! (apparently lalo akong kumokorni kapag pinamadali sa paggawa ng counterargument)

===

1st Day [10/04/13]

Uh, walang Korean ice cream stand, walang Greenwich, walang KFC, dahil kuripot ang bagong principal. Thus, walang "hinahanap ni Unprettier ang Korean ice cream stand" narrative ang intrams special na ito. Ironically enough 'yun lang ang laman ng intrams special last year.

Walang special na nangyari ngayon. Kung ikwekwento ko sa inyo, ang general idea lang ay "si crush nakaupo malapit sa canteen kaya apat na beses akong pabalik-balik sa canteen". At wala nang iba.

Ngayon ginanap 'yung yelling competition. Zero motivation mode ako dahil medyo korni 'yung yell namin. Pero spoiler alert: grand champs pa 'yung family namin. May sports competition din kasi at sa amin napunta 'yung karamihan sa mga miyembro ng varsity. Long story short, parang wala naman akong na-contribute. Meron pala - props. Kahit na nagpatulong din ako sa paggawa nun.

===

2nd Day [10/05/13]

Magaganap ang cheering competition ngayong araw na 'to at ang pinakauna kong ginawa bago pumasok sa school ay bumili ng water gun dahil magbabasaan daw 'yung batch namin kapag cheering.

Naka-pigtails ako kanina. At kung kakilala ninyo ako in real life, siguro gumugulong na kayo sa kakatawa dahil sa statement na 'yun (Unprettier and pigtails don't mix, not in the physical/aesthetical aspect but... personality-wise)... ilang araw rin ang lilipas bago ko malaman na nagmukha pala akong gago.

Pagdating sa school, nakita ko ang mga ka-batch kong mukhang endorser ng Bonakid (may blue at white na pintura sa mukha. peace). Hindi naman ako nagpa-pintura. Nagbalak ang ilan sa kanila na mag-mosh pit... at to be honest, hindi ako gaanong na-amuse nung narinig ko 'yun dahil baka 'yun ang maging dahilan ng downfall ng batch namin - katulad na lang nung sa steel cage match ng Hardy Boyz vs. Dudley Boyz noong WWF Survivor Series 2001. Nakatakas na si Matt Hardy mula sa cage, at kinailangan na lang bumaba ni Jeff Hardy mula sa taas ng steel cage upang manalo sila... ngunit mas gusto niyang magpasikat kaya nag-swanton bomb pa siya mula sa taas ng steel cage. Natalo tuloy siya ng Dudley Boyz. Kawawa naman.

Syempre, bago mag-umpisa ang saya, nagkaroon muna ng paraliturgy na mas matagal pa sa entrance ni Undertaker tuwing Wrestlemania. Pina-Tai chi kami sa ilalim ng mainit na araw. Pinirito kami ng buhay. Sabi nga nung isang magulang, "hindi ba naawa si sister (principal na madre) sa mga bata?", at ang sagot diyan ay... hindi!!! BWAHAHAHAHA!!!

Anyway, uminom muna ako ng iced tea bago mag-umpisa ang CHEERING COMPETITION!!!

Ikatlo pa kaming mag-pe-perform kaya nanood muna ako nung mga performance ng ibang year level mula sa 3rd floor. Pinagalitan ako ng kasama ko dahil pinapalakpakan ko 'yung ibang year level... Bakit? Maganda naman talaga 'yung mga performance nila e. Wew. Napa-"woo" ako sa kanila. Mahigpit ang labang ngayong school year. Astig.

Pinababa na kami while were in the midst of watching the performance of batch #2 (3rd year HS). Pababa pa lang kami ng hagdan, nagkakabaliwan na 'yung batch namin. Nagbasaan na. Susmaryosep. Sasabak na kami sa laban.

Noong kami na ang nagpe-perform, baliw na baliw na baliw na talaga. Pati ako nakisali sa mga nag-a-amok na may water gun (at kung kilala ninyo ako, alam ninyong reserved at aloof at tahimik ako unless 1. galit ako at 2. nakita ko si crush). Habang nag-ye-yell kami, mayroon akong kaklase na nagbasbas sa amin ng tubig. Phoenix ang theme namin (rise from the ashes dahil kulelat kami last year). I don't even know how that basaan thingy came into the picture. Magaling.

Hindi halatang kulelat last year.

Noong in-announce na ang mga winner sa sports (intramurals ito duh), natulog na lang ako kasi boring. Nakaupo ang mga estudyante sa grounds noon. In-entertain ng ibang estudyante 'yung mga sarili nila sa pamamagitan ng pagbunot ng damo at pagsaboy ng damo sa ere at sa ulo ng mga katabi nila.

Pagkatapos nun pagkahaba-habang seremonyang 'yun, in-announce na ang mga results ng cheering competition... at spoiler alert dahil tinatamad na akong mag-elaborate: panalo kami. Nagsibasaan nanaman ang seniors syempre, at oo nga pala: 50 MERITS FOR US!!!

Inilabas ko ulit ang water gun ko at nakisali sa basaan pero hindi ko nabasa si crush kaya umuwi akong sawi at heartbroken ng konti. The end.

(Congrats, seniors.)

--x--

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now